8. The riddle

|| Eivel ||

The sky is almost dark, but this city is still glowing with its neon lights. Nakaupo pa rin ako sa isang semento, nakatingin sa papel na hawak-hawak ko. Inisip ko mabuti ang mga posible na sagot. 

"The darkness came from the west and walked straight ahead. It stopped in its destination, where the kid it saw said," muling pagbabasa ko.

Ang clue ko ay ang mga bata, pero walang koneksyon ang mga pinagsasabi nila kanina. 

But then I realized that they're all pointing at number 4. Anong koneksyon ng numerong 'yon sa sagot?

Napakagat ako sa ibabang labi. Tsk. Just give me one more clue.

Muli kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Naghahanap pa 'ko ng maaring maging hint sa riddle. Habang nag-iisip ay muling sumagi sa isip ko ang bungad na sinabi sa akin ng babaeng nagbigay sa akin ng riddle.

"Hello! I'm having trouble playing, would you mind helping me?"

I paused for a moment, realizing what she said. Nagsipasukan sa utak ko ang mga hints at clues. Unti-unti kong napagtanto ang sagot.

Muli kong binasa ang riddle. 

Hindi ito ang tanong, bagkus ito na mismo ang sagot. . . all I have to do is to translate it.

Hindi walang koneksyon ang mga pinagsasabi sa akin ng mga bata kanina. . . kung hindi mga clues na mismo 'yon. Their voices started repeating inside my head.

"My dog is a dalmatian!"

What the kid meant was black and white.

"Only two? Boring."

It means two players.

"If I don't walk in the tiles, I will die."

The kid was talking about checkered.

A black and white checkered with only two players. . . an illustration popped inside my head. It's no other than the game chess.

Napasabunot na lamang ako sa sarili ko dahil sa katangahan ko. 

Bakit hindi ko kaagad naisip 'yon?!

Muli kong tinignan ang riddle.

"The darkness came from the west and walked straight ahead. It stopped in its destination, where the kid it saw said."

Alam ko na ngayon na chess ang pinag-uusapan. The destination was number 4. Ang tanong na lang ngayon ay kung anong pyesa ng chess.

"The darkness," mahinang sambit ko.

A black piece.

Maigi kong inintindi ang nakasulat sa papel. "Came from the west," muling sambit ko.

Naningkit ang mga mata ko habang nakahawak ako sa kanang sintido.

A black piece from the right corner.

Pumikit ako at in-imagine ang itsura at ang mga pwesto ng chess pieces sa chess board. Inalis ko sa isipan ko ang mga puting pyesa at natira lamang ang mga itim.

"And walked straight ahead," huling sambit ko.

An imaginary chess piece moved. Agad akong napamulat nang mapagtanto ko ang sagot.

 Now I know the answer.

Hindi na 'ko nag-aksaya ng oras at agad akong bumalik sa pinanggalingan ko. Kung saan ko nakita ang babaeng nagtitinda at naglalaro ng chess. Lakad takbo ang ginawa ko nang hindi ako maabutan ng tuluyang paglubog ng araw.

Kagaya no'ng una naming pagkikita ay gano'n pa rin ang pwesto niya at naglalaro pa rin siya ng chess. As if she literally didn't move in her position. Pareho rin ang naging bungad niya sa akin.

"Hello! I'm having trouble playing, would-"

"I know the answer," pagsingit ko.

Natigilan ang babae at hinintay ang sasabihin ko.

"The darkness came from the west and walked straight ahead. It stopped in its destination, where the kid it saw said," pagbasa ko sa riddle.

"A black chess piece from the right corner of the chess board."

"It walked straight ahead, it's no other than the rook."

Seryoso kong tinignan ang babae at inabot ko sa kaniya ang papel na binigay niya sa akin.

"The answer is h4." 

Ang destination ay ang mga pinahiwatig sa akin ng mga bata. Walang iba kung hindi ang number 4.

Dahil black piece ang pinag-uusapan ay kabaliktaran ito ng mga pwesto ng sa white or sa first point of view ng mga nakatingin. 

Sa una ay medyo magulo, pero sinabing right part ng black chess piece. Meaning, point of view ng player ng black ang susundin. At ang nasa right part niya ay ang h, g, f, e.

Ang natatanging chess piece na patuloy lang sa paglalakad nang deretso ay walang iba kung hindi ang rook. 

So the answer is h4.

Kumurba ang labi ng babae sa isang ngiti. Inilipat niya ang tingin at atensyon niya sa chess board. Doon ko nakita na minove niya ang rook sa pang-apat na pwesto. Checkmating the white king.

"Checkmate!" masiglang sambit ng babae.

Muli niya 'kong tinapunan ng tingin. "Thank you for helping me! As a token of my appreciation, I want you to have this!" sagot niya sa akin.

Nag-abot ito sa akin ng isang baraha. An Ace of Spades.

Kumunot ang noo ko sa binigay niya sa akin. Pero bago ko pa magawang magtanong ay nabigla ako nang tuluyan na itong nawala sa harapan ko. Para siyang bulang naglaho sa pwesto niya nang matapos ang role niya bilang game character.

Napaismid na lamang ako at ibinalik ko ang tuon ko sa barahang hawak-hawak ko.

Anong mapapala ko rito?

Wala akong nagawa kung hindi itago ito at makipagkita na sa mga kasama ko. Lumubog na ang araw hudyat na magkikita-kita na kami.

Kagaya nang napag-usapan ay magkikita-kita kami sa tapat ng terminal. Naabutan kong naghihintay rito si Kid pero walang bakas na nanggaling o nandito si Sage.

"Eyo! Eivel!" masiglang sambit sa akin ni Kid nang makita ako.

"Nasaan 'yong isa?" kunot noong tanong ko.

Bago pa magawang makasagot nito sa akin ay parehong naagaw ang pansin namin ng lalaking bagong dating.

"Hello-ya!" bungad sa amin ni Potchi.

He's at Sage's shoulder as usual. At ang lalaki naman ay kaswal ding naglalakad habang may subo-subong lollipop.

"Yo," walang ganang sambit ni Sage. Hands inside his pockets, he looks uninterested as always.

I sighed, slowly getting used to his personality. "So? Anong napala niyo?" tanong ko.

Nagsimula kaming maglakad habang nag-uusap. Mas lalong nagliwanag ang paligid dahil sinabayan ng mga neon lights na nakadikit sa mga puno ang mga nag-iilawang mga shops. Mas buhay rin ang mga tao ngayong gabi.

"Hm, may nakausap akong trabahador," panimula ni Kid.

Mabilis niyang nakuha ang atensyon ko. Hindi ko inaasahan na kayang sumagot or mag-solve ni Kid ng mga riddles. Nang balak ko sanang magtanong kung anong klaseng riddle ang pinasagot sa kaniya ay muli siyang nagsalita.

"Gagsti ang angas, pwede ka rin palang mambugbog dito?" natatawang dagdag ni Kid.

Nawala ang pagkamangha sa itsura ko. Walang gana akong tumingin sa kaniya. He got me in the first half.

"So? May silbi ba?" walang ekspresyon kong sambit.

"Yup! Sinabi niya sa akin na babae raw 'yong Game General!" Pagmamalaki ng lalaking kasama ko.

I stared at him, face full of discernment. Napabuntong-hininga ako at pilit na pinakalma ang sarili ko.

"Kid, kaya nga Queen of spades ang tawag sa kaniya hindi ba?" Pagpapaintindi ko.

Tumagal ng ilang segundong nakatingin sa akin si Kid bago maintindihan ang sinabi ko. Tila namilog ang mga mata niya sa pagkabigla. He looked at me, dumbfounded.

Napahawak ako sa noo ko. Nakakayamot itong kasama ko.

"I learned that the Game General is at the casino," pagsali ni Sage.

I glanced at him as he walk with a lazy look on his face. His eyes are looking straight and he's eating a lollipop.

"Siya ang namamahala sa lugar na ito. Just like her alias, she really loves gambling. She's a real life professional gambler. May nagsabi na rin na may nauna ng grupo rito pero kaagad din silang sumuko dahil hindi nila siya matalo-talo," dagdag nito.

My mouth fell open in disbelief. Hindi ko mapigilang mapahanga sa sinabi ni Sage. Looks like this guy is not just full of talks.

"Tho, may kailangan daw tayong card para makapasok sa casino," muling sambit ng kasama ko.

Natauhan ako sa sinabi niya. Agad kong inilabas ang card na nakuha ko kanina.

"Y-You mean this?" sambit ko. 

Parehong napatingin sina Kid at Sage sa barahang hawak-hawak ko.

"Eyo! Woah! Angas, Eivel!" namamanghang sambit ni Kid.

"Nice. Good job, Miss Genius," tipid na dagdag ni Sage.

I smiled, proud. With that, we managed to get all the things and info we needed. Nagawa naming makapunta sa loob ng Casino dahil sa card na nakuha ko. We were greeted by a different atmosphere from the outside. Hindi ko maitatangging napakaganda sa loob.

It is lively yet still elegant. Maraming mga gambling machine na nakahilera sa iba't ibang pasilyo ng lobby. Pinaghalong gold at crimson red and kulay ng interior design. The guests here are wearing expensive luxury brands and have their own bodyguards.

Pare-parehong nakuha ang mga atensyon namin nang may babaeng sumalubong sa amin.

She's holding a champagne glass on her right hand. She looks like she's in her mid 20s and she's just wearing a bikini top and denim shorts.

She gave us with a seductive look, slowly showing a smirk.

"Hello, players. I'm the Game General, Queen of spades, and I have the rook. Do you wish to challenge me?"

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top