42. New level

|| Eivel ||

There was a sudden silence. Walang nagawang makakibo sa aming lahat dahil sa pagkabigla. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga nangyari.

Nanalo kami?

"Eyo!!!"

"Ya!!!"

Natauhan ako nang umalingawngaw ang mga boses nina Kid at Potchi. Hindi sila nag-aksaya ng oras at mabilis na kumilos.

Potchi jumped down from my shoulder and went to Sage together with Kid. Sinalubong nila ang kasama namin ng pag-akbay sa balikat at pagyakap sa pisngi.

"Eyo! Nice one, Sage!" masiglang sambit ni Kid habang naka-akbay kay Sage.

"Ya! That's our Sage-ya!" dagdag ni Potchi.

Nanatili akong nakapako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko pa rin magawang makapaniwala. Nang patuloy kong pinagmasdan sina Sage ay roon nag-sink in sa utak ko ang nangyayari.

We won! We freaking won!

Hindi ko na rin napigilan ang saya ko at agad akong lumapit sa pwesto nina Sage. I was about to congratulate him when someone caught my attention.

Natigilan ako sa paghawak sa balikat si Sage nang makita ko ang Game General sa harapan niya na wala pa ring kibo.

Nakayuko ito at mariin ang pagkakasara ng kamao. He's trembling in anger as he continues to bite his lower lip.

Kapwa ko ay nasa kaniya rin ang atensyon ni Sage at hindi pinapansin ang pag-akbay ni Kid at pagyakap ni Potchi sa pisngi niya.

"N-No- that's impossible. N-No one can beat me-" paulit-ulit na sambit ng Sphinx.

Natigilan din sa pagsasaya sina Potchi at Kid nang magsalita ang Sphinx. Pare-pareho kaming nakatingin sa kaniya ngayon.

"That's stupid! I'm the smartest Game General! I can also read minds! No one can beat me!" sigaw ng lalaking kaharap namin.

Nanatili kaming tahimik at walang imik sa mga sinasabi niya. Inangat niya ang kaniyang ulo at seryosong tinapunan ng tingin si Sage. He tried to fake a smile as he attempt to walk closer to us.

"I didn't lose, right? I-I mean, I still have the bishop! Y-Yes! I still have the bishop! Let's have a rematch-"

Natigilan siya sa pagsasalita nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Sage. Humakbang ang kasama ko papalapit sa kaniya at walang kaemo-emosyon siyang tinapunan ng tingin.

"Do I look like I give fuck to the bishop?" Sage looked at him dead in the eye, expressionless. He pointed his finger on the ground. "On your knees... and beg."

Hindi nakakibo ang Sphinx at tanging paglunok nang malalim na lamang ang nagawa niya. Mas lalong humigpit ang pagkasasara ng kamao niya pero hindi siya umangal man lang.

Bagkus ay tinapunan niya 'ko ng tingin bago unti-unting lumuhod sa harapan namin.

Hindi kaagad ako napag-react sa nangyari dahil sa pagkabigla. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong pinapanood ang Game General sa pagluhod sa harapan ko.

"I-I'm sorry-"

"I said, beg for forgiveness," malamig na sambit ni Sage.

Nagsimulang magtuluan ang pawis ng Sphinx at mariin siyang napakagat sa ibabang labi. "I-I beg for your forgiveness. I was wrong I'm really sorry," marahan niyang sambit.

Parang natuyo ang lalamunan ko at hindi ko nagawang makasagot kaagad. Natauhan ako nang tapunan ako ng tingin ni Sage na para bang hinihintay ang magiging sagot ko.

Marahan akong napapikit at huminga nang malalim. Nang imulat ko ang mga mata ko ay seryoso kong tinapunan ng tingin ang Game General na nakaluhod.

When this usually happens, I usually always say 'bark' or 'a useless dog'. 

Walang mali sa sinabi niya sa 'kin. Totoong mas mababa ang tingin ko sa iba dahil ang sarili ko lang ang iniisip ko.

Pero ngayon. . .

"It was nice playing with you. Good game," maikling sambit ko.

Nanatiling nakayuko ang Sphinx kaya hindi ko nakita ang naging reaksyon niya. Pero kahit ano pa man 'yon, atlis nasabi ko ang gusto kong sabihin. 

Even tho I lost, I had fun playing with him.

"Eyo! Nasaan na si Violet?" biglaang pagsingit ni Kid.

Sinagot siya ng Sphinx habang nakayuko. "She's being taken to her teammates as of now," malamig niyang sambit.

Lumiwanag ang ekspresyon ni Kid sa narinig. " Yes! Yown! Tara na! Puntahan na natin sila!" Pag-aya niya bago maunang maglakad papaalis. 

Tinapunan ako ng tingin ni Sage bago sumunod. "Let's go, we have nothing to do here." 

Nauna silang maglakad ni Kid. Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko sa tapat ng Sphinx na nanatili pa ring nakaluhod at nakayuko.

I suddenly felt sorry for him. . .

Alam kong may pagkasama ang ugali niya pero wala kaming pinagkaiba. Even tho he's self centered, I can't help but-

"You're pitying me?"

Natigilan ako nang bigla siyang nagsalita. Hindi ko pa nagagawang makasagot nang bigla niyang inangat ang ulo niya at walang kaemo-emosyon akong tinignan.

"Treasure your time right now. . ." walang ekspresyon niyang sambit.

"Because soon, you'll also feel despair."

I was taken aback by what he said. Tila bumigat ang pakiramdam ko nang kumurba ang labi niya sa isang ngisi.

"Do you think that your teammates got your back?" He chuckled.

"Soon. . ."

"One will betray you... and the other will leave you behind."

-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶

Tahimik kaming naglalakad sa pasilyo papalabas ng pyramid. Nauunang maglakad si Kid habang nasa balikat niya si Potchi habang nakasunod si Sage at ako ang pinakahuli.

I remained silent after leaving the huge library where the Sphinx was. Nakahawak ang kanan kong kamay sa kaliwang pulso ko habang naglalakad.

Hindi ko mapigilang mapaisip sa sinabi niya sa 'kin. I'm starting to overthink once again-

"Yo."

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ang nakalahad na lollipop sa akin. Nagtataka akong napatingin kay Sage na nasa harapan ko na at may subo-subong lollipop.

Pilit akong ngumiti bago abutin ang lollipop na binigay niya. "Thanks."

Binuksan ko ang lollipop at sabay kaming naglakad ni Sage. I remained silent until he started a conversation.

"Thank you."

Tumaas ang dalawang kilay ko sa narinig at tinapunan ko siya ng tingin. "H-Huh?"

Patuloy sa paglalakad si Sage at hindi man lang niya 'ko tinapunan ng tingin. "It's because of you the reason why I came up with the riddle."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "W-Why me?" tanong ko. Wala akong maalala na tinulungan ko siya.

Nahinto sa paglalakad si Sage dahilan ng paghinto ko rin. He looked at me sincerely.

"I remembered what you've said during our first challenge, in the app."

Natauhan ako sa sinabi niya at sumagi sa isipan ko ang araw na nilaro ko ang Game Of Life. Kung saan inakala ko na isa lamang itong panlarong pambata.

I didn't imagine that any of these will happen. . . I didn't imagine that I'll meet them. . . him.

"Tinatak ko sa isip ko 'yon. That we're just in a game," muling sambit ni Sage.

I chuckled. "Yup, there's 0% chance that this is real," dagdag ko.

"After this, we're all just old teammates, a fellow player," muling sambit ko.

"After all, this is just a-"

Natigilan ako sa sasabihin ko nang maramdaman ko ang paghawak ni Sage sa pulso ko. Parehong tumaas ang kilay ko at nagtataka akong napatingin sa kaniya.

He looked at me with his lazy yet, serious eyes.

"Then, in real life- would you want to be my-"

"Eyo! Guys! Nakita ko na ung exit!"

Parehong naagaw ang atensyon namin ni Sage nang marinig ang pagtawag ni Kid. Hindi ako nakasagot sa kaniya dahil hindi pa rin maalis ang atensyon ko kay Sage.

Rinig kong ang pag-ismid ng lalaking kaharap ko bago siya mapabuntong-hininga. Binitawan niya ang kamay ko at napakamot sa ulo.

"Tsk, nevermind. Let's go."

Kahit hindi pa rin makahabol ang isip ko sa ginawa ni Sage ay sumunod ako sa paglalakad sa kaniya.

Nauuna siyang maglakad sa akin at pinapanood ko siya mula sa likod. Tila napahawak ako sa dibdib ko dahil sa hindi ko malamang dahilan, bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Is it still because of the challenge with the Sphinx? Or maybe because we're about to leave now?

"Eyo! Ang tagal ninyo!" bungad sa amin ni Kid nang makalabas kami ni Sage sa pyramid.

Bumungad sa amin ang masigla pa ring bayan sa Giza. Hindi man lang nagbago ang oras dito mula sa loob at pareho pa rin ito no'ng pumasok kami sa pyramid.

"Yahoo!" Rinig naming sambit ng isang pamilyar na boses.

Sinalubong kami nina Violet at ng team niya.

"Thank you so much!" pare-pareho nilang sambit sa amin.

Muntik pang lumuhod sina Kenji at Ced sa amin dahil sa sobrang pasasalamat. They even insisted of giving us their chess piece as a thanks which we immediately rejected.

Kahit pa sinabing tinulungan namin sila ay hindi sapat 'yon para kunin ang hindi namin pinaghirapan.

"So I guess, we still need 3 more," sambit ni Sage.

Kumurba ang labi ko sa isang ngiti habang hawak-hawak ang iisang chess piece na meron kami. Umangat ang tingin ko sa langit kung saan tirik na tirik ang araw.

"Of course-ya! Para ma-challenge ninyo ang Game Master-ya!" pagsang-ayon ni Potchi.

"Eyo! Edi tara na!" dagdag ni Kid.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa chess piece bago tumango.

"Let's go and beat the next Game General."

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top