1. Next Area
Eivel
Ramdam ko ang paggalaw ng tren habang casual akong nakaupo. Ang tanging ingay lamang ay ang pagtakbo ng sinasakyan namin.
Nasa tabi ko si Kid habang nasa balikat niya si Potchi. They are looking outside of the window with their sparkling eyes. Nakaawang pa ang bibig ni Kid habang tutok na tutok sa pagtingin sa labas.
Napabuntong-hininga na lang ako bago malipat ang tingin ko sa katabi niya pang wala rin magawa sa buhay. Sage is sleeping while eating a freaking lollipop. Mabuti at hindi ito nahuhulog at nagagawa niya pa 'tong lasahan.
"Eyo! Ang angas! Ang bilis natin!" Namamanghang sambit ng lalaking katabi ko habang dikit na dikit ang mukha sa bintana.
"Ya! Wag kang maingay-ya! Magagalit si Sage-ya!" Pagsuway ng maliit at matinis na boses ni Potchi.
Tawa ang sinagot sa kaniya ni Kid. Akmang magsasalita pa siya nang pare-parehong naagaw ang mga atensyon namin. Kapwa kaming napatingin ni Kid sa isang speaker sa tren nang magsimula itong tumunog.
Both of my eyebrows rose when I heard a familiar sound. Na kabaliktaran ng inakto ni Kid na tuwang-tuwa lalo sa narinig. Namilog ang mga mata niya at mas lalong umawang ang bibig nang marinig ang umpisa ng kanta.
"Eyo! Favorite song ko 'yan!" Masiglang sambit niya kay Potchi.
I glanced at him as he looks so happy while listening. He started humming. Muling bumalik ang tingin niya sa bintana habang hinihintay ang pagsimula ng lyrics.
"You've got a friend in me
You've got a friend in me."
Nagsimulang sumabay sa pagkanta si Kid. To my surprise, he knows the lyrics. To be honest, maganda rin ang pagkakakanta niya.
Napako ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Potchi na nagsimula na ring kumanta. Napasandal ako sa upuan at pinatong ko ang siko ko sa bintana.
"Woah, alam nga talaga ung kanta." Wala sa sariling sambit ko.
Isang ngiti ang ipinakita sa akin ni Kid habang nanatiling nakatingin sa bintana at pinapanood ang pag-andar ng tren.
"Oo! Paborito kong kanta 'yan eh. Lagi naming pinapanood ni ate ung Toy Story rati." Natutuwang sagot ni Kid.
"Sabay pa naming kinakanta 'yan." Dagdag niya pa.
Nanatili akong nakatingin sa kaniya. He looks like he's having so much fun right now, just by listening to music.
Nagbago ang ekspresyon ko at nalipat ang tingin ko sa bintana. I really don't watch Disney movies before... or any movies or cartoons to be exact. Dahil wala akong naramdamang saya no'ng unang beses na nakanood ako ng gano'ng klaseng palabas.
Tanda ko pa na nasa malaking screen ko 'yon pinanood. Kasama ang iilang katulong para bantayan ako.
I didn't had fun.
Maybe because I was just watching alone...
"It must be fun..." Muling sambit ko. "Watching movies with someone."
Nahinto sa pagnood sa labas si Kid at Potchi. Inosente silang napatingin sa akin habang nakatingin ako sa bintana.
"Eyo! Wala kayong TV sa bahay?" Marahang tanong ng lalaking kaharap ko.
Nawala ang pagkaseryoso ng ekspresyon ko sa narinig. Walang gana akong napatingin kay Kid. Nanatili siyang nakatingin sa akin na para bang curious na curious talaga siya kung may TV kami sa bahay.
Nang mapansin niyang wala akong balak na sumagot, natatawa siyang napakamot sa ulo bago muling napatingin ulit sa bintana.
"Ay, ano ba 'yan tanong ko. Obvious naman na may TV kayo sa bahay." Natatawang sambit ni Kid nang mapagtanto niya ang gustong ipunto ko. "Baka wala lang kayong channel." Dagdag niya.
Hindi maipinta ang mukha kong napatingin sa kaniya. Huminga na lamang ako nang malalim habang napapailing at humarap sa ibang direksyon.
There's 0% chance that this conversation will have a sense if I'm talking with Kid.
"Pero Eivel..." Biglaang pagtawag ni Kid dahilan ng pagtingin ko ulit sa kaniya. Natigilan ako nang makita siyang nakangiting nakaharap sa akin.
"Kung gusto mong manood, pwede ka naman makinood sa amin." Nakangiting sambit niya sa akin.
I was taken aback by what he said. Muling bumalik sa pagtingin at pagnood sa labas ng bintana si Kid at si Potchi.
Ilang segundo rin akong napatulala sa sinabi niya bago ko matagpuan ang sarili kong napapangiti mag-isa.
Yeah... I guess I should watch some movies with them.
-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶
Ilang minuto lang ang lumipas nang pare-pareho kaming nabigla nang huminto ang sinasakyan naming tren, hudyat na nasa susunod na Area na kami.
Mabilis na napatayo si Kid mula sa pagkakasilip sa bintana habang nasa balikat pa rin si Potchi.
"Eyo! Nandito na tayo!" Masigla niyang sambit. Nauna siyang tumakbo papalabas sa tren papunta sa terminal.
Napabuntong-hininga na lang ako bago ayusin ang skirt ko at tumayo. Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko na kasabay ko ring napatayo.
Sage looks bored as always. Walang gana niyang inuluwa ang lollipop stick na wala ng candy bago kumuha ng panibago sa bulsa niya.
"So, you don't a TV at home?" Walang gana niyang sambit habang binubuksan ang lollipop.
Kumunot ang noo ko sa narinig. "Huh? Were you eavesdropping on our conversation?" Iritadong tanong ko.
Nagkibit-balikat si Sage bago magsimulang maunang maglakad sa akin.
"It's not my fault that Kid was loud." Walang gana niyang sagot.
Napasinghap ako sa sinagot niya. A-Aba-
Akmang magrereklamo sana ako at itatanggi ang sinabi niya nang unahan niya ulit akong magsalita. Iniligay ni Sage ang dalawang kamay niya sa bulsa habang nakatalikod sa akin.
"You should've said it earlier. I could've invited you... on a cinema or something..."
Pahina nang pahina ang boses niya dahilan ng hindi ko maintindihan ang mga huli niyang sinabi. Kunot noo akong sumunod maglakad sa kaniya.
"What are you saying, Sir Prodigy?"
May subo-subong lollipop si Sage habang deretso ang tingin. He gave me a side-eye as he continued walking.
"Nah." Maikli niyang sagot bago maunang maglakad.
Hindi maipinta ang mukha ko habang sinusundan siya ng tingin. What a freaking jerk.
Napaismid na lang ako bago sumunod sa kanila ni Kid papalabas ng terminal. Naabutan ko silang dalawa sa labas ng terminal, hindi gumagalaw at nakapako ang tingin sa paligid.
Kumunot ang noo ko nang makitang nakaawang ang bibig ni Kid habang nakatulala sa paligid. Nagtataka rin akong napatingin sa panibagong Area na pinuntahan namin.
Kusang namilog ang mga mata ko nang makita ang bumungad sa akin. Napakurap-kurap ako hindi makapaniwalang inililibot ang tingin.
For pete's sake, this game never fails to surprise me.
"Ya! We're here-ya! Area 72!" Masiglang sambit ni Potchi.
"Welcome to Wonderland! Where the Game General, Mad Hatter, is!"
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top