6. Challengers
Sage | Seyj
Eivel | Eyvel
✘✘✘
|| Eivel ||
Kaswal kaming naglalakad sa madilim na pasilyo. Si Sage ang nauuna sa amin na nasa balikat si Potchi na gumagabay sa amin.
We're on an underground subway station, on our way to the lobby. The game is about to begin.
There are no other people here, despite of the countless people above us. We went inside of a train, a train that has black windows and doors. Instead of an ordinary train with seats, another hallway greeted us.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay huminto kami sa tapat ulit ng isang pintuan. Huminga ako nang malalim bago tuluyang buksan ni Sage ang pinto.
Matapos niya itong buksan ay bumungad sa amin ang isang madilim na silid. Wala akong magawang makita sa sobrang dilim.
Out of nowhere, bigla na lamang lumiwanag sa gitna at sumalubong sa amin ang isang screen. Tanging ito lang ang nagsisilbing ilaw namin. Katulad no'ng binuksan namin ang app, ganito rin ang itsura ng screen. The screen's color is garnet and there are falling cards in the background.
Welcome players!
Tila may nagsalita sa screen. Walang larawan na pinapakita rito. It just looks like a voice recorder. Pagtapos nitong magsalita ay unti-unting nagliwanag ang silid. The lights are dim.
Doon ko napansin na hindi lang kami ang nasa loob. There are 15 more others in the room. They are all divided into three. Pero hindi namin nakikita ang mga itsura nila. Tanging mga pigura lamang ng katawan nila ang nakikita namin.
You are all divided into 6 teams with three members each.
It will be your team until the end of the game.
Nanatili kaming nakikinig sa announcer. Habang nakikinig ay pinagmasdan ko mabuti ang mga kalaro namin. Kahit hindi ko nakikita ang mga itsura nila ay mas mabuti ng alam ko ang laki at mga pigura ng mga katawan nila.
The game is simple. Just like in the app, all you have to do is defeat the Game Generals and collect all the chess pieces.
Nagbago ang nasa screen at pinakita nito ang mga chess pieces na kailangan naming makumpleto.
But there's one thing that is different.
Pare-parehong nakuha ng narinig namin ang mga atensyon namin. Hinintay namin ang muling sasabihin ng announcer.
If you've collected four chess pieces, you will be given a chance to play with the Game master.
Kapwa kaming mga natigilan. Kumunot ang noo ko at naningkit ang mga mata. The. . . game master?
"Game master? Ano 'yon? Si mister P?" nagtatakang sambit ni Kid.
Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. "Isang producer si Mister P, Kid. Hindi game master," sagot ko.
"The game master is the best player in this game. Siya ang nakaisip at gumawa ng Game Of Life," pagsingit ni Sage sa usapan.
If you'll be able to defeat the game master, you'll be the winner of this game.
But I just want to inform you, if you want to win, better start collecting all the chess pieces.
My eyes slightly squinted. I waited for what the announcer's going to say.
Because no one can beat the Game Master.
Walang nakaimik sa sinabi ng announcer. Only seconds have passed before I heard Sage chuckled. Hindi lamang siya ay pati na rin kaming dalawa ni Kid.
In a game, there are top players. Like in life. Those are people who are extraordinary, who are special, they have outstanding characteristics.
Napuno ng mahihinang tawa namin ang tahimik na silid. Kahit hindi namin nakikita ang ekspresyon ng ibang mga players ay alam kong nakatingin sila sa amin dahil sa inakto namin.
"W-What's funny-ya?" nagtatakang sambit ni Potchi.
Nauna si Sage magpigil ng tawa. "Tell the Game Master to ready our prices. We will meet soon enough," nakangising sambit niya.
It maybe they're clever and perceptive.
"Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo. Ang alam ko lang, kailangan namin talunin 'yong game master na 'yon, hindi ba? Edi tatalunin namin siya!" dagdag ni Kid.
Have an interesting personality.
Kumurba ang labi ko sa isang ngisi at humakbang ako papalapit sa Screen.
"There's a 0% chance that we'll lose. We are going to be the top players," seryosong sambit ko.
Or just have a great desire to win, to be at the top, no matter what.
Wala kaagad naka-react sa mga sinabi namin. Pansin ko na rin na nagbubulungan ang ibang mga players.
Very well, We will expect something from you.
Good luck to all players. Let the Game Of Life begin.
Nawala ang voice recorder sa screen at napalitan na lamang ito ng mga salita. Tanging pagbuntong-hininga na lamang ang nagawa ni Potchi dahil sa ginawa namin.
"I have a peculiar set," he murmured. "Hindi ko na alam ang gagawin sa inyo-ya," problemadong sambit niya.
Tawa ang sinagot sa kaniya ni Kid. Muling napunta sa screen ang atensyon ko.
Type your team name.
Kumunot ang noo ko sa nabasa ko sa screen. Kailangan pa naming pangalanan ang team namin?
"Eyo! Name nakalagay! May naisip akong pangalan!" sambit ni Kid nang makita ang nakasulat.
"Pangalan ng team natin, Warriors in Disney!" masigla niyang dagdag.
Hindi maipinta ang mukha ko sa narinig. Dapat na siguro akong masanay sa mga walang kwentang bagay na lumalabas sa bunganga ni Kid.
"Nah. It's Sage team," walang ganang kumento ni Sage.
Muling kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Idagdag mo pa itong lalaking to na wala ring sense ang mga sinasabi.
"Eyo! Alam ko na! Uhmm, Knights in Disney na lang!" pag-iiba ni Kid. Nagkasalubong ang dalawang kilay niya at napaisip. "Ano pa ba 'yong mga salitang naalala ko na inglis. . ."
Itinapat ko ang kamay ko sa bibig niya. "Thank you for your wonderful suggestion, you may now shut up," pilit na ngiting sambit ko kay Kid. "Tama na."
Mukhang hindi niya napansin ang pagiging sarkastiko ko at nakangiti siyang tumango sa akin. "Okay!! Hindi ko gagalingan masyado hehe," sagot niya.
I winced. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Muli akong napatingin kay Sage nang muli siyang nagsalita.
"Ah. I know. Sage's lollipop."
Walang bakas sa mukha ni Sage na nagbibiro siya at seryoso siyang nakatingin sa aming dalawa ni Kid. Napawaang na lamang ang bibig ko. Hindi ko lubos maisipan kung tatagal ba ako sa grupong 'to.
I sighed. "Tsk. Ako na ang-"
You're now team Challengers. Good luck with the game, players.
Natigilan ako sa sasabihin nang marinig ko ang sinabi ng announcer sa screen. Pare-pareho kaming napatingin dito at doon namin nakita na may pangalan na ang team namin.
We're now the Challengers.
Kapwa kaming napatingin sa nag-type ng team name namin. Lalo siyang nanliit nang matabunan siya ng mga anino namin.
"W-What? Para hindi na kayo magkagulo-ya!" giit ni Potchi.
Hindi kumibo si Sage. Muli itong sumubo ng panibagong lollipop. "Why challengers?" kalmado niyang sambit.
"Hah! Dahil sa sinabi ninyo-ya!" mabilis na nagbago ang tono ni Potchi. He stand firmly, proud.
"Malaki ang tiwala ko sa inyo. As your coach, I will be your number 1 supporter-ya."
"Because you challenged the Game Master, I will call you the challengers-ya!"
Nang muli kong pinagmasdan ang pangalan ng team namin ay mukhang hindi na rin ito masama.
"Hm, Inaamin ko. Mukhang mas maganda nga 'yan sa naisip ko," kumento ni Kid.
"Not bad," dagdag ni Sage.
Marahan akong napahawak sa baba, nakatingin pa rin sa screen. Well. . . it's really not that bad.
Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. "Looks like we're now the challengers."
"Let's now challenge the Game Generals and beat this game."
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top