5. Coin Flip

|| Eivel ||

Both of my eyebrow's rose, eyes surpriseddumbfounded. Para akong nabingi sa sinabi ng lalaking kaharap ko. He must be joking, right?

"E-Eyo. Tama na 'yan," pagsingit ni Kid sa usapan.

Napaimisid ako. Kaya ako sumali rito para makasama ulit ang mama ko. Tapos ang makakasama ko sa grupo ay isang lalaking gusto lang maglaro?

"You're egocentric," walang kaemo-emosyong sambit ko kay Sage.

Sage chuckled and smirked. "Tell me something I don't know," sagot niya bago muling isubo ang lollipop.

Mas lalong nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Sinusubukan talaga ako ng lalaking ito. Napakagat ako sa ibabang labi ko sa inis. Pero imbis na ipahalata ko ang pagkairita ko ay kumurba ang labi ko sa isang ngisi.

I gave him back the look he's showing me. When they go low, I'll go lower.

"Nah. Tell you something you don't know? Baka hindi tayo matapos. Halata namang limitado lang ang mga alam mo," sarkastikong sambit ko.

Nawala ang ngisi ni Sage sa sinabi ko. Narinig ko ang pagkagat niya sa lollipop na subo-subo dahilan na pagtanggal ng candy. Tinanggal niya sa bibig niya ang stick na natira.

"Why do you hate me, Miss Eivel? Hindi ka pa rin ba maka-move on sa unang laro natin? Kasalanan ko bang mas marami akong alam kaysa sa 'yo?" kalmadong sambit niya.

I looked at him dead in the eye. Kahit nagkikiskis ang mga ngipin ko ay pilit ko pa ring pinakita ang ngiti ko sa labi. "As far as I can remember, tama ang sinagot ko roon. Baka ikaw ang hindi maka-move on Sir Sage, dahil ang isang game prodigy na katulad mo ay natalo ng isang katulad ko na unang beses maglaro."

Bumigat lalo ang tensyon sa silid. Pabalik-balik ang mga tingin sa amin nina Kid at Potchi na nanatiling tahimik sa pagtatalo namin.

Hindi siya sumagot pabalik, bagkus ay naging matalim ang tingin ko nang naglabas ng kung ano sa bulsa si Sage. My eyes squinted as I look at the shining and sharp object he took out. He took a freaking knife out of his pocket! 

He then glanced at the cement he's sitting with. Walang kahirap-hirap niyang nahiwa ang gilid ng sementong inuupuan niya nang iniwasiwas niya ang patalim dito. I simply took a step back.

"That's what we call a beginner's luck. And for a genius like you, it's not impossible for it to be continuous, it's feasible. Like inside of this game." Sage looked at his knifeexpressionless. "Why won't we try it?" He looked at me.

Kumunot ang noo ko. "Anong pinagsasabi mo?"

Natigilan ako nang nilahad ni Sage sa akin ang patalim. Muli akong napaatras nang kaunti. "I'm giving you your streak— your win. Kill me," deretsong sagot niya.

I heard the two beside us gasped. Naging alerto na sina Kid at Potchi sa sinabi niya. Agad na lumapit sa amin si Kid.

"E-Eyo! Sobra na 'yan. Tama na." Pagpigil niya.

Hindi siya pinansin ni Sage at nanatiling nakalahad sa akin ang patalim. With him looking up at me, and me looking down on him. Walang kaemo-emosyon kong inabot ito.

"Oi! Tama na sabi!" pag-uulit ni Kid.

As if I didn't hear him, I didn't even glance at him. Pinagmasdan ko mabuti ang patalim na hawak-hawak ko. It's shiny and sharp, I can see my own reflection. In the corner of my eye, I can see Sage smirking. He looks amused.

Walang gana ko itong tinutok sa kaniya. Hinintay ko ang magiging reaksyon ni Sage pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Just like what I've expected.

This kind of expression is from someone who thinks everything is just for amusement, a game.

I dropped the knife. Nahulog ito at bumaon sa sahig.

"There is 0% chance that I'll waste my time killing you."

Pinagmasdan ni Sage ang patalim bago umalingawngaw ang tawa nito. Natatawa niyang kinuha ang patalim na nakatarak sa sahig.

"Y-Ya. Stop it Sage-ya," kumento ni Potchi.

Hindi siya pinakinggan ni Sage at nanatiling nasa akin ang tingin at atensyon niya. This guy probably has mental problems. Maluwag ata ang turnilyo nito sa utak.

"How about we play, Miss Genius? A fair game," marahang tanong niya sa akin.

Tumaas ang kanang kilay ko. "What kind of game, Sir Prodigy?" balik na tanong ko.

Kumunot ang noo ko nang may kinuha muli si Sage sa bulsa niya. Natigilan ako nang makita ito.

It's a freaking coin.

"A coin flip? You call that a game?" giit ko. "Or you're going to eat that?"

Kumurba ang labi ni Sage sa narinig. "Oh come on, a game is also decided by luck. We will really see if you still has that beginner's luck of yours. Natatakot ka bang matalo?"

Napaismid ako at tinapunan siya ng tingin. "Tail," pangunguna ko.

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Sage sa sinabi ko. Itinapat niya sa akin ang barya na hawak-hawak niya.

"So, If you lose, wala kang magagawa kung hindi pagtyagaan ako. Sa ayaw o sa gusto mo," panimula ng lalaking kaharap ko.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "And what if I win?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang hindi nagdalawang isip na itutok ni Sage ang patalim sa leeg niya.

"Then I will kill myself," walang pag-aalinlangan niyang sagot.

"Cut the crap. Wala akong pakielam sa'yo. Wala akong mapapala kung gagawin mo 'yan," giit ko.

Hindi ako pinakinggan ng lalaking kausap ko. Bagkus ay bumwelo na itong ihahagis ang barya.

Namilog ang mga mata ko nang napunta sa ere ang barya. Tila bumagal ang oras habang unti-unti itong nahuhulog.

A game can also be decided by luck. Like life indeed.

Potchi closed his eyes while Kid's jaw dropped. Nakapako ang tingin ko sa baryang malapit ng tumama sa lapag.

 In life, if you're born with privileges, that's what luck is. And it has a huge impact in your future. 

Napapikit na lang din ako bago ito tuluyang mahulog.

Which is unfair, but that what makes it interesting. That's what makes life a game intriguing. 

This freaking jerk, hindi pa niya 'ko pinapatapos. Kumikilos kaagad siya mag-isa!

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Hindi ko pa nagagawang imulat ang mga mata ko. Natauhan na lang ako nang marinig kong magsalita si Sage.

"Boring," walang gana niyang sambit.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa bumungad sa akin. My mouth is slightly open as I stare at the coin in front of us.

I didn't won.

Neither him.

None of us won. Or lost.

The coin landed on its edge. Nakatayo itong nahulog.

Hindi ako makapaniwala. It is said that the chance of a coin landing on its edge and staying there is about 1 in 6000. But Sage only tossed it one time. 

Is it just mere luck?

Kung gano'n ay gaano siya kaswerte?

"W-Woah! Ang angas!" namamanghang sambit ni Kid. Kapwa ko ay hindi rin ito makapaniwala.

"I guess that's it, Miss Genius. You might still have that luck of yours. Magtyaga ka muna sa akin," pag-iiba ni Sage. Muli itong sumubo ng lollipop. 

Bago ako makapagsalita ay nakuha ang mga atensyon namin nang makarinig kami ng announcement.

"Welcome players! Let your coaches guide you into the lobby. The game is about to begin!"

Pare-pareho kaming natauhan sa narinig. Magsisimula na ang laro.

"Let's go," walang ganang sambit ni Sage. Nasa balikat nito si Potchi at nauna silang naglakad.

Kagaya nila ay bumalik na rin sa katinuan si Kid. Sa kabaliktaran ay hindi pa rin ako makagalaw sa pwesto ko. Nabigla pa rin ako sa nangyari.

"Eyo! Tara na Eivel!" pagtawag sa akin ni Kid.

Dahan-dahan akong tumango sa sinabi niya. Nauna siyang naglakad sa akin.

Balak ko na sanang sumunod sa kaniya nang muling napunta ang tingin ko sa barya. Pinagmasdan ko ito mabuti at doon ako natauhan.

It didn't landed on its edge. Instead it was stuck.

My eyes are stuck on itdumbfounded.

Nahulog ito sa isang hiwa. Ang naging hiwa nang hugutin ni Sage ang patalim na binitawan ko kanina.

Is this considered luck? Or a gift?

Napalunok ako nang malalim. Tinapunan ko ang lalaking nakatalikod at naglalakad.

Is it just mere coincidence? 

Or he really is just a game prodigy?

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top