28. Lesson

|| Eivel ||

Binitawan ko ang hawak kong marker at whiteboard. Unti-unting lumiwanag ang classroom dahil sa biglaang pag-angat ng mga kurtina sa bintana dahil sa paghampas ng hangin.

Sarili ko lang ata ang niloloko ko rito. . .

"Hm? You don't have an answer, Miss Eivel?" marahang tanong ng pharaoh nang mapansin niyang walang nakasulat sa whiteboard ko.

Napakamot siya sa ulo niya habang binubura ang sinulat niyang sagot. "I guess there's none."

"Looks like I lost-"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla akong tumayo. Tanging ang tunog ng upuan na umusog ang naging ingay sa silid. 

Nanatili akong nakayuko at walang ekspresyon.

I don't know how to react. It's my first time experiencing this. . . realizing rather.

Pero sa kabila ng iniisip at nararamdaman ko ay nagawa kong tumawa. I softly chuckled as I look at the person in front of me.

"I guess there are still some subjects I'm bad at," natatawang sambit ko.

Hindi kaagad nakasagot ang pharaoh sa sinabi ko at bakas sa mukha niya ang pagkabigla. I faked a smile as my face softened.

"I lost. You were right from the start, the points are all yours."

Inayos ko ang buhok ko bago umiwas ng tingin. Ito ang unang beses na inamin kong mali ako. Hindi lang sa iba kung hindi pati na rin sa sarili ko.

Pero nakapagtataka. . . imbis bumigat ang pakiramdam ko ay gumaan pa 'to. As if a huge weight has been lifted off my shoulders.

Kung nasa normal at totoong classroom ako ngayon ay pinagtatawanan na nila 'ko. Pasimple nila 'kong pag-uusapan sa likod ko at tuwang-tuwang nabigo ako. Paniguradong walang tigil ako sa pagsisi ko ngayon at hindi ko kayang humarap kahit kanino dahil sa hiya.

But right now. . . I can imagine Kid still being amaze at me.

'Eyo, Eivel! Ang angas mo talaga!'

Potchi cheering me up. . .

'You did a great job! Eivel-ya!'

And Sage. . . well, as usual. . .

'That's nothing to be ashamed of, Miss genius.'

Natagpuan ko na lang na unti-unting kumurba ang labi ko sa isang ngiti. This time. . . there's 100% chance that I can rely on them.

"Well then, Pharaoh. It's time for me to go-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Tumaas ang dalawa kong kilay dahil sa pagkabigla at napaatras ako nang kaunti.

"Congratulations, you won the challenge!" masigla niyang sambit.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Hindi kaagad ako nakagalaw sa pwesto ko at nanatili akong walang kaalam-alam na nakatingin sa kaniya.

My eyes slowly widened when my brain slowly processed what he said. "H-Huh?"

Kumurba ang labi niya sa isang ngiti at inabutan niya 'ko ng isang susi. "You won, Miss Eivel."

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa susi na nilahad niya sa 'kin. "P-Pero paano-"

Natigilan ako nang makita kong nagsusulat ang chalk sa blackboard. Doon ko nakita ang unang pangungusap na nabasa ko nang pumasok ako rito.

'Honesty is the best policy.'

I paused for a moment, stunned. The pharaoh gave me a reassuring look.

"It's not about knowing yourself. . . but being honest with yourself."

Inilapit niya sa 'kin ang susi na dahan-dahan kong inabot. 

"I guess, you learned another lesson, Miss Eivel?"

Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. "I guess I did."

Naagaw ang atensyon ko ng paglitaw at ang pagbukas ng isang panibagong pinto sa silid.

"If you go straight ahead, you'll find your teammates. If they passed the challenge, of course," sambit sa 'kin ng pharaoh. "You will-"

Nahinto siya pagsasalita nang nag-fist bump ako sa balikat niya. He surprisingly glanced at me, confused.

"I don't know how to show affection. . . but thanks. . ." Napayuko ako at napaiwas ng tingin.

I heard him chuckled as he pat my head. "Good luck playing against the Sphinx, Miss Eivel."

Nag-thumbs up ako sa kaniya bago ako magsimulang maglakad papunta sa panibagong pinto. Bago pa 'ko tuluyang makalapit dito at makalabas ay may pahabol pang sinabi sa 'kin ang pharaoh.

"He's different among the others. . . I know your smart, but don't let your guard down. . ."

Kumurba ang labi ko sa isang ngisi bago ko siya lingunin sa huling pagkakataon.

"Of course! There's 0% chance that we'll lose!" huling sambit ko bago ako makadaan sa pinto at kusa itong sumara.

Nagawa kong manalo sa challenge sa 'kin ng pharaoh. Kahit hindi ko inaasahan na mangyayari 'yon. . .

 Nalipat ang tingin ko sa susing ibinigay niya sa 'kin.

Ang susunod na makakalaban namin ay ang Game General na Sphinx. Ang pinakamatalino sa kanilang lahat. . .

Humigpit ang pagkakahawak ko sa susi at determinado akong huminga nang malalim.

Sigurado akong hindi siya basta-basta kalaban. . . but. . . I'm not alone now.

I slowly flashed a smile and I continued walking. Kasama ko ang team ko para kalabanin siya. Sigurado akong mananalo rin sila sa mga challenge na binigay sa kanila.

Kid is with Potchi right now. . . he's probably having a hard time. Pero wala na 'kong iba pang kilalang mas matapang at mas malakas kay Kid. After all, that guy stopped a truck with one hand!

Hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala ang unang pagkikita namin. At isa pa, kung kailangan naman niya ng moral support ay nando'n naman si Potchi.

Si Sage naman-

Natigilan ako sa paglalakad nang maalala ko si Sage.

That guy. . . he's probably eating lollipop now. No doubt.

Muling kumurba ang labi ko sa isang ngiti bago ako magsimulang maglakad ulit.

I guess I'm going to ask him to give me some.

✘✘✘


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top