22. Maze

|| Kid ||

Tila lumakas ang mga apoy sa mga naglalakihang kandila na nakadikit sa pader. Unti-unti kaming nagkatinginan ni Potchi dahil sa sinabi ng bangkay na nakabalot sa napakaraming tela na mukhang tisyu.

Nagbago bigla ang simoy ng hangin. Mabilis na bumigat ang tensyon sa silid.

Napalunok ako nang malalim at dahan-dahan kong tinatakpan ang bibig ko para bumulong sa gina pig. Ramdam ko ang tingin ng mami na nakapako sa akin.

"E-Eyo. . . a-ano raw?"

Puno ng takot ang mga mata ko habang nakatingin kay Potchi. Kahit isa siyang matabang humtser(hamster) ay bakas din ang takot sa mukha niya. Tulad ko ay tinakpan niya rin ang bibig niya para bumulong sa akin.

"H-Hindi ko naintindihan-ya, masyado akong natakot sa itsura niya-ya."

Mas lalong hindi maipinta ang mukha ko sa narinig. Hindi ko magawang makatingin sa mami sa harapan namin. Para bang nawala ang takot ko sa kaniya at hindi ko mapigilang maawa. . .

Alam kong. . . ginagawa niya lang din ang trabaho niya.

"I-Imbecile! W-What's with that look?!" hindi makapaniwala kaming tinapunan ng tingin ng mummy.

Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kaniya. 'wag kang mag-alala bro, naiintindihan kita. Ganiyan talaga minsan, nagkakamali tayo.

"E-Eyo, gets na namin. Papatayin mo kami, hindi ba?"

Umawang ang bibig ng taong kaharap namin. Napailing ako at malalim na napabuntong-hininga.

"E-Eh? I said, Welcome to judgement room! Your life-"

"Oh diba? Life raw. Natural buhay namin 'yon. Masyado mo 'kong ginagawang bobo eh."

Hindi nagawang makasagot sa akin ng mami dahil sa pagkabigla. Akala niya ata ay hindi ako marunong mag-ingles. Nakakaintindi ako kahit pa paano. 

Huminga ito nang malalim bago iiling ang ulo niya. Napatakip ito sa mata habang umiiling.

"Fine! Magtagalog tayo!"

Nanggagalaiting kaming tinignan ng mami na kinasimangot ko. Katulad niya ay napailing na lang din ako.

"Sige. Alam kong nahihirapan kang mag-english, hindi na lang kita masisisi."

Umawang ang bibig niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Sa kabilang banda, hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong maawa sa kaniya.

Bakit kase siya nagtrabaho rito kung nahihirapan siyang mag-english?

Inilibot ko na lang ang tingin ko sa paligid. Ngayong tinitignan ko ito nang mabuti, unti-unting nagkaroon ng tanong sa isipan ko.

"Ikaw ba ung spingks?" tanong ko. Bakit parang bakante naman itong silid? Wala rin sina Eivel at Sage rito.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang kaharap ko. Gumagalaw-galaw ang kanang mata niya, parang kumukurap-kurap.

Bakit? Tagalog naman ang pagkakatanong ko, hindi niya ba naintindihan-

"A-Ako? Sphinx?"

"SPHINX?!" pag-uulit niya habang tinuturo ang sarili.

Kunot noo akong napatingin sa kaniya. Napangiwi akong napatingin kay Potchi

Baliw ata itong mami na 'to. . .

"Nagbibiro ka ba?! Nakikita mo na ngang may telang nakabalot sa 'kin! Nakita mo kung saan ako bumangon! Tapos tatanungin mo 'ko, kung ako ba ang Sphinx?!" sunod-sunod niyang sambit.

Hindi pa nagsisimula ang challenge niya sa 'kin pero parang pagod na pagod na siya. Buti na lang at hinayaan ko na siyang magtagalog, sigurado akong hirap na hirap na rin siyang mag-english.

"Eyo, oo na, oo na. Sus, nagtatanong lang eh." Pagdadahilan ko.

"Mukhang hindi ka nga ung Game General, parang bobo ka eh."

Napaupo sa kabaong ang mami sa sinabi ko. Mukhang pagod na nga.

"Maling silid pala 'to, ba-bye-"

"You won't go anywhere you stupid brat!"

Natigilan ako sa pagwasiwas ng kamay at sa pagtalikod nang sumigaw ang mami. Nagulat ako nang tumaas ang tono ng pananalita niya.

"You're testing your luck, brat. Tignan nga natin kung maswerte ka nga."

Nabigla ako nang may malaking TV na lumabas mula sa itaas. Humanga pa 'ko no'ng una dahil akala ko nasa sinehan ako, pero natigil ito nang makita ko ang palabas. Isang pamilyar na babae ang sumalubong sa akin.

"E-Eivel!"

Mabilis na namilog ang mga mata ko. Pinapakita sa TV si Eivel. Nasa taas ang tingin ko at kitang-kita ko ang buong kilos at galaw niya. Papunta siya sa isang. . . tirahan ni pac-man (maze).

Tirahan ni pac-man na puro ded end. . .

"You like what you see?"

Natawa ang mami sa biglaang pagbabago ng ekspresyon ko. Unti-unting humigpit ang pagkasasara ng kamao ko.

"Eyo! Nasaan si Eivel?!"

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Naglakad papalapit sa TV ang mami habang nasa likod ang dalawang kamay. "Kagaya ng sinabi ko kanina, na hindi niyo naintindihan,"

"Nakasalalay sa'yo ang buhay ng mga kasama mo. Katulad ng babaeng 'to." 

Tinuro niya si Eivel na papasok na sa napakalaking tirahan ni pac-man.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Bigla na lamang gumalaw ang dalawang pader sa magkabilang gilid ko. Kasama nito ang tig-isang tali na nakadikit sa dalawang pader.

"Ang pader na nasa kaliwa at kanan mo ay konektado sa mga pader na nasa maze," pangunguna ng mami.

"Dahil nakikita mo ang dinaraanan ng kasama mo, ikaw ang gagawa ng tamang daan para sa kaniya."

"Pero para gawin 'yon, kailangan mong hilahin ang mga pader para mabuksan o isara ang isang daan."

Napalunok ako nang malalim. Napatingin ako sa pader na nasa magkabilang gilid ko. Hindi ko alam kung gaano kabigat ang mga 'to. . . hindi ko rin alam kung gaano kalayo ang labasan sa tirahan ni pac-man.

"Sa loob ng sampung minuto, kapag hindi nakalabas ang kasama mo. . ."

"Hindi na siya makalalabas pa kahit kailan."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at tila bumigat ang pakiramdam ko. Muli akong napatingin sa TV kung nasaan si Eivel.

"Pero hindi ko alam kung aabot pa siya ng sampung minuto sa loob. . . ang ibig kong sabihin. . ." Mahinang natawa ang kaharap ko.

"Takot ang babaeng 'to sa mga lugar na walang labasan."

Napaismid ako sa narinig. Sumagi sa isipan ko ang nangyari kanina kay Eivel no'ng pinaghiwalay kami ng mga pader. Nakasalalay sa 'kin ang buhay niya sa larong 'to. . .

"Kid-ya. . ."

Napatingin ako kay Potchi na bakas ang pag-aalala sa 'kin. Malalim akong huminga bago pilit na ngumiti sa kasama ko.

"Eyo! Malakas ako!" pagpapagaan ko ng loob niya. Hinawakan ko ang braso ko at mayabang akong ngumisi.

"Wag kang mag-alala."

Ibinibaba ko si Potchi sa lapag na bakas pa rin ang pag-aalala sa 'kin. Hinubad ko ang jaket ng uniporme ko at binuksan ang butones ng polo ko.

Nag-inat-inat ako habang nakatingin sa TV. Nagtataka ang babaeng kasama ko nang makitang puro pader lang ang nasa harapan niya at walang kahit anong daan. Unti-unti siyang namumutla nang mapagtanto ang posisyon niya.

Napaismid ako habang nanonood. Hindi ko hahayaan na manatili siya riyan o maramdaman niya ulit ang nangyari kanina. . .

Eivel. . . asahan mo, ilalabas kita riyan. . .

Muli akong huminga nang malalim bago hinawakan ang magkabilang tali. Maghigpit kong inikot-ikot ito at hinigpitan ang pagkahahawak ko sa kanan at pilit ko itong hinila.

Parang mapupunit ang mga braso ko dahil sa sobrang bigat nito. Unti-unting umusog ang pader sa kanan.

Tinignan ko ang TV at laking tuwa ko nang makitang umuusog din ang kanang pader na malapit kay Eivel. Hindi siya nag dalawang isip na dumaan dito dahil wala naman na siyang madadaanan pa.

"Oh, nice. . . nakapasok na siya sa loob. . . simula na rin ang pagtakbo ng oras," Sambit ng mami.

Nakita ko ang pag-andar ng isang lalagyanan na napupuno ng buhangin na hawak-hawak niya. Hudyat na simula na ang laro.

Muli akong huminga ng malalim. . . 

Oras na para maglaro.

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top