26. Myself
|| Eivel ||
Kaswal akong sumandal sa upuan habang magkakrus ang mga binti. Nanatiling walang esmoyon at matalim ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko.
"Let's get started, shall we?" He flashed an innocent smile before opening the tip of his marker.
Napaismid ako bago buksan ang akin. "How can this be a challenge?" tanong ko.
Pinagmasdan ko siya mabuti bago niya sagutin ang tanong ko. Hindi ko alam ang binabalak niya pero kahit saang anggulo ko tignan ay imposibleng maging laro 'to.
And for pete's sake, it's too fishy. Umaayon sa 'kin ang lahat ng mga sinasabi niya.
"It's simple," maikling sagot ng pharaoh. Tumaas ang kanang kilay ko. "If we have the same answers, none will get the score. If I'm wrong, you'll get the score."
Kumunot ang noo ko at padabog na ibinibaba ang marker at whiteboard sa arm desk. Ginagawa ata akong gago ng lalaking 'to.
"And how can you call that a game? It's obviously a one sided match!" giit ko.
He's mocking me too much. Ano ba talagang binabalak niya?
"You seem to misunderstood something, Miss Eiviel."
I was taken aback by his answer. Prente siyang sumandal sa upuan at pinagdikit niya ang dalawa niyang kamay na para bang nag-iisip nang malalim.
"If I was wrong, you will get the score. . . and of course, vice versa."
Bumigat ang tensyon sa silid. Ang kaninang maliwanag na classroom na pinanggalingan ko ay kusang nagdilim ngayon.
"Huh?" mariin at iritado kong reaksyon. "Are you telling me, I have a chance to get the answers wrong?"
Pilit kong kinurba ang labi ko sa isang ngiti kahit nangangati na ang mga palad ko at mahigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
"Who knows? I admit that you'll have the upper hand. You can manipulate your answers and tell me that its right." He took his marker. "But it all depends on you, of course. Well then, I answered your question. May we start?"
Mahigpit kong kinuha ang marker ng hindi nawawala ang pilit na ngiti ko sa labi. This bastard doesn't know who's his messing with.
Tsk. Kailangan ko lang namang sagutan ang mga tanong tungkol sa 'kin. Paano ako magkakamali?
Who freaking needs to manipulate the answers when the questions are all about me.
"Game," maikli kong sagot.
The pharaoh flashed a smile. At the same time, nagsimulang magsulat mag-isa ang chalk sa pisara.
'My full name.'
Naningkit ang mga mata ko sa nakasulat. Sa kabilang banda, nagsimula ng magsulat sa whiteboard ang lalaking kaharap ko. Napaismid na lamang ako bago magsimula ring magsulat. This game is stupid.
'Eivel Larco Leoda'
Itinaas ko ang whiteboard kung saan nakasulat ang buo kong pangalan. Kapwa ko ay itinaas din ng pharaoh ang sagot niya.
'Eivel Larco Leoda'
I rested my chin on my hand. Mukha ngang may alam siya sa 'kin kahit pa paano. Pareho kami ng sagot, ang ibig sabihin ay wala makakakuha ng puntos.
Nagpatuloy kami sa paglaro at pagsagot ng mga bagay tungkol sa 'kin. It's all about basic stuffs like what is my favorite food, subject, color, etc.
Nagsisimula na 'kong mabagot sa mga tanong hanggang sa muling nagsulat ang chalk sa pisara at mabilis nitong nakuha ang atensyon ko.
'Someone who was always there for me.'
Ilang segundo kong tinignan ang nakasulat na tanong bago ako matauhan. Walang ekspresyon kong sinulat ang sagot sa whiteboard.
No man is an island. It's a custom of a human. It's an attribute of a man to seek help when needed. When we we're born, our parents or guardians raised us. On our teenage years, there are our peers. And on our adult years, we have our new family or our companions.
Still, there are cases when we are independent despite having those. Scenarios when we, ourselves, are the only person we can rely on.
Isn't it obvious? Of course it's-
'Myself'
Walang akemo-emosyon kong itinaas ang whiteboard para ipakita ang sagot ko. Just as expected, pareho kami ng sagot ng pharaoh.
'Myself'
I chuckled and flashed a smirk. Kilala nga talaga niya 'ko.
Nagsimulang magsulat ng mga personal na mga tanong ang chalk sa blackboard. Kung sa iba ay mga tao silang masusulat doon ay iba ang sa 'kin.
Walang ibang tao na kasama at nasa tabi ko buong buhay ko. Ako lang. . . wala ng iba kung hindi ako.
-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶
"Hindi ba siya 'yon? Ang sabi sa 'kin ni mama na kaya raw naghiwalay ang mga magulang niya, kasi habol lang ng mama niya ay pera."
"Oo nga eh! Trying hard pa masyado 'yang si Eivel, feel na feel 'yong pagiging matalino."
Rinig ko ang bulungan ng dalawa kong kaklaseng babae na nakatayo sa hindi kalayuan sa 'kin. Nandito kami sa parke ng school para maglaro ngayong hapon. Hindi katulad nila na hawak ay bola at mga laruan ay libro ang hawak ko.
This is why I hate kindergarten. They treat us like a bunch of stupid kids who only plays because of our ages.
Bakit ba kasi ang bagal kong tumanda, nang sa gano'n ay pwede na 'kong mag-aral sa highschool. Even though I'm just 9, sigurado akong kaya ko ng makipagsabayan sa mga 1st or 2nd years.
"Ang yabang pa niyan. Tingin niya mas mababa mga kasama niya kaysa sa kaniya."
Muling nagtawanan ang dalawang babaeng kaklase ko. Walang kaemo-emosyon akong tumayo at dumaan sa harap nila.
Sadya kong sinangga ang babaeng satsat nang satsat kanina, dahil sa malaking libro na dala-dala ko at sinangga sa kaniya ay agad siyang natumba sa lupa.
"A-Aray! Hoy! Ano-"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang walang ekspresyon ko siyang tinignan pababa. "Bark."
She looked at me, confused. "H-Huh?"
"I said, bark." Sadya kong tinapakan ang palda niya para hindi siya makatayo.
Ilang segundo rin siyang nakipagtitigan sa 'kin bago siya simulang maiyak. Napaismid na lang ako bago alisin ang pagkaaapak ko sa palda niya.
"Mas matalino pa ang aso ko kaysa sa'yo. Marunong siyang tumahol kapag sinabi ko."
Walang gana ko silang dinaanan at iniwan sa gitna ng parke. Wala akong pakealam sa mga sasabihin nila. Lalo na kung wala akong mapapala. Kung hindi nila kayang sabihin 'yon sa harapan ko mismo ay mas mabuting alamin nila ang mga pwesto nila.
Dogs who can't bark in front of the person they're trying to bite behind their backs are fools.
Mula bata ay nag-aaral ako mabuti. I excel in all subjects and even academic activities . I'm good at everything. . .
So maybe one day, maybe one day. . . he'll spent time with me and say that I'm a good girl. That he's glad that I'm his daughter. And maybe. . . our family will become what it used to be.
Pero hindi nangyari 'yon.
"Sa tingin mo hindi ako babawi?!"
Hindi ako nakasagot sa babaeng tumulak sa 'kin papasok sa isang abandonadong cubicle sa school.
Siya yung babaeng tinulak ko no'ng nakaraang araw. This time, nagsama siya ng mga kasama niya. Freaking dogs.
"Diyan ka bagay! Basura!"
Padabog niyang sinara ang pinto at narinig ko ang pagharang nila ng kahoy sa likod ng pinto para hindi ako makalabas. Naiwan ako sa loob ng madilim na cubicle kung saan walang labasan.
Unti-unting humigpit ang pagkasasara ng kamao ko at pinipigilan ko ang sarili kong umiyak.
I'm scared. . .
I'm scared. . . but I can't ask for help.
Because no one will come. No one cares.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong umiyak. Nahihirapan na 'kong huminga at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Nang malapit na 'kong umiyak ay nakarinig ako ng paggalaw sa labas ng pinto. Hindi nagtagal ay unti-unti itong bumukas at sinalubong ako ng liwanag.
It felt like time slowed when a little boy appeared in front of me. Eating a yogurt stick.
"Yo."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago maproseso ng utak ko ang nangyari. Agad akong natauhan at pinunasan ko ang mukha ko kung sakaling may luhang tumulo kanina.
"Bakit ka nandiyan?" marahang tanong niya.
Napaismid ako bago lumabas. Sinubukan kong magmukhang matapang at walang takot. "Naglalaro."
He paused for a moment before I heard him chuckled. "Ano 'yon? Naglalaro ka ng taguan mag-isa," natatawa niyang sambit.
Kumunot ang noo ko at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa hiya. "Shut up-"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang ilahad niya ang kamay niya sa 'kin. "So, why not na makipaglaro ka na lang sa 'kin?"
He flashed a smile and I was stunned for a moment. Napairap na lamang ako bago siya daanan. "Bahala ka sa buhay mo."
Hindi ko napansin na magmula n'on ay lagi na kaming nagkakasama. Siya ang unang taong nakalaro ko— nakasama ko.
"Bakit ba lagi kang mag subo-subo na yogurt stick?" Giit ko sa kasama ko habang nasa duyan kami sa parke.
Tawa ang pinakita niya sa 'kin. "I have a sweet tooth!"
Napailing na lamang ako bago itulak ang sarili kong duyan. Lagi kaming naglalaro pagtapos ng uwian sa loob ng isang linggo.
For the first time in my life, I experienced what it feels like having a friend.
But it didn't last long. . .
Just like the others, he also left me.
Nawala na lang siya bigla at hindi ko na siya nakita pa. Ni hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya sa loob ng isang linggong paglalaro namin.
Once again. I was alone.
Some tried to approach me as I grew older, only because I'm smart and rich.
Nilalapitan nila 'ko dahil sa kung ano ang meron ako ngayon. Kahit wala sila noon no'ng pinaghihirapan ko 'yon.
Ako lang ang meron ako. . . ako lang.
-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶
'Myself'
'Myself'
'Myself'
'Myself'
'Myself'
'Myself'
Madiin ang pagsusulat ko sa whiteboard at mariin ang pagkakahawak ko sa marker. Wala ng iba pang sagot sa mga tanong na nakasulat sa pisara.
Ako lang ang meron ako. . . ako lang.
'Someone I can rely on.'
Napaismid ako nang makita ang susunod na tanong. Hindi ba sila natututo? Ano ba ang gusto nilang patunayan?
Muli kong sinulat ang sagot ko at itinaas ko ang whiteboard.
'Myself'
Walang gana kong tinignan ang sagot ng pharaoh para makita ang pareho namin sagot. Pero natigilan ako nang makita ang sinulat niya.
Sa unang pagkakataon ay magkaiba kami ng sagot.
'My teammates'
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top