36. Let the game begin
|| Eivel ||
Nanatiling nasa librong binabasa ang atensyon at tingin ng Sphinx. He didn't even bother to give us a glance.
Napalunok ako nang malalim habang tinatapunan siya ng tingin. Mabigat ang paghinga ko at sinisimulan na 'kong kabahan.
Ilang segundo ang lumipas bago umalingawngaw sa silid ang pagsara ng isang makapal ng libro. Walang kaemo-emosyon kaming tinapunan ng tingin ng Game General.
"To think that you stated something like that. . . it means that you're certain that you'll win, right?"
I felt the sudden chills down my spine. Kahit walang bintana sa silid o kahit ano mang pasukan ng lamig, nakaramdam ako ng pagtama ng hangin sa akin.
Napalunok ako nang malalim nang magtama ang tingin namin ng Sphinx.
Pinagmasdan niya kami mabuti bago huminga nang malalim.
"Very well. I accept your challenge."
Saktong pagbanggit ng Sphinx n'on ay ang paglitaw ng dalawang screen sa itaas naming dalawa. Walang nakasulat dito at nanatiling pangalan lamang ng grupo namin ang nakalagay.
Nanatiling nakaupo sa desk ang Sphinx habang magkadikit ang mga daliri sa dalawang kamay. He continued scanning us with his cold eyes.
"You probably already have an idea in the game we're going to play," panimula niya.
"The 21 questions."
He snapped his fingers. And in just a snap, the books surrounding him moved on their own.
Tumayo mula sa pagkakaupo ang Game General para harapin kami nang mas malapitan.
"Since the other team already gave you and idea, I'm expecting a lot from you."
"First of all, you need a representative. The purpose of you, being as a team, has been attained during the occurrences before this challenge."
"I prefer you to choose the smartest."
Pasimple akong napaismid sa sinabi ng Sphinx. Ang ibig sabihin lang n'on ay isa lang pwedeng mag-isip ng 20 questions at ang magtanong sa kaniya.
Kaya ba nila kami pinaghiwalay-hiwalay no'ng umpisa pa lang ng game para magamit na namin ang teamwork at magkaroon siya ng dahilan para i-challenge ang iisa lang sa 'min?
Ang hula ko ay si Ced ang napunta sa posisyon na 'yon kanina. After all, siya ang pumili ng rule.
Napatingin ako sa mga kasama ko para pag-usapan kung sino ang magiging player. But the moment our eyes met, I can already tell what they're trying to say.
"I don't want to pressure you. Pero sa ating lahat, ikaw ang pinaka-suitable sa pwesto, hindi ba?" walang ganang sambit ni Sage sa 'kin. "I mean, if you're the one playing, there's 0% chance that we'll lose. Right, Miss genius?" He smirked.
Hindi pa 'ko nakakasagot sa sinabi niya nang makaramdam ako ng pagtalon ng kung sino sa akin.
I felt Potchi's little hands hugging my cheeks. "Good luck! Eivel-ya!"
"Eyo! Kaya mo 'yan Eivel! Kapag hindi mo kinaya, ako na lang sa susunod!" dagdag ni Kid at nag-thumbs up pa siya sa akin.
I was too stunned to react. Hindi kaagad ako nakasagot sa mga sinabi nila.
To be honest, this is not like me. . .
Sa umpisa pa lang ay alam ko na dapat na ako ang maglaro. Because I'm the smartest here. . . I am.
And I'm also sure that they've thought of that too.
So why did I looked at them for assurance?
To make sure that they're really trusting me?
Ilang segundo ko silang tinignan bago ko matagpuan ang sarili kong unti-unting napapangiti.
I quickly nodded. "Thank you for trusting me."
Determinado kong hinarap ang Game General at humakbang ako papalapit sa kaniya.
"I'm team Challengers' representative," sambit ko.
Pinagmasdan ako mabuti ng Sphinx. "You're not allowed to communicate during the game. Nor look at each other," ma-awtoridad niyang sambit. "Well, then. Let the game begin."
Narinig ko ang paggalaw ng mga bookshelves na nakahilera sa magkabilang gilid namin. Imbis na humilera ay pinalibutan kami nito mula sa likuran hanggang sa paharap.
"20 questions for you, and 1 for me," panimula ng Sphinx.
Nanatiling umiikot ang mga bookshelves habang pinapaliwanag niya sa akin ang laro.
"Every time that I get the answers correct, I'll have a point and you'll lose one. If I don't, then the score will remain the same."
"The last question, which is from me, is equivalent to 20 points."
"So in case. . . just in case your plan didn't work out, you can win if you can answer my riddle— if you can."
With just a snap of his fingers, the bookshelves stopped moving. Sa kabilang banda, nagkaroon ng puntos ang screen na nasa itaas ko.
Team Challengers
20
"You'll have 20 points before the game starts, of course, you're a player," sambit sa akin ng Sphinx.
Sumara ang kamao ko at napaismid ako sa sinabi niya. He's really giving us points just to take it back again, huh?
"Oh, before I forget. You'll also have a chance to make a rule for the possible answers to the riddles," pahabol ng Game General.
Pumunta siya sa likuran ng desk niya kanina, na ngayon ay sentro na ng maliit na silid dahil sa mga bookshelves na nakapalibot.
"Well then, do you have any questions before the game start?" tanong niya.
Walang gana ko siyang tinapunan ng tingin. "None."
"Good. Then, what's your rule?"
Huminga ako nang malalim bago sagutin ang Game General. Pinag-isipan ko na ito mabuti mula kanina pa.
Ced said that their rule didn't work against the Sphinx, instead, it's the other way around.
Alam ko na hindi gagana sa kaniya ang mga tricks na gano'n. He's not cheating, he's just that smart.
So instead of setting a rule. . . I'll make-
"The possible answers... shouldn't be visible to the eyes."
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top