38. The Genius

|| Eivel ||

I can see it in his eyes. He's irritated.

Pero kahit pa man bakas na sa mukha ng Sphinx ang pagkairita, pilit pa ring kumurba sa isang ngisi ang labi niya. "Then show me, Miss Eivel." He smirked.

Nagtama ang mga tingin namin at nanatili akong walang kaemo-emosyon. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Marahan akong napapikit at pasimpleng kumurba ang labi ko.

My teammates got my back. I shouldn't let them down.

Bumuntong-hininga ako at muli kong minulat ang mga mata ko. Hindi pa rin nawawala ang ngisi ng Sphinx habang prenteng nakaupo sa reading chair niya at nakapalumbaba. 

Humakbang ako ng isa at taas noong humarap sa Game General. Ipapakita ko sa kaniya sa susunod kong riddle. . .

This is why I'm called a genius.

"I'm hard to build, yet easy to destroy. . ." panimula ko.

Nang tignan ko ang Sphinx ay halatang nagpipigil siya ng tawa habang pinakikinggan ako na para bang inaasahan na niya ang klase ng riddle na sasabihin ko. 

I heaved a sigh. Tignan natin kung mapapanatili niya ang reaksyon niyang 'yan.

"I'm firm as a solid form of the element carbon with the arrangement of the C atoms in the lattice, but also fragile as a papyrus."

The Sphinx got taken aback by what I said. I even heard someone gasped behind me, probably Kid.

Mabilis na naglaho ang kumpyansa niya kanina nang marinig ang karugtong ng riddle. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong ngumisi.

"I can be claimed by anyone, but only the 90° ones can maintain me. As the numbers in the circular object runs, the longer it gets, the stronger I can be."

"Yet, on just a snap, anyone can fall. Not because of the force that pulls us down, but decisions that can easily destroy a wall."

"Who am I?"

There was a sudden silent. 

Hindi ko alam kung dahil ba kasi nag-iisip nang mabuti ang Sphinx sa riddle na ginawa ko, o hindi pa rin niya napoproseso ang mga sinabi ko.

Pilit niyang tinatago ang reaksyon niya pero bakas sa pa rin sa mukha niya ang pagkabigla.

All this time, I tried to make the answers confusing as possible. Pinag-iisipan ko sila mabuti para hindi sila madaling mahulaan.

Pero ngayon. . . na-realize ko na malaya akong pumili ng kahit anong sagot kaya ang tanong ang pag-iisipan ko.

I looked at the Sphinx, dead in the eye. Mabilis siyang natauhan nang magtama ang mga tingin namin.

Nagkaroon ng ilang segundo bago siya simulang matawa habang umiiling. Napahawak siya sa noo habang tawa nang tawa.

"I see," he said while laughing.

"Chemistry, geometry, and even a figure of speech with a little bit of physics."

Natigilan siya sa pagtawa nang humarap siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. "Clever."

Hindi ko inaasahan nang bigla siyang tumayo sa pagkauupo para harapin ako nang malapitan. Nasa likod niya ang magkabila niyang kamay at kaswal siyang naglakad sa harapan ko.

"I admit, I was caught off guard."

I flinched when he stopped in front of my face and leaned closer. "But too bad, it's still not that hard."

Nanatili akong walang emosyon nang nagsimula siyang bumalik sa upuan niya at prenteng umupo.

"Because with just the first sentence, you already gave a huge clue," muling sambit ng Sphinx.

He flashed an irritating smirk. "You're hard to build, yet easy to destroy. . . you're trust."

Ngiting panalo siya nang makita niyang nabawasan ang points ko sa screen. Hudyat na tama ang sagot niya.

He suddenly burst out laughing. "Rather than a genius, you should be called clever instead," natatawang sambit niya. "Genius is too much, you're just stating the words you've read in the books, it's not that special."

Nanatili akong tahimik habang patuloy sa pagtawa ang Sphinx.

"You should've-"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang magtama ang mga tingin namin. Tila natigilan siya sa pagtawa nang makita akong pinipigilan ang akin.

"Pft-" I burst out laughing.

Nagbago ang ekspresyon ng Game General dahil sa inakto ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa. This is the first time I laughed like this.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang nailabas ang lahat ng frustration ko sa pamamagitan ng pagtawa. Pero kahit pa naiinis ako, sa kaloob-looban ko ay meron pa rin akong nararamdamang saya.

"What's funny?" walang kaemo-emosyong tanong ng Sphinx. His face looks irritated. "Have you already lost your mind?"

Pilit kong pinigilan ang pagtawa ko at napapunas pa 'ko sa king mga mata.

"Nah, it's just that you probably spent 3 minutes. . . 3 minutes before answering my riddle," pagpipigil na tawang sambit ko.

Nanatiling nakatingin sa akin ang Sphinx habang nakakurba ang labi ko at nakatingin pabalik sa kaniya.

"And I just remembered, you said that I should at least make a riddle that can make you waste a minute or two. . . yet, you already wasted 3 minutes. . . to a riddle that I came up with hmm, I guess with just a minute or two?"

Ilang beses na napakurap ang lalaking kaharap ko bago sumagot. Pilit siyang ngumiti kahit alam kong nairita siya sa sinabi ko. His eye is twitching.

"O-Oh, I guess I was caught off guard for too long. But I barely wasted a minute to think for the answer to your riddle," balik niya sa akin.

I flashed a smirk. I know he's bluffing.

Kahit pa paano ay habang natigilan siya sa riddle na ginawa ko at hindi niya 'yon inaasahan, alam kong agad niya itong pinag-isipan. Kaya tumagal ng tatlong minuto bago siya makagpag-react sa riddle ko.

 "Hmm, if you say so," sambit ko na may ngisi sa labi.

Tumalim ang tingin sa akin ng Sphinx. "If you don't believe me. . . how about I make another rule? Just for the next question," sambit niya.

"I need to answer your last riddle, in just 2 minutes."

Taas noo ko siyang tinignan at pasimple akong napangiti sa sinabi niya. Pero hindi ko ipinahalata ang ngiting tagumpay ko.

You're digging your own grave, Sphinx.

"Very well, this is my last riddle."

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top