4. Game of Life
|| Eivel ||
Napahawak ako sa ulo ko. Sunod-sunod na nagsibalikan ang mga alaala ko. Those are the last thing that I've remembered. Hindi ko na matandaan ang mga sumunod doon. Ang alam ko lang ay sumangayon ako kay Mister P.
I lost my memories and even my identity. This is so pathetic.
"Bumalik ka na ba sa katinuan?" nakangising sambit ng lalaking kaharap ko. Malawak ang ngiti niya nang humarap sa 'kin. Even his eyes are also smiling.
Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Ngayon ay naalala ko na kung bakit ako nandito at kung paano ako napunta sa lugar na 'to.
I can't believe that it took me so long to realize it. Nakakahiya.
Napatikhim ako at napapikit. Inayos ko ang sarili ko at tumayo ako ng mabuti. Mukha siguro akong tanga kanina at ayoko ng isipin na nangyari 'yon.
Huminga ako nang malalim bago ako bumalik sa katinuan.
"Fuck, I forgot. We're inside of a game."
We're in the middle of the street in a city, surrounded by tall buildings and NPCs. Everything here is not real, we're inside of a game.
Life isn't a simulation, it's more like a game. We humans, aren't put in a system with our roles. We chose our roles, we decide— like players. Solely according to our skills and abilities.
Narinig ko ang pagtawa ng lalaking kaharap ko bagosiya lumapit sa akin. "Ikaw na naman ang nahuli sa atin," natatawang sambit niya.
Kumunot ang noo ko. Bago ko pa magawang magsalita ay inilahad na niya sa akin ang kamay niya.
"Eyo! King In Disney nga pala, ako si Kid," pagpapakilala niya sa akin. Pagkatapos niyang magpakilala ay may lumabas na information board sa gilid niya.
Kid M. Granger
Username: King In Disney
17
Master in Taekwondo
St. Marie Academy
Pasimple kong binasa ang nakasulat bago siya kamayan. St. Marie Academy. . . a not that known school. "Eivel," tipid na sagot ko.
Kumunot ang noo ni Kid sa sinabi ko. "U-Uhm. Alam ko 'yon? Nasa game na pangalan mo 'yon eh. Pangalan mo?" natatawa niyang sambit.
I heaved a sigh, seriously looking at him. "That's my real name. I'm Eivel," sagot ko. Pagkatapos kong sabihin 'yon ay may lumabas din na information board sa gilid ko.
Eivel L. Leoda
Username: Eivel
17
Genius
Ballicon University
"A-Ahhhh. . ." Reaksyon ng lalaking kaharap ko. Dahan-dahan siyang tumango pero bakas pa rin sa mukha niya na pinag-iisipan niya pa rin ang pangalan ko. He's dumbfounded.
His name fits him well. He really is just a kid.
"Anyways, gaano na 'ko katagal na walang alam?" pag-iiba ko. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. We're in the middle of the road, yet no one is minding us.
Napunta ang tingin sa akin ni Kid at malalim siyang nag-isip. "Uhm. Isang araw ata?" hindi siguradong sagot niya.
Naningkit ang mga mata ko at bumalik ang tingin ko sa kaniya. It's already been twenty four hours? Ang pagkakaalala ko ay dalawang beses akong namatay sa larong ito.
"Naalala mo ba kung paano tayo nakapasok sa laro?" marahang tanong ko.
Umiling si Kid. "Naalala ko lang kung ano ang dahilan kung bakit ako sumali rito. Pati na rin no'ng nakausap ko si Mister P," he answered.
Hindi ako umimik. Pareho lang kami ng naalala. Kapwa naming hindi matandaan kung paano kami napasok sa laro.
Muli kong pinagmasdan ang paligid. I can't deny that I'm not impressed to the CPA company. Sila ang nag-produce nito. Kahit hindi ko alam kung pa paano ay hindi maitatanggi na napakagaling nila.
The buildings and roads are so realistic. Even the people or should I say, game characters looks real, except the emotionless faces they have. Hindi ko alam kung CGI lang ba ang mga ito o pinasadya talagang gawin para lang sa laro.
Tho, palaisipan sa akin kung paano nila nagawa ito. I've died two times. Naramdaman ko ang sakit.
Pero ngayon ay parang walang nangyari. . .
"Eyo. Tara na Eivel. Mukhang malapit ng magsimula 'yong laro. Kailangan na nating magsama-sama," biglaang sambit ng lalaking kaharap ko.
Mabilis na nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. My eyes slowly widened.
"Y-You mean-" hindi makapaniwalang sambit ko.
Isang ngiti ang pinakita niya sa akin. "Sabi ko sa'yo, ikaw na naman ang nahuli. Kasama ko na si Sage."
I was stunned for a moment. Bigla akong nakaramdam ng parehong pagka-excite at kaba. Ngayon nag-sink in sa sarili ko na isa pala akong player dito, at maglalaro ako.
Sumunod ako kay Kid sa paglalakad. Dinala kami ng mga paa namin sa isang lumang building. Basag na ang mga bintana rito at wala ng mga pinto. Parang isang building na hindi tinapos at hinayaan na lang na bukas at sira.
Tanging ang tunog ng takong ng sapatos ko ang nagsisilbing ingay sa paglalakad namin. Tahimik akong sumusunod kay Kid.
We're going to meet the last member of our group, that guy named Sage. Nagkaroon na kami ng interaction sa app, at hinihiling ko na iba siya sa personal. I didn't like his attitude during our play.
Hindi nagtagal ay pumasok kami sa isang silid kung saan may bumungad sa amin na isang lalaking nakaupo sa isang sementadong upuan. Right hand on his chin.
With the little lighting coming from the holes and unfinished walls in this room I can distinguish his face.
He looks like a Disney villain while sitting. He has a black sharp eyes that pairs up with his black jet hair. It enhances his fair skin. Just like us, he's also wearing a uniform.
Other than his dark pupils, I also noticed how lifeless his eyes are. May subo-subo siyang lollipop at may hawak-hawak na guinea pig-
Eh?!
"Eyo, Sage! Nandito na si Eivel! Tsk. Ano bang problema sa inyo? Bakit mga totoo niyong pangalan ang ginagamit niyo sa laro?" Bungad ni Kid nang makarating kami.
Hindi siya pinansin ng lalaking kinausap niya, bagkus ay walang gana akong tinapunan ng tingin ni Sage. It looks like he's waiting for me to introduce myself, which made me feel off.
Hindi ako nagpatalo at nakipagtitigan lang din ako sa kaniya.
I just came here. Bakit hindi siya ang magpakilala?
"Hindi kayo magkakakilala niyan kung magtititigan lang kayo-ya." Rinig kong nagsalita.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Maliit ang boses at parang pangbata. Tinignan ko si Kid at hindi nito binuka ang bibig niya. Sa kabilang banda, nanatili ring nakatingin si Sage sa akin.
The, who the heck talked?-
"Sage! Ikaw na mauna-ya!" muling sambit ng nagsalita.
Dahan-dahang napunta ang tingin ko sa guinea pig na hawak-hawak ni Sage. Unti-unting umawang ang bibig ko nang mapagtanto ko kung sino ang nagsalita.
Humarap sa akin ang guinea pig at kumunot ang noo nito. It made his chubby cheeks more fluffy.
"Why are you looking at me like that, woman-ya?"
Natulala ako sa sinabi niya. My brain shut down for a moment, I was lost for words. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko marinig ang pagtawa ni Kid.
"Tinakot mo Potchi!" natatawang sambit niya.
Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Kid dahil sa sinabi niya. He just talked to the guinea pig. Ibig sabihin n'on ay hindi nga lang ako ang nakarinig na nagsalita ito. The guinea pig is talking!
"Ya! Hindi 'yan ang tamang pagsasalita sa akin! I told you to call me coach! I'm your coach and I'm gonna help you win this game-ya!" giit ng guinea pig.
Muling tumawa si Kid sa sinabi nito. "Eivel, siya si Potchi. Cowts daw natin, pftt. Parang sa basketball," pagpapakilala niya sa guinea pig. Nahinto siya sa pagtawa at kumunot ang noo. "Cowts, 'di ba sa mga liga lang 'yon?" biglaang nagtaka si Kid. "Baka basketball talaga 'yong laro?"
Napangiwi ako sa sinabi niya. Nalipat ang tingin ko ulit sa guinea pig na masama ang tingin kay Kid. I just found myself slightly bowing to show my respect.
"U-Uhm. Nice to meet you, coach," sambit ko. I think it's a natural response for me to show respect to my instructors.
Unti-unting lumabas ang ngipin ng maliit na hayop at kumurba ang labi niya sa isang ngiti. I can see his eyes sparkling.
"Sage! Sage! I like this woman-ya!"
Masigla niyang yinugyog ang collar ni Sage gamit ang maliliit niyang mga kamay. Sa kabilang banda, napabuntong-hininga ang lalaking nakaupo bago ako muling tapunan ng tingin.
"Are you done? Okay na kayo?" walang gana niyang sambit.
Napaismid ako sa narinig. "What's with the attitude?" iritado kong sagot.
Seeing this guy in person is pissing me more. I thought that he's a different person in real life but I still really don't like his personality.
"What did I say?" pagmamaang-maangan ni Sage.
Nangkit ang mga mata ko nang tignan siya. Mas lalo akong nairita sa sinagot niya. The tension is growing as we look at each other's eye. "That's it. There's 0% chance that we will get along. Bakit ka ba nasali rito? No offense, I want to win in this game. And you look like you're not even interested in joining here. Kung ganito ang makakasama ko ay imposible ng mangyari ang kagustuhan kong manalo," inis na sambit ko.
Walang kaemo-emosyon akong tumingin sa lalaking nakaupo. "I understand Kid's case. Kaya kong pagtyagaan 'yon," muling dagdag ko.
Nagtatakang tumingin sa akin si Kid na walang kaide-ideya sa sinabi ko.
"Pero hindi ko mapagtyatyagaan kung hindi mo seseryosohin ang laro. We have a reason for joining this game. How about you? What brings you here? What makes you special to be here?" sunod-sunod na tanong ko.
There was a sudden silence, and during those seconds, it made me think again.
If life really is a game, there are different types of players. Kid is the type of player who manages to win in some matches neither because of some unique talent he has, or just because of pure luck.
I'm the kind of player that has some enhanced abilities and skills that makes me win easily. . .
Nagtitigan kami ng lalaking kaharap ko, walang buhay ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang nakababa naman ang tingin ko sa kaniya. Tumagal ng ilang segundo bago ko nakita ang pagngisi ni Sage. Unti-unti niyang iniluwa ang subo-subong lollipop at binasa niya gamit ang dila ang labi niya.
And Sage is a player that wins. . . just because he can.
"I'm here because I wanted to play."
Sage D. Einstein
Username: Sage
17
Game Prodigy
Atonic University
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top