35. Losers
|| Eivel ||
Hindi kami magawang tapunan ng tingin ni Kenji. Nanatili siyang nakayuko habang mariin ang pagkasasara ng kamao.
I don't know what to say, I don't know how to cheer or comfort someone.
Ang tangi ko lang kayang gawin ay pakinggan sila hanggang mailabas nila lahat ng gusto nilang sabihin.
"The last question. . . the 21st. . . ang tanong na magmumumula sa Sphinx," sambit ni Kenji. "Ay katumbas ng 20 points."
Nanatiling nakayuko si Kenji at Ced na para bang nauubusan ng lakas sa pagkwento.
"Nagkaroon kami ng pag-asa-oof," pagsingit ni Azi, their coach.
"Kapag nasagot namin ang huling tanong ay mababawi namin ang 20 points," ani Ced.
Pare-pareho silang nagsi-iwasan ng mga tingin. Nagkaroon ng sandaling katahimikan at hindi nasundan ang kwento nila.
Their silent is the answer.
"You lost," pagtuloy ni Sage.
I can see the frustration in their faces. "Y-Yeah. . . it's 0 and 20," napipilitang sagot ni Kenji.
Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang sinabi niya. Nang matauhan ako ay agad akong napatingin sa dalawang screen sa itaas namin kung saan nakalagay pa rin ang naging score nila kanina.
(20) and (-20). . .
"W-Wait. Kung gano'n, bakit (-20) ang score ninyo?" naguguluhang tanong ko.
Parang natauhan sina Ced at Kenji sa sinabi ko. Mabilis kong nakuha ang atensyon nina Sage at Kid na hindi rin kaagad napansin ang score.
"Tsk, it's my fault," biglaang sambit ni Ced
Nagsimulang magdugo ang ibabang labi niya sa sobrang diin ng pagkakakagat niya rito.
Bakas sa mukha ni Kid ang pag-aalala sa mga nakasama niya. "C-Ced. . ."
"It's not just yours. It's our fucking damn fault," dagdag ni Kenji.
Napatingin siya sa screen kung nasaan nakalagay ang mga scores nila. His eyes are blazing with anger as he faced us.
"We challenged the Sphinx. . . twice." Kenji faked a laugh. "Stupid, right?"
Hindi kami nakakibo. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha ni Kid at Potchi habang nanatiling walang ekspresyon si Sage na nakatingin sa kanila.
"We insisted. Ayaw naming magpatalo. Kaya sa muling pagkakataon, chinallenge namin siya," sambit ni Kenji.
"Pero dahil wala na kaming points, kailangan namin ng ibang bagay na ipalit-"
I heard Kenji's voice cracked. Nawalan siya ng lakas na ipagpatuloy ang sasabihin niya kaya si Ced ang tumuloy.
"A-A team member. . . sinugal namin 'yon dahil may tiwala kaming kaya pa naming manalo. . ."
"Pero katulad nang naunang laro namin. . . (-20) ang nakuha namin sa unang 20 questions."
Pilit na ngumiti si Ced habang napapailing. "And the 21st question. . . is still the same," hindi makapaniwalang sambit niya.
"At katulad ng una. . . hindi pa rin namin nasagot."
Napasuntok muli sa lapag si Kenji habang pilit na pinipigilan ang galit niya. "Bwisit! Bakit pa si Violet ang pinili niya?!" giit niya.
Ced remained expressionless. "The losers. . . have no rights to choose."
Patuloy nilang sinisisi ang mga sarili nila. I can't imagine what they're feeling right now. .. and I don't want to.
I heard Sage heaved a sigh. "Well, that's it. In short, you're losers," walang ganang sambit niya. "And yeah, losers have no right to choose."
Napaawang ang bibig ni Kid sa narinig. Hindi siya makapaniwalang napatingin sa kasama namin na kumukuha ng panibagong lollipop sa bulsa.
"E-Eyo."
Hindi pinakinggan ni Sage ang balak sabihin ni Kid at kaswal lang niyang dinaanan ang grupo nina Kenji.
"W-Wait, the last riddle-" Pahabol ni Ced.
"Hindi mo kailangang sabihin sa 'min 'yan," sambit ni Sage ng hindi lumilingon.
He pointed his thumb behind him as he continued walking, pointing at me.
"We'll beat him. . . not for you, of course."
Nagsimulang maglakad papalayo si Sage na agad ding sinundan ni Kid at Potchi kahit naguguluhan.
Napabuntong-hininga ako sa inakto niya. Just like me, he's really not good with words.
Akmang susunod na rin ako sa kanila nang maramdaman ko ang marahang paghawak ni Kenji sa braso ko. Natigilan ako para tignan siya.
"G-Good luck. . ." He flashed a sincere smile.
Tumango ako sa kaniya bago muling sundan ang mga kasama ko.
̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶
Tahimik kaming naglalakad sa napaka-laking silid na napupuno ng libro.
May subo-subong lollipop si Sage habang hindi mapakali si Kid na halatang may gustong sabihin.
"E-Eyo. . ."
"E-Ey. . ."
Kinakalikot ni Kid ang mga daliri niya habang naglalakad. Nasa balikat niya si Potchi na halata ring hindi mapakali.
"E-Eyo. . ."
"E-Ey-"
"What is it?" kalmadong pagsingit ko.
Natigilan si Kid at napalunok nang malalim. Hindi siya makatingin sa amin nang diretso at nagpapatuloy siya pagsunod kay Sage na nauuna sa amin.
"A-Ano kasi. . ."
Kid stopped walking. Dahilan ng paghinto ko at ni Sage na hindi kami nililingon.
"A-Alam kong wala akong matutulong sa pag-challenge sa Sphinx. . . ang ibig kong sabihin, hindi ako matalino," walang ekspresyong sambit ni Kid.
"Alam ko ring wala akong karapatang sabihin 'to sa inyo. . ." I can see him biting his lower lip. "Pero kasi. . . hindi ko kayang hayaan ang grupo nina Ken na gano'n. . ."
Sadness clouded his features. The optimistic Kid stopped smiling.
Ngayon ko lang siya nakitang malungkot nang sobra sa larong 'to.
"K-Kaya sana-"
"Tsk, come on. Tell me something I don't know," biglaang pagsingit ni Sage.
Pareho kaming natigilan ni Kid sa sinabi niya. Nanatili siyang nasa harapan namin at hindi kami nililingon.
"Mula kanina, alam kong iisa lang ang mga nasa isip natin."
"Natural lang na 'yon ang gagawin natin."
Unti-unting namilog ang mga mata ni Kid sa pagkabigla. Kasunod nito ay ang dahan-dahan niyang pagngiti.
"Eyo! Salamat, Sage!"
"Wah! Sage-ya!"
Mabilis na nagbago ang mood nina Kid at Potchi sa sinabi ng kasama namin. I just found myself smiling while looking at them.
We are all thinking the same thing. . . to save Violet.
̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶
Hindi nagtagal ang paglalakad namin sa napaka-laking silid na 'to nang maabutan namin ang Sphinx na nakaupo sa isang lamesa.
Prente siyang nagbabasa at pinalilibutan ng ilang dosenang mga libro.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid niya. I don't see Violet. . .
"Do you wish to challenge me?" biglaang ng Sphinx. Malalim ang boses, umaabot hanggang laman. Nanatili siyang nagbabasa at hindi kami tinatapunan ng tingin.
Humakbang ako papalapit sa kaniya at seryoso siyang tinapunan ng tingin.
"We challenge you to a game."
"But instead of having the Chess Piece, we want the member of team Uno, Violet, back."
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top