33. The Sphinx

|| Eivel ||

Ang halo-halong pagka-excite, saya, at kaba na nararamdaman ko kanina ay napalitan na lang ng puro kaba ngayon.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Pare-pareho kaming napako sa mga pwesto namin ng mga kasama ko.

I can't believe it. . . did I heard it right?

Kenji's team. . . lost?

Lahat sila ay nakaluhod sa lupa at nakayuko. Kahit may pagkalayo ang pagitan ng mga pwesto namin ay kitang-kita ko ang paghigpit ng pagkasasara ng kamao ni Kenji, ang hindi makapaniwalang itsura ni Ced, at ang walang kaemo-emosyong ekspresyon ni Violet.

In front of them is a tall man. Just like the pharaoh I met earlier, he's also wearing a hemes. Wala siyang pang-itaas na suot, bagkus ay mga gintong porselas lamang ang nakalagay sa magkabilang braso niya. Isang puting tela na may kakaibang disenyo rin ang suot niya pambaba.

He's the Game General. . . the Sphinx.

"E-Eyo. . . anong nangyari?" hindi makapaniwalang sambit ni Kid.

He really looks worried while looking at Violet's team. Hindi ko siya masisisi, sa aming lahat ay siya ang may pinakamatagal na panahon na kasama sila.

Napalunok ako nang malalim nang biglang mapunta ang tingin ko sa magkilang screen na nakalagay sa itaas ng grupo nina Violet at ng sa Game General.

Unti-unting namilog ang mga mata ko at nanlumo ako sa numerong nakalagay sa magkabilang grupo.

"N-No way. . . there's 0% chance that that is real!" giit ko.

Napatingin ako sa isa ko pang kasama na nanatiling tahimik. Sage bit the lollipop he's eating before removing the stick.

Nakatingin din siya sa screen na tinitignan ko.

"Yeah. . . pero kung hindi nga 'yan totoo, hindi sana ganiyan ang reaksyon ng grupo na nasa harapan natin."

Natigilan ako sa sinagot niya. Mariin akong napakagat sa ibabang labi at hindi ako nakasagot. Muli ko na lamang tinignan ang grupo na nasa harapan namin.

How come? They're all special. They all excel in different fields. . . so why?

Bakit hindi man lang sila nagkaroon ng isa man lang puntos?

Game General
Score: (20)

Team Uno
Score: (-20)

Nanatiling magibat ang tensyon sa silid. Nabasag ang katahimikan nang muling magsalita ang Sphinx.

"Now then, the game has ended," walang kaemo-emosyong sambit niya.

Natauhan ang mga players na nasa harapan niya. Mabilis na nagsikibuan sina Kenji at Ced, pati na rin ang coach nila. Sa kabilang banda ay nanatiling tahimik si Violet.

"N-No, wait! W-Why do you need to take her?! T-Take me instead!" punong-puno ng emosyon na giit ni Kenji.

"W-What- No! T-Take me! I-I'm the one who gave the wrong answer! It should be me!" pagsingit ni Ced.

Wala kaming magawa kung hindi panoorin sila. Unti-unting humihigpit ang pagkasasara ng kamao ko at pilit kong pinipigilan ang sarili kong sumali sa usapan nila.

I can hear their voices crack. I can even see Ced on the verge of crying.

Sa kabila ng mga sinasabi nila ay parang walang naririnig ang Game Master. Bagkus ay pare-pareho kaming natigilan nang biglang may gintong mga posas at kadena ang sumulpot sa mga kamay at paa ni Violet.

"E-Eyo."

Akmang susugod si Kid nang mabilis siyang pinigilan ni Sage.

"Stop. It's part of the game. Natalo sila, wala tayong magagawa roon," walang ekspresyong sambit niya.

Kahit nanatili siyang seryoso ay nakikita ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa lollipop stick dahilan ng pagbaluktot nito.

"You challenged me twice. Yet, you still lost," walang ganang sambit ng Sphinx bago niya simulang talikuran sina Kenji.

"A game is a game, a rule is a rule. The losers have no right to choose."

Nagsimula siyang maglakad papalayo kina Kenji habang nakasunod sa kaniya si Violet. Bago silang tuluyang makalayo ay may pahabol pang sinabi sina Ced.

"W-Wait for us, Violet!" sigaw ni Kenji.

"I-Ibabalik ka namin!" dagdag ni Ced.

For the last time, Violet looked at them with a smile on her face.

Tuluyang nawala sa paningin namin ang Sphinx na para bang nag-ikot sa napakalaking silid na napupuno lamang ng libro. Hindi nag-aksaya ng oras ang isang kasama ko nang mawala ang Game General sa harapan namin.

Kid, with Potchi in his shoulder, immediately rushed towards Kenji and Ced, together with their coach.

"E-Eyo! Ken! Ced!"

Agad niyang tinulungang makatayo ang dalawa. Kapwa niya ay lumapit din kami ni Sage sa kanila.

"B-Bwisit!" iritadong sambit ni Kenji.

Mariin siyang napasuntok sa lapag at nanginginig ang mga kamay niya sa sobrang panggigigil.

"I-I'm sorry. . . it's all my fault," halos maiyak na sambit ni Ced.

Hindi ko magawang tignan sila nang matagal. I can't believe that they really lost to the point that they're acting like this.

The jolly Kenji we first met was no more, and the full of confidence Cedric kept blaming his self.

"Y-Ya. . . anong nangyari-ya?"

Nilapitan ng coach namin ang corgi na nanatiling tahimik. His expression suddenly changed and he started growling.

"Ang kupal na Sphinx-oof. . . anong karapatan niyang kunin ang myembro ng team ko-oof."

Napaiwas ako ng tingin. Hindi mawala sa isip ko ang ngiti na ipinakita ni Violet kanina.

I don't know her personally. Ni hindi ko nga siya nakasama nang matagal.

Pero kapag naiisip kong hindi na siya makalalabas ng game na 'to habang buhay. . . kahit pa sino pa siya. . .

She don't deserve it.

"Paano kayo natalo?" biglaang sambit ni Sage.

Nilapitan niya sina Ced at Kenji na parehong wala pa rin sa sarili. Napaismid si Kenji habang inaalala ang mga nangyari.

"He didn't cheat. He didn't use any tricks," panimula niya.

"Hindi namin alam kung paano 'yon nangyari. . . dahil sa umpisa ay sigurado kaming may advantage kami. . ."

"Hanggang sa. . . natauhan na lang kami. . ."

"We can't defeat him. He knows everything, he can answer anything."

"I'm freaking sure. . . that even the smartest player in this game can't defeat the Sphinx."

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top