21. Your life, your choice

|| Kid ||

Malalim akong napabuntong-hininga habang naglalakad sa panibagong pasilyo. Kasama ko si Potchi na nasa balikat ko. 

"Eyo. . . okey lang bang iwan natin si Eivel doon?" nag-aalalang tanong ko sa kasama ko.

Parang nahihirapan kanina si Eivel nang may pader na humarang sa pagitan namin. Mariin akong napakagat sa ibabang labi nang maalala ko ang sinabi ni Sage kanina.

"Y-Ya! Syempre naman! That girl is strong-ya!" pagpapagaan ng loob ni Potchi.

Alam kong kahit sinasabi niya iyon ay nag-aalala rin siya sa kasama namin.

"P-Pero hindi ba, merong clownphobia-"

"Cornphobia-"

"Cloudphobia-"

Mabilis kong iniling ang ulo ko. Mabilis na naglaho ang bakas ng pag-aalala sa mukha ko at kumurba ang labi ko sa isang malawak na ngiti.

"Tama ka! Kayang-kaya iyon ni Eivel!" nakangiting ani ko.

Agad kong naramdaman ang paghampas na maliit na kamay ni Potchi sa ulo ko.

"Stupid-ya! Stupid-ya!"

Tanging pagtakip sa ulo ko ang nagawa ko sa mga hampas niya. 

"E-Eyo! Tama na-"

Kapwa kaming natigilan ni Potchi nang pareho kaming nakarinig ng tunog. Napalunok ako nang malalim bago dumeretso ang tingin ko sa pasilyo.

Nanggaling ang tunog sa dulo ng pasilyong ito.

Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan. Alam kong malakas akong tao. . . pero mahina ang loob ko pagdating sa mga ganitong bagay.

"E-Eyo, Potchi. Kung may mangyari naman ay maasahan kita, hindi ba?"

"Y-Ya! I'm a guinea pig-ya! Anong pinagsasabi mo-ya!"

"P-Pero cowts ka hindi ba?!"

Nagsimula kaming magtalo ng kasama ko dahil sa simpleng tunog. Kaya pinakaayoko sa lahat ay kapag nagkahihiwalay kami ng mga kasama ko.

Muli akong huminga nang malalim bago magsimulang maglakad ulit. Mahigpit ang pagkasasara ng kamao ko kung sakaling may biglang sumulpot sa harapan ko. Pasensyahan na lang talaga kami.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Potchi. Tunog lang ng sapatos ko ang naririnig ko sa pasilyo. Mas lalo akong kinakabahan dahil dito. Paulit-ulit ata akong lumulunok at humihinga nang malalim.

Ganito 'yong mga napanonood ko sa mga nakakatakot na palabas. . . mas lalo akong kinakabahan kasi kadalasan mga bobo ang unang namamatay. . . badtrip talaga.

"Kid-ya-"

"WAHHH!"

"Wahhh!!"

"WAHHH!"

"Y-Ya!"

Natigilan ako sa pagsigaw nang hampasin ni Potchi ang mukha ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil akala ko ay aatakihin na 'ko sa puso.

"E-Eyo! Bakit ka ba sumisigaw?!" giit ko.

Tinignan ako ni Potchi na para bang may mali akong sinabi. "Ya! Ikaw ang naunang sumigaw! Tinatawag lang kita-ya!"

Hindi maipinta ang mukha ko sa sinabi niya. Napailing ako at napatikhim. "A-Ano ba kase 'yon? Bakit mo 'ko tinatawag?"

Natigilan ako nang may itinuro si Potchi sa akin. Napatingin ako sa itaas kung saan ang tinuro niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. Napako ako sa kinatatayuan ko.

"Your life, your choice."

Kapwa ko ay nakatingin din si Potchi sa itaas. Napalunok ako nang malalim. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa naging reaksyon ko.

"K-Kid-ya..."

Tumango ako sa kaniya na para bang alam ko na ang gusto niyang sabihin. Nangungusap ang mga mata kong nakatingin sa kisame.

"Potchi. . ."

Seryoso ko siyang tinapunan ng tingin. Bakas ang takot sa mukha ni Potchi. Tila nagkaroon ng tensyon sa pagitan naming dalawa.

"B-Bakit-ya?"

Nanatiling seryoso ang ekspresyon ko. Pabigat nang pabigat ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Pwede bang. . ."

"Paki-tagalog ang nakasulat?"

Nagkaroon ng sandaling katahamikan. Kahit walang bintana at nasa ilalim kami ng pyramid ay parang nararamdaman ko ang pagtama ng hangin sa amin dahil sa sobrang tahimik.

Unti-unting nawala ang takot na ekspresyon ng guinea pig na kaharap ko. Bagkus, ang mabalahibo at maliit niyang mukha ay hindi maipinta.

"Y-YA!"

Walang tigil na hampas ang natanggap ko kay Potchi, sa punto na kinakagat niya na rin ako.

"E-Eyo! Masakit!"

Hindi siya huminto sa pagkagat sa akin. Pilit ko siyang inaalis nang pareho kaming matigilan. Naramdaman ko ang pagsitayuan ng mga balahibo ko sa katawan nang makarinig ng pader na umuusog. Doon ko nakita ang pagbukas ng pader sa gilid namin.

Pareho kaming nahinto ni Potchie sa ginagawa namin. Napalitan ng pagtago sa loob ng kwelyo ko ang pangangagat niya.

"K-Kid-ya. . ."

Napalunok ako nang malalim habang pilit kong iginagalaw ang paa ko. Pero napako ata sa kinatatayuan ko.

Syet. . . kapag tao ang kaharap ko ay kaya kong lumaban. . .

Pero kung ibang bagay ay ibang usapan na 'yon. . .

"Y-Ya! Kumilos ka na Kid-ya!"

Napaismid ako sa sinabi ng gina pig na nagtatago sa kwelyo ko. Madali lang sa kaniyang sabihin 'yon dahil nakatago siya. Paano naman ako?

Wala rito si Eivel at Sage. . .

Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Kaya mo 'to Kid! Ikaw ang 'King of Disney'!

Tumango ako sa sarili ko. Determinado akong tumingin sa harap habang mahigpit ang pagkakasara ng kamao ko. 

"Eyo. . . tara na."

Humakbang ako papunta sa pader na bumukas. Panibagong pasilyo ang sumalubong sa amin ni Potchi.

Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo. Pakiramdam ko ata ay maiihi pa 'ko sa lugar na 'to.

Hindi nagtagal ay natagpuan namin ang sarili namin sa harap ng isang pintong gawa sa ginto. Natulala ako habang nakatingin dito.

"E-Eyo, ded end na ata- balik na tayo-"

Akmang tatalikod na 'ko para bumalik sa dinaanan namin nang marinig ko ang unti-unting pagbukas ng pinto. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan na para akong inihipan sa batok.

Syet. . .

Napalunok ako nang malalim nang tuluyang bumukas ang pinto. Pakiramdam ko ay wala na 'kong laway pang malulunok dahil sa paulit-ulit at sunod-sunod kong paglunok. 

Sinalubong kami ng madilim at malamig na silid. Dahan-dahan akong humakbang sa loob. Nang makapasok ako ay sunod-sunod na nagsi-apoy ang mga malalaking kandila sa loob (torch).

Malalim akong napasinghap nang lumiwanag ang lahat at nang makita ko ang bagay na nasa gitna. Hindi maipinta ang mukha ko at unti-unti akong umaatras.

Isang libingan. . . 'yong kagaya ng napanonood ko sa mga palabas. . .

Iyong kabaong ng mga mami (mummy)!

Dahan-dahan akong umatras. Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan namin pero para akong sinakluban ng langit at lupa nang sumara ang pinto. Kasabay nito ay ang unti-unting pagbukas ng kabaong na nasa harapan namin ni Potchi.

Kasabay ng tunog ng pag-usog ng malaking bato ay ang halos na pag-iyak ko at maliit na pagtili ng boses ng kasama ko.

"E-Eyo. . . gusto ko pang makapunta ng Disneyland. . ." halos maiyak na sambit ko.

Kapwa ko ay hindi makakibo ang gina pig na nasa kwelyo ko. Hindi pa rin siguro siya nagigising sa realidad.

Halos atakahin ako sa puso nang tuluyang lumabas ang isang taong nakabalot sa tela sa loob ng kabaong. Namilog ang mga mata ko at umawang ang bibig nang nag-inat ang mami sa harapan namin at nakangiti kaming tinignan.

"Welcome to the Judgement room!"

"Your life, your choice."

Nanatili akong nakapako sa kinatatayuan ko na nakatingin at nakikinig sa kaniya. Para akong nawalan bigla ng lakas.

"But with a twist. . ."

"Your teammates' lives, are also you choice."

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top