32. Cotton candy

|| Sage ||

Nakasandal ako sa pader habang may subo-subong lollipop. My hands are inside of my pockets and I'm staring at the floor.

Limang minuto na kaming nakatunganga rito ni Cleopatra. Naghihintay kami kung may darating para malaman namin kung tama ba ang desisyon ko o hindi.

Malalim akong napabuntong-hininga bago sumulyap sa kisame. Where are they?

"They're not coming." Rinig kong sambit ng babaeng kasama ko.

Unlike me, nakaupo siya sa gitna ng silid. Nakayakap ang isang kamay niya sa dalawa niyang tuhod habang ang isang kamay niya ay nagsusulat ng kung ano sa lapag.

"I told you. . . dapat tinanggap mo na lang ang alok ko," dagdag niya.

She's pouting while facing me. Pero hindi na sa 'kin ang tingin niya, bagkus sa lapag kung saan nagsusulat siya gamit ang daliri niya.

Tinapunan ko lang siya ng tingin bago muling nalipat ang tingin ko sa kisame na mukhang kinainis niya.

"Tsk. Maghihintay ka lang sa wala," she murmured.

"Prefer small boobs my ass..."

"Bwisit. Bwisit. Bwisit."

Nagsimula na naman siyang bumulong sa sarili habang dinudot-dot ang hintuturo niya sa lapag.

Walang gana ko na lang inikot ang lollipop na subo-subo ko. Ilang segundo lang ang dumaan nang makarinig kami ng paggalaw ng pader.

Mabilis na nakuha ang atensyon ko nito at napatingin ako sa pader na unti-unting bumubukas. This is the first time I felt excited seeing someone.

Hindi nagtagal ay bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha. He looks so tired and he's just wearing his uniform's shirt while the coat is in his shoulders.

"Sage-ya!"

Rinig ko ang maliit na boses ng isang matabang hamster, a guinea pig rather.

Mabilis na tumakbo sa 'kin si Potchi at gamit ang maliit na kamay niya ay inakyat niya ang uniporme ko at pumwesto sa palagi niyang pwesto.

"Eyo! Sage!"

Kid's expression lightened. Tila nawala ang bakas ng pagod sa mukha niya kanina nang magtama ang tingin namin.

Mabilis siyang naglakad sa harapan ko. "Nice! Nakakita rin ako ng kasama!" masigla niyang sambit.

I sighed. I can't lie, I really felt relieved when I saw him. It only means that he succeeded in his challenge.

Habang nagsasaya sina Kid at Potchi sa harapan ko ay pasimple akong napatingin sa pasilyo na pinanggalingan ni Kid.

I'm relieved to see him... but honestly, I was looking forward to see someone else.

"Wah!! Sage-ya! Napakagaling ni Kid-ya! He's so cool-ya!" halos maiyak na sambit ni Potchi sa 'kin.

Mahigpit niyang niyayakap ang pisngi ko. Nahihiyang napakamot si Kid sa batok niya at napaiwas ng tingin.

"E-Eyo, hehe. Siguradong kapag sina Sage o Eivel 'yon, mas mabilis nilang matatapos." There's a slightly bit of sadness in his voice.

Malalim akong napabuntong-hininga. Nabigla si Kid nang itaas ko ang kamay ko sa harapan niya.

I don't usually do this. Well, first of all, I always play solo. Hindi ko sinasabi ang 'good game' or 'well played'.

Kahit nabigla ay mabilis na naintindihan ng kaharap ko ang gusto kong gawin. Nakipag-apir siya sa kamay na itinaas ko.

We both flashed a smile. Specially Potchi who just witnessed a new side of me.

Kid might be dense, but Potchi doesn't have to tell me he's cool.

I mean, tell me something I don't know.

"Wah!! Ang angas niyo pareho-ya!" muling sambit ng guinea pig na nakadikit sa pisngi ko.

"Eyo! Kanina ka pa rito-"

Hindi natuloy ni Kid ang sasabihin niya nang napatingin siya sa isa pang kasama namin sa silid.

I can't understand what's Cleopatra is saying but she doesn't look pleased to see my teammate. Parang may itim na usok na lumalabas sa bibig niya dahil sa mga binubulong niya.

"G-Gagi sino 'yan?" kinakabahang sambit ng kaharap ko.

Walang gana na lang akong napabuntong-hininga at napailing. Habang busy sa pagtingin si Kid at Potchi kay Cleopatra ay nalipat ang tingin ko pasilyo na pinanggalingan ni Kid.

Suddenly, it felt like time slowed. Sa kabila ng mga pinagsasabi ni Kid at Potchi, pati na rin ang mga pinagbubulong ni Cleopatra, malinaw kong naririnig ang mga yapak ng taong paparating.

Hanggang sa 'yon na lang ang naririnig ko. Ilang segundo ang tumagal bago ko unti-unting nakita ang huling myembro ng team namin.

She's casually walking with a shrewd look on her face, as always. But it immediately softened when our eyes met.

"Eiv-"

"Eyo, Eivel!"

"Eivel-ya!"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mabilis na nagsitakbuhan ang mga kasama ko sa babaeng bagong dating. Parehong sinalubong ng yakap nina Kid at Potchi si Eivel na mabilis niya ring iniwasan.

"H-Hoy! Ano ba!" iritado niyang sambit.

"Eyo! Ikaw na naman ang nahuli sa ating tatlo!" natatawang bungad sa kaniya ni Kid.

Both of him and Potchi laughed as Eivel's forehead furrowed. I hid my smile before walking towards them.

"Yo, Miss Genius. It took you a while." Bungad ko.

Napasimangot lalo si Eivel sa sinabi ko. "Shut up, Sir Prodigy," giit niya.

Nagkibit-balikat ako bago tapunan ng tingin ang babaeng bulong nang bulong pa rin sa isang sulok.

"I won. I'll take my key," tipid kong sambit.

Hindi niya 'ko sinagot. Bagkus ay hinagisan niya lamang ako ng susi bago ako talikuran.

Saktong pagsalo ko rito ay ang pag-usog ng panibagong pader at ang pagbungad sa amin ng panibagong pasilyo.

"Eyo! Tara na!" masiglang pag-aya ni Kid.

Nauna silang maglakad papunta sa panibagong pasilyo. Bago ako sumunod ay muli kong hinarap si Cleopatra.

"You already know my username. Let's play sometimes." Pahabol ko bago tuluyang sumunod sa mga kasama ko.

I didn't got to see her reaction. Nang saktong paglabas naming lahat sa silid ay kusang sumara ang pader na dinaanan namin.

"Who's that?"

Napatingin ako sa katabi ko na biglang nagsalita. I'm walking beside Miss Genius while Kid is in front of us together with Potchi who's in his shoulder.

"Nah," walang gana kong sambit.

Rinig ko ang pag-ismid ng katabi ko na patuloy sa paglalakad. Pasimple ko siyang tinapunan ng tingin. Ngayong malapit siya sa 'kin ay hindi ko talaga hindi maiwasang maamoy siya.

"You know what. . ." Nanatili akong nakatingin sa dinadaanan habang nagsasalita.

"You really smells like cotton candy."

Eivel was taken aback by what I said. Her forehead furrowed. "W-What the heck, jerk."

̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶

Ilang minuto rin kaming naglakad bago namin matagpuan ang mga sarili namin sa tapat ng isang napakalaking pintuan.

It's made of gold with different kinds of symbols engraved to it. Sa gitna nito ay tatlong gintong lock.

Nagkatinginan kami ng mga kasama ko at alam na namin ang gustong ipahiwatig ng isa't isa. Sabay-sabay naming inilabas ang mga susi na meron kami at ipinasok ang mga ito sa lock.

We heard a click before the huge door slowly opened.

Nakaramdam ako ng kaba at pagka-excite habang unti-unting bumubukas ang pinto.

Nang tuluyan itong bumukas ay sumalubong sa amin ang isang napakalaking silid na napupuno ng mga libro.

It looks like there's a hundred thousands of books in here, millions rather. Sobrang laki ng silid na pinasukan namin at walang ibang makikita kung hindi mga shelves kung nasaan ang mga libro.

Sa gitna ng malawak na silid ay ang nag-iisang pwesto kung saan nasisinagan ng araw mula sa kisameng gawa sa salamin.

Pare-pareho kaming natigilan ng mga kasama ko nang napunta ang tingin namin sa gitna. I suddenly felt the tension in the room. Mabilis nawala ang pagka-excite naming lahat at napuno na lang kami ng kaba. Doon kami natauhan na hindi lamang kami ang grupo na nandito sa pyramid.

The chess boy, the smart guy, and the violet girl. . . together with their coach.

All of them looks defeated. The look in their eyes. . . looks like they're in despair.

"Very well, you've lost. Your team member, Miss Violet, will now remain in this game... forever."

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top