3. Player

|| Eivel ||

Hindi ko namalayan na hapon na pala. Natauhan na lang ako nang may nagsalitang professor. 

"Students! Balik na lang kayo sa monday. Uwian na po," sambit ng isang guro.

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Buong araw akong nandito. Dapat nag pa-cut off na sila kanina para hindi kami mukhang tangang nag-iintay.

Iritado akong tumayo at inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa. Uuwi na 'ko sa bahay at bubungad nanaman sa akin sina dad. Sigurado akong nalaman na niya ang ginawa ko kanina at pagagalitan na naman niya 'ko.

Lumabas ako ng campus at naglakad. Hindi kalayuan ang bahay namin sa school kaya wala akong rason para mag-commute. I also like walking.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa pati na rin ang earphones ko. Nagpatugtog ako ng playlist ng the script at nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakasuot ng earphones.

The sun is almost gone, naghahalo-halo ang kulay sa langit. Kaswal lang akong naglalakad nang may humintong itim na sasakyan sa harap ko. Agad akong natigilan at napatanggal ng earphones sa tenga.

Tinted ang bintana ng sasakyan kaya hindi ko makita ang tao sa loob. Kita ko ang sarili kong repleksyon sa labas. 

Mabilis na bumigat ang pakiramdam ko at dahan-dahan akong humakbang paatras. There's no freaking way that this car was just parking. Nasa gitna kami ng kalsada. There are no other people around.

Nang pabukas ang pinto ay agad akong nag-akmang tumakbo sa kabilang direksyon. Pahakbang pa lang ako ay natigilan na 'ko nang may makitang may isang sasakyan pa. My instinct is telling me to run but I was surrounded. There's no other route to escape.

I flinched when the doors opened. Men in suits came out of the car.

I tried to hide my panicking expression. Pasimple kong tinitignan ang paligid ko. Napalunok ako nang malalim nang naglakad papalapit sa 'kin ang isa sa mga lalaking lumabas sa sasakyan.

"Good afternoon, Miss Eivel L. Leoda. We would like you to come with us," sambit niya.

Natigilan ako sa narinig. He freaking knows my whole name. No introductions, straight to the point.

It can't be kidnapping, they could've forced me. It can't be holdapping, they definitely have the money. If they're 'talking' first, they must need something. Kahit nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko ay pinakita ko sa kanila na nanatili akong kalmado. I tried to breath and talk normal.

"A-Ah sorry. I don't have the time. Maybe some other time," kalmadong pagdadahilan ko, mabilis na nag-iisip.

Is it connected to school? My grades? How about my father's work?

"I'm sorry Miss Eivel, but I was told that I will not take no as an answer."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sagot niya at napalunok ako nang malalim. Red flag.

Hindi ko kilala ang mga taong ito, pero hindi ako pwedeng umakto basta-basta. There's a 0% chance na makaaalis pa 'ko ng buhay kung kikilos ako ng hindi ko pinag-iisipan mabuti.

"O-Oh. I see. Then can I call my dad for a sec? Magpapaalam lang ako," sambit ko.

Nabigla ko nang humakbang ang lalaki papalapit sa akin.

"No need to worry Miss Eivel. Ihahatid ka rin namin pabalik," sagot sa akin ng lalaking kausap ko.

I'm too nervous to utter a word. Pilit na lang akong ngumiti nang pagbuksan ako nito ng pinto ng sasakyan. Wala akong nagawa kung hindi pumasok sa loob.

Magkakaproblema pa 'ko kung magpupumiglas ako. I don't have anything with me to use against them at wala rin akong kaalaman sa taekwondo o karate. On the other hand, pasimple kong tinetext ang mama ko. Sigurado akong mababasa niya ito kaagad.

Nagsimulang umandar ang sasakyan at wala akong ideya kung saan ito papunta. May katabi akong dalawang lalaki sa magkabilang gilid ko.

So far, all they did was to talk to me. Hindi pa nila ako hinahawakan or worse, sinasaktan. Maybe I should just go with the flow.

Matapos ng ilang minutong pagda-drive ay naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Pinagbuksan ako ng lalaking katabi ko at bumungad sa akin ang isang mataas na building. Pumasok ang isa sa mga lalaki at sinenyasan ako nitong sumunod sa kaniya.

A location I'm not familiar with. The place was descent. It looks like this is a company. Malaki ang lobby at mamahalin ang mga furniture na nandito. Anong kailangan sa aking ng taong nasa kompanya?

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa loob at umasok kami sa elevator at huminto ito sa 7th floor.

Matapos naming lumabas, dinala ako ng kasama ko sa isang silid. Kung saan sumalubong sa akin ang isang lalaking medyo may edad na kinamayan ako.

"Thank you for coming, Miss Eivel L. Leoda," nakangiting bati nito sa akin.

"Well, I don't really have a choice," pabirong sagot ko.

Tumawa ang lalaki sa sinabi ko. Umupo ito sa upuan sa gitnang desk.

"Oh please, have a seat," muling sambit nito sa akin at inilahad niya ang upuan.

Sinunod ko ang sinabi niya at umupo ako. Nanatili akong pasimpleng nakamasid sa paligid. 

The whole room is too big to only have 1 desk, 2 solo sofa chair, and a table. There are paintings hanging in the ceilings and vases to color up the place. Sa likod ng desk kung saan nakaupo ang lalaking kasama ko sa silid ay ang mga naglalakihang mga bintana kung saan tumatama ang sinag ng palubog na araw.

"I'm sure na nabigla ka ngayon at naguguluhan. But before anything else, I want to introduce myself first," the man said. "I'm Mister Chess P. Astro. You can call me Mister P," pagpapakilala niya.

Pasimpleng kumunot ang noo ko. His name is chess.

"You're here in my company. The CPA Company. Hindi mo na kailangang malaman pa kung ano ang meaning n'on," natatawang dagdag niya.

Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ko. I'm pretty sure that CPA is the acronym of his name. 

"So, Sir Astro, what am I doing here?" pag-iiba ko.

"Hehe. You can call me Mister P. . . anyways! You're here because we want you to be a part of our project," sagot sa akin ni Mister P.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Project? I'm just a highschool student. Anong kinalaman ko roon?" kalmadong giit ko.

Muling natawa ang lalaking kasama ko sa sinabi ko. Tumatama sa 'kin ang sinag ng palubog na araw habang nakaharap ako sa desk niya.

"You see, we're planning to publish a game."

"A game called, Game of Life."

Natigilan ako sa narinig. Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko.

"Sounds familiar right?" natatawa niyang sambit.

Pinakita kong nanatili akong kalmado. "I see. Pero mukhang may problema ang app ninyo. Bigla na lang nai-install sa cellphone ko," I said.

"No, no, no." Naiiling na sagot sa akin ni Mister P. Tumayo ito at nagsimulang mag-ikot sa silid.

"Walang problema ang app Miss Eivel. Naka-program talaga iyon para ipalaro sa inyo."

Kumunot ang noo ko. "At bakit naman? You could've just hired professionals to test your game," marahang tanong ko. Hindi ko masundan ng tingin ang paglakad niya sa silid.

"We have chosen special teenagers to try our game. At isa ka roon, Miss Eivel."

Mas lalo akong naguluhan sa sinagot niya. "Bakit ako? I don't even have any special talents." 

Lumapit sa akin si Mister P at itinuro nito ang sintido niya. "Pero pambihira ang ganito mo, Miss Eivel." 

Hindi ako nakakibo. Wala sa sarili akong tumayo.

"I'm sorry but I'm not interested. Find someone else. I'm sorry for wasting your time. Thank you," pagtanggi ko. All of these are suspicious. I can't be here.

Akmang aalis na ako nang may muling sinabi si Sir P. "Oh, I'm sorry to hear that. You're working for your scholarship, right?" pahabol niya.

Nahinto ako sa paghakbang. Tila natigilan ako sa sinabi niya. Hindi kaagad ako nakasagot. They've done their research.

"I've heard about your problem Miss Eivel. We can help you. If you'll win this game, we can-"

"No!" pagsingit ko. Pinilit ko ang sarili ko na huminahon. "I don't need any help. I can do things by myself." 

Muli kong tinalikuran si Mister P. Pahakbang pa lang ako nang muli itong nagsalita.

"Having a scholarship will not solve your problem. Your father has the full custody. Wala kang magagawa."

"Alam kong alam mo na 'yon. That's why I'm giving you an opportunity. You have the skills to control your life, to decide your future. And this is why we want to help you."

"Be a player of Game of Life."

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top