34. 21 questions
|| Eivel ||
Mabigat ang tensyon sa silid. Sa kabila ng sikat ng araw na tumatama sa amin mula sa kisameng gawa sa salamin, parang ang dilim ng paligid.
I was taken aback by what Kenji said. Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang sinabi niya.
He. . . must be overreacting because of their lost. Alam kong pinakamatalinong Game General ang Sphinx. Pero katulad namin, tao rin siya.
Hindi siya isang game character na naka-program sa laro. To say that no one can defeat him is too much.
Pero bakit ganito?
Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko at mabilis ang pagtibok ng puso ko. Parang pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko.
Indeed, at least 5% percent of the population are considered geniuses. Those individual have higher IQs compared to an average person. But not all of the people's IQ are recorded.
It's safe to assume, that no matter how smart or talented you are. . . always know, THERE IS SOMEONE more TALENTED and SMARTER THAN YOU.
I can't help but to get nervous. . . can I really win?-
Huminahon ako nang makaramdam ako ng paghawak sa balikat ko. Hindi ko napansin na nasa tabi ko pala si Sage habang deretso ang tingin kina Kenji at Ced. Sa kabilang gilid ko ay humakbang papalapit si Kid.
"Eyo, hindi naman pala mukhang halimaw ung Sphinx, anong nakakatakot do'n?" inosenteng pagsingit niya sa usapan.
I was startled when he suddenly pointed his index finger at me.
"Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo. Ang alam ko lang, matalino 'yong Game General."
"Pero... kung matalino ang pinag-uusapan, hindi ba si Eivel 'yon?"
I was stunned. Naiwang nakataas ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Suddenly, I felt relieved. Gumaan ang tensyon na nararamdaman ko.
Maski sina Kenji at Ced ay natigilan sa sinabi niya. Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago unti-unting natawa si Kenji.
"Pft. Come on, Kid. You really thought that the Game General was literally a Sphinx?" pagpipigil ng tawa ni Ced.
"Ibang klase ka talaga. But yeah, kung matalino nga ang pag-uusapan, si Eivel nga talaga 'yon," dagdag ni Kenji.
The atmosphere changed. The mood lightened. All because of a nonsense statement by someone who doesn't understand a thing Kenji said.
Kung wala kami sa laro, kung hindi ko kilala si Kid at isa lang akong estudyanteng narinig siya. . . paniguradong kung ano-ano na ang nasasabi ko na sa kaniya ngayon. Kahit siguro kung kilala ko na siya at sinabi niya 'yon sa simula ng laro ay gano'n ang reaksyon ko.
Pero ngayon. . . wala akong masabi sa kaniya. I usually criticize every stupid statement he said before, but now I just found myself laughing.
Nagtataka kaming tinignan ni Kid. "E-Eyo, bakit?" naguguluhang sambit niya.
Nagpigil ako sa pagtawa at humakbang ako papalapit sa kaniya. Natigilan si Kid nang itapat ko ang nakasara kong kamao sa tapat niya.
"Yeah, King In Disney, there's 0% chance that we'll lose." I flashed a smile.
Natigilan si Kid sa ginawa ko pero mabilis siyang napangiti. Nag-fist bump kami pareho.
Mabilis na nawala ang tensyon sa silid dahil sa sinabi ni Kid. Muling bumalik sa dati sina Kenji at Ced kahit bakas pa rin sa mga mukha nila ang kaunting pag-aalala.
"Well, just like what Kid said, may pag-asa nga kung ikaw, Eivel," muling sambit ni Kenji.
Muling naging seryoso ang ekspresyon niya at napatingin siya sa screen na nasa tuktok lamang nila. Ang screen kung saan nakalagay ang score nila.
"But to think that we did our best. . . at hindi pa rin kami naka-score man lang. . . sobrang nakapanghihina." He bit his lower lip out of frustration.
"Tell us what happened," sambit ni Sage.
Nagkatinginan sina Ced at Kenji na may nangungusap na mga mata bago sila tumango sa isa't isa. Seryoso kaming tinignan ni Kenji at hinanda ko ang sarili kong makinig.
"Kagaya ng sinabi ko, akala namin no'ng una ay may advantage kami," panimula ni Kenji.
"The game that we played, the Sphinx called it '21 questions'."
Naningkit ang mga mata ko sa narinig. 21 questions?
"It's pretty simple," ani Ced. "We'll ask 20 questions, and the last 1 is for the Sphinx."
Pare-parehong nakuha ang mga atensyon namin sa narinig. "You mean-" hindi makapaniwalang sambit ko.
Both Kenji and Ced nodded. "The Sphinx got bored of asking riddles, so he want us to ask him instead."
Napasinghap ako sa nalaman. Kami ang magtatanong sa Sphinx? Sa tingin niya ba ay hindi siya maeengganyo kapag siya ang nagtanong dahil alam niyang hindi namin 'yon kayang sagutin?
Gaano niya ba kami minamaliit?
"That's not all. We're also given a chance to make 1 rule," sambit ni Kenji.
Kumunot ang noo ni Sage. "A rule?"
"Yes. One rule for the possible answer."
"At anong rule ang pinili niyo?" marahang tanong ko.
Nagtama ang tingin namin ni Ced at seryoso niya 'kong sinagot. "All possible answers. . . should be in French."
I looked at them, dumbfounded. Maganda ang rule na naisip nila. Specially, maalam si Ced sa mga lenggwahe.
"French is the best language I know. Alam naming matalino ang Sphinx pero inisip namin na imposibleng magaling siya sa lahat ng field," dagdag ni Ced.
"All of the answers should be in French, and of course, kasama rin kami sa rule na 'yon."
"But we didn't expected that he also knows French. . . or for freaking pete's sake, he's better than me."
Humigpit ang pagkakasara ng kamao ni Ced habang nagkekwento sa amin. Napalunok ako nang malalim at hindi ako nakakibo sa mga sinabi niya.
"Sa umpisa ng game, meron kaming 20 points at 0 ang sa kaniya," muling sambit ni Kenji.
"Kada tama niyang sagot ay makakaisang puntos siya at mababawasan kami ng isa."
Parang alam ko na kung saan patungo ang usapan. Ang dahilan kung bakit walang score na nakuha sina Kenji. . .
"Sa huling tanong na meron kami. . . isang puntos na lang ang natira sa amin." Ced's voice cracked.
"After the 20 questions, our score was already 0."
"And the game was not yet even finish, there's 1 question left."
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top