Chapter 1
Eivel
Nagising ako nang umalingawngaw and tunog ng alarm clock. Kahit nakakaramdam pa 'ko ng antok ay bumangon pa rin ako at pinatay ang orasan. Kusot-kusot ang mga mata, tumayo ako sa kama.
I did my usual routine in the morning. I showered and fixed myself, then ate breakfast. Matapos mag-agahan ay kinuha ko na ang backpack ko at lumabas ng bahay.
I checked my phone to see the time and it's already 6:40 in the morning. 7 pa naman ang simula ng unang klase ko kaya hindi ako nag-abalang magmadali sa paglalakad.
Kaswal lang akong naglalakad sa daanan nang makaramdam ako ng sakit sa ulo. Napahawak ako rito kaagad dahil sa sobrang sakit. Napangiwi akong nakahawak dito.
Para bang binibiyak ito sa sobrang sakit. Wala akong maalala na nauntog ko ito o tumama ito sa kung saan. Bakit bigla na lang itong sumakit?
Nang mawala ang sakit ng ulo ko ay mabilis ko itong iniling. Siguro ay kulang lang ako sa tulog.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa school. Walang nagbago, as the usual routine. My friends greeted me when they saw me entering the gate. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng school at pumunta sa unang klase namin.
Buong araw ay nakinig ako sa klase at nakipag-usap lang ako sa mga kaibigan ko. Katulad ng laging nangyayari, walang nagbago.
Nang matapos ang lahat ng klase namin ay nagpaalam na kami sa isa't isa ng mga kaibigan ko. Isang ngiti ang pinakita ko sa kanila habang kumakaway paalis.
Walang bagong nangyari ngayong araw. Just like the usual routine— like what I do in my everyday life. Maglalakad lang ako pabalik sa dinaanan ko kanina at makakabalik na 'ko sa bahay.
The stoplight turned red and the cars stopped moving. Kaswal akong naglakad sa pedestrian lane kasabay ng ilang mga sibilyan.
Habang naglalakad ay nakaramdam na naman ako ng sakit sa ulo dahilan ng paghinto ko. Hindi katulad ng sakit kanina ay mas doble ang sakit nito ngayon. As if something kept appearing in my head but blurred, I can hear some sounds too.
Hindi ko namalayan na nagbago na pala ang ilaw sa street light at nagsimula ng umandar ang mga sasakyan. Ang tangi ko na lang na naalala ay ang mabilis na pag-andar ng truck sa harapan ko.
Unti-unting namilog ang mga mata ko na nasisilaw sa matingkad na liwanag na papalapit nang papalapit.
Naramdaman ko ang sakit ng pagtilapon ko nang mabangga ako ng truck. Hindi kaagad ako nawalan ng malay at naaninagan ko pa ang mga nakapalibot sa akin. I can hear their steps, some of their murmurings, even the loud noises coming from this city.
Pero labis akong nagtaka nang para bang walang nangyari. Nagpatuloy ang mga tao sa ginagawa nila at parang walang nasagasaan sa harapan nila. They just walked passed me, who's on the verge of death at the moment.
Everyone continued what they're doing in their lives.
Walang nagbago sa tingin nila at nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Just like their usual routine.
∆∆∆
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top