41. This is a Game
|| Eivel ||
The atmosphere suddenly became different. Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si Sage kahit lagi siyang seryoso sa mga challenges na hinarap namin.
This time, he looks so pissed.
Tanging pagnood lamang sa kanila ang nagawa namin nina Kid at Potchi. The game already started— we're not allowed to communicate with Sage anymore.
"Hmm, you talk big. . . for a loser," nakangising sambit ng Sphinx. "Pero sige, dahil hanga ako sa katangahan mo," dagdag niya.
Nanatiling tahimik si Sage at walang ekspresyon. Napalunok ako nang malalim na nanonood at katabi si Kid, habang nasa balikat ko pa rin si Potchi.
Muling umupo ang Sphinx sa reading chair niya. He rested his palm on his chin and showed a smirk. "Well then, let's start the-"
"Just a sec," biglaang pagsingit ni Sage.
"How about we put a twist?"
Pare-parehong nakuha ng sinabi niya ang mga atensyon namin. What is he talking about?
Nangunot ang noo ng Game General sa narinig. "What are you talking about?"
Sage heaved a sigh. With his right hand inside his pocket, he fixed his coat with the other one. "Rather than me. . . how about, you'll have the first 20 questions? And I'll have the last one?"
Namilog ang mga mata ko sa narinig. Anong sinasabi niya?!
Para bang kusang gumalaw ang katawan ko at humakbang ako papalapit nang maramdaman ko ang pagpigil sa akin ni Kid.
Nahinto ako at napaharap sa kaniya. Determinado siyang nakatingin sa akin.
"E-Eyo, pagkatiwaalan natin si Sage," sambit ni Kid sa akin.
"N-Narinig mo ba 'yong sinabi-"
"Oo," pagtigil niya sa akin.
I was taken aback by his answer. Rumiin ang pagkakahawak sa akin ni Kid. "Ako ang pumipigil sa kaniya kanina no'ng ilang beses siyang nagtangkang lapitan ka. . . kaya ako ang pipigil din sa'yo kung magtatangka kang lumapit kina Sage," aniya.
Natigilan ako sa narinig. Hindi naproseso ng utak ko ang sinabi ni Kid.
He stopped Sage from interfering my game with the Sphinx? Si Sage?
"Unang beses ko makitang gano'n ang ekspresyon ni Sage. Hindi mo nga lang nakita dahil nakatalikod ka." Natatawang dagdag ng lalaking kaharap ko.
Hindi kaagad ako nakaimik sa sinabi niya. I can't imagined Sage interfering a challenge— a game to be exact.
Mas inaasahan ko pa si Kid na mapuno at lapitan ako kanina no'ng naglalaro ako, hindi si Sage.
Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Kid at kumurba ang labi niya sa isang ngiti— his iconic smile.
"Eyo, kaya ipagkatiwala na lang natin sa Game Prodigy, okey?" He thumbs up.
I paused for a moment, then heaved a sigh. Kumurba rin ang labi ko sa isang ngiti at tumango ako kay Kid. "Okay," sagot ko.
Muling napunta ang mga atensyon at tingin namin ni Kid sa teammate naming nakikipaglaro. Kahit pinagaan na ng kasama ko ang loob ko ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan.
Sage. . .
"Come again?" Pagpipigil ng tawa ng Sphinx. Hindi niya napigilan ang sarili niya at umalingawngaw ang tawa niya sa napakalaking silid. Sa kabilang banda, nanatiling seryoso si Sage.
"You want me to have the first 20 questions? Pfft- ang pinaka-matalino mong kasama na hindi nasagot ang isa, gusto mo pang bente ang sa'yo?" natatawang dagdag niya.
Walang ekspresyong tinapunan ni Sage ng tingin ang Sphinx na walang tigil sa pagtawa. "Do I need to repeat myself? O baka, natatakot ka na hindi mo masagot ang nag-iisang tanong ko?"
Nahinto sa pagtawa ang Game General. Parang lumabas ang ugat nito sa noo dahil sa inis pero hindi pa rin nawawala ang pilit na ngiti niya sa labi.
"Ignorant. . . very well, I accept your offer. What's your rule?"
Pinasok ni Sage ang isa pa niyang kamay sa bulsa. "The only possible answers are the things that's existing in this room."
Para akong nabingi sa narinig. Mabilis na umawang ang bibig ko at ang pagpapagaan ni Kid ng loob ko kanina ay parang bulang nawala ang bisa.
What the fu-
"Oi! Are you really serious?! Nagpapatawa ka ata! Hinahayaan ko na mga kahangalang pinaggagawa mo kanina, pero masyado mo na ata akong minamaliit, bata," giit ng Sphinx.
Inilahad niya ang kamay niya at inilibot ang tingin sa silid. "Things that are here in the room?! There are only books!"
Nanatiling walang ganang nakatingin si Sage sa lalaking kaharap niya na mas lalong nagpahina sa akin. Anong pinagsasabi ni Sage?!
Alam kong isang sugal kapag nilawakan niya ang topic— o possibleng mga sagot. Pero 'yong lilimitahan niya ng ganito?
The possible answers are just here in the room?!
"Why? Wala ka bang maisip na pwedeng gawing riddle?" tanong ni Sage.
Napaawang ang bibig ng Sphinx sa sinabi niya. Kita ko ang pag-igting ng bagang niya at ang paghigpit ng pagkakasara ng kamao, pero pilit pa rin siyang ngumingiti.
"V-Very well, let's start this stupid game."
-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶
I trusted Sage.
Baka may plano lang siya. . .
Baka nakaisip siya ng strategy para matalo ang Sphinx. . .
Pero naloko lang ako.
Just like my first impression of him— I don't know if he's a genius, or just too stupid.
"I don't know, and I don't want to know the answer," pang-ilang ulit na sagot ni Sage.
Team Challengers
Score: (1)
Game General
Score: (19)
The score didn't changed. Sa 20 questions na binigay ng Game General, iisa lang ang naging sagot ni Sage.
'I don't know, and I don't want to know the answer.'
Mabigat ang tensyon sa silid. Mahigpit ang pagkakahawak ni Potchi sa collar ng uniporme ko at nagpipigil maiyak si Kid habang nakatakip ang kamao sa bibig.
Sa kabilang banda, hindi ko alam kung matatakot, maawa, o maiinis ako.
Kapwa ko ay hindi na rin alam ng Sphinx ang magiging reaksyon niya. He kept winning, yet, he doesn't look like he's enjoying his self. To be exact, he looks so pissed.
"Hindi ko alam kung ano ang binabalak mo. Pero-"
"Hush, hush. It's my turn to ask, keep quiet." Pagsuway ni Sage sa Game General.
Lumalabas na rin ang ugat ng Sphinx sa leeg at hindi na niya pa magawang ngumiti ng pilit. "I can't wait to turn you into a slave," sambit niya habang nagpipigil ng inis.
Umayos ng pagkatatayo si Sage habang nasa bulsa ang dalawang kamay. He heaved a sigh and stretched his neck.
Napahawak ang dalawang kamay ko sa ibabang uniporme ko habang pinapanood sila. This is his last chance.
If the Sphinx got the answer wrong, we can still win. . .
Punong-puno ako ng pag-asa habang nakatingin kay Sage. I know he'd thought this through, nakasalalay sa riddle niya ang pagkapanalo namin at ang kalayaan ni Violet. Hindi niya ipapatalo itong laro-
"Uhmm... ah, I am a boo- No, I have a thousand words... ah, uhm. I have a picture? I guess? Uhm..."
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Kusang nanghina ang buo kong katawan at naiwan na lamang nakaawang ang bibig ko.
We will lose— we already lost.
The fact that Sage is struggling to think of a riddle, and the FACT that he's looking at the bookshelves right now— I just can't.
"Anyways, who am I?" Tanong ni Sage.
Mariin na lamang akong napapikit. Nagkaroon muna ng ilang segundong katahimikan bago umalingawngaw ang tawa ng Sphinx sa silid.
Namumula siya sa kakatawa habang nakahawak sa noo. "There's even no point in reading your mind! You're just- I can't think of a word to perfectly describe you!" natatawa niyang sambit.
Walang tigil siya sa pagtawa habang walang eskpresyon si Sage sa pwesto niya. Don't tell me, sa tingin niya ay hindi masasagot ang naisip niyang riddle?!
"You are a book! A stupid one!" malakas na pagsagot ng Sphinx.
Sobrang lawak ng ngiti niya nang tumayo siya sa pagkauupo at nagsimulang lumakad papalapit sa kasama namin. Tila natauhan ako at nakaramdam ako ng kaba sa inakto niya.
Kukunin na niya si Sage-
"Now, you'll stay in this game, fore-"
Hindi naituloy ng Sphinx ang sasabihin niya at unti-unting naglaho ang malawak niyang ngiti.
It felt like time slowed when I saw what happened. The scores suddenly changed.
Team Challengers
Score: (20)
Game General
Score: (-1)
Pare-pareho kaming natigilan sa nakita. Sa kabilang banda, nanatiling kalmado si Sage habang kumukuha ng lollipop sa bulsa.
"W-What happened-" Hindi makapaniwalang sambit ng Sphinx.
I'm also confused, yet too shocked to utter a word. Tanging pagnood lamang ang nagawa ko habang napako ako sa pwesto ko.
People are different. Every men have different attributes, but I used to think that there are only three types of people. The begetter, the bots, and the nomads.
But that logic changed when I started to really meet people. When I started playing in this game.
In life, you can meet different types of humans, and you can't differentiate them into just three categories.
"The rule is that, the only possible answers are the things that's existing in this room," panimula ni Sage habang binubuksan ang lollipop.
Kid, he's a blithe.
"You've got the wrong answer." Walang gana niyang sambit bago isubo ang lollipop.
"The answer is none. Because none of these are real, none of these exists."
And Sage. . . he's definitely a mastermind.
"We're inside of a game."
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top