20. Pyramid
|| Eivel ||
Napalunok ako nang malalim nang itapak ko ang mga paa ko sa loob ng pyramid. Sumalubong sa amin ang isang madilim na pasilyo. Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ay kusang nagsibukasan ang mga torches sa loob.
Bumungad sa amin ang isang ordinaryong pasilyo na walang laman o kahit ano mang kagamitan. The walls are all bricks, also the floors and ceiling.
I'm with Sage, Kid, and Potchi that's in Kid's shoulders. Together with Violet's team.
This is it. We're inside of the Game General's territory. The sphinx' pyramid.
"Let's go," walang ekspresyong sambit ni Sage habang may subo-subong lollipop.
Nauna siyang naglakad sa amin habang nakasunod ako at si Kid na nasa likuran ko.
Tanging ang mga torches lamang na nakasabit sa kada pader ang nagsisilbing liwanag namin. Ang tunog ng paglalakad namin ang tanging tunog sa loob.
I bit my lower lip as I heaved a sigh. Kumunot ang noo ko nang makaramdam ako ang paghawak ng kung sino sa likurang damit ko.
Napalingon ako kay Kid at Potchi na hindi mawala ang tingin sa pagilid na para bang binabantayan ang kahit anong posibleng paggalaw sa loob.
Natigilan si Kid sa ginagawa niya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya.
"What the heck are you doing?" iritadong sambit ko.
Napalunok nang malalim ang lalaking kaharap ko at pilit na ngumiti. "E-Eyo. . . para sigurado akong hindi ka mawawala. Hehe."
Inis kong inalis ang pagkakahawak niya sa damit ko at napaismid. "There's 0% that it will happen. Paano ako mawawala kung nauuna ako sa'yo."
Hindi nakasagot sa sinabi ko si Kid at wala siyang nagawa kung hindi sumunod na lang sa paglalakad. Ilang minuto rin kami sa paglalakad nang nagsimulang magsalita ang kabilang grupong kasama namin.
"Hmm, hindi ba kayo nagtataka?" biglaang sambit ni Ced.
Pare-pareho kaming natigilan sa paglalakad sa sinabi niya. Nakuha niya ang mga atensyon at tingin namin.
"What do you mean, Ced?" marahang tanong ni Kenji.
Inilibot ni Ced ang tingin niya sa paligid. Normal pa rin ang dinadaanan namin at walang bago. It just looks like a normal pyramid.
"We're in a pyramid, right?"
My forehead furrowed and I gave him a confused look. "Yeah?"
Tila nagkaroon ng tensyon sa silid. Biglang bumigat ang pakiramdam ko sa tingin na pinapakita sa amin ni Ced.
"Then how come. . ."
"We haven't seen a single trap?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Doon kami natauhan sa sinabi niya. Mabilis akong napatingin sa paligid at naging maingat sa tinatapakan ko.
"Now that you mention it. . ."
Kaswal na hinawakan ni Violet ang pader na katabi niya. Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin dito.
"Usually, sa mga laro-"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang umikot ang pader at nasama siya sa pag-ikot. Napunta si Violet sa kabilang pasilyo o silid na katabi lang ng pader na hinawakan niya.
"Violet!" nag-aalalang sambit ni Kenji.
"K-Kailangan nating-"
Natigilan din sa pagsasalita si Ced nang biglang nawala ang inaapakan niya dahilan ng kaniyang pagkahulog. Pare-parehong namilog ang mga mata namin sa pagkabigla.
It's starting!
Sa kabilang banda, hindi pa nagagawang makapag-react ni Kenji nang bigla na lamang siyang hinigop ng kung ano mula sa itaas.
I suddenly felt nervous. Fear crossed Kid's face and even Sage remained calm, you can also see it in his eyes that he doesn't know a shit about what's going on.
"E-Eyo! Anong nangyari-"
Kid stopped talking when a wall suddenly appeared between us.
Hindi lang sa aming dalawa kung hindi sa pagitan din namin ni Sage. Nagkaroon kaming harang tatlo.
Narinig ko ang paghampas ni Kid sa likod ng kabilang pader. Ni hindi kaagad na proseso ng utak ko ang mga nangyari.
Natauhan na lang ako nang makita kong napalilibutan ako ng pader.
We were separated.
"E-Eyo! Eivel! Sage! Okay lang kayo?!" Rinig kong sambit ni Kid.
Napalunok ako nang malalim at pilit akong tumango kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Y-Yes!"
Napaatras ako sa tinatapakan ko. Sobrang bigat ng paghinga ko. . . I don't like little spaces. . .
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagsimulang manginig ang buo kong katawan. I'm having trouble breathing, I started breathing heavily.
Napalilibutan ako ng pader. . . wala akong malalabasan.
"H-Hey! Eivel! Naririnig mo ba 'ko?!" malakas na sambit ni Kid.
Kahit naririnig ko siya ay hindi ako makapagsalita o makagalaw man lang sa pwesto ko. Nahihirapan ako makahinga. My eyesight is becoming blurry too, I'm getting dizzy, I can't breathe.
Shit!
Humans, are humans. All of us feels and have emotions, the one of the most basic is fear. Even the strongest individual, the coldest, the smartest, have someone or something to be afraid of.
I tried breathing, trying to calm myself. Now is not the time to be afraid. . . it's not-
"Eivel!"
Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Sage sa kabilang gilid ko. It's my first time hearing him raise his voice.
"Is it possible. . . that you have claustrophobia?"
I can't utter a word. I'm too scared to move nor speak.
Pero kahit hindi ako nakasagot ay sigurado akong naintindihan ni Sage ang sitwasyon ko.
I hate to admit it but he's right. . . ayokong may makaalam nito dahil ayokong magmukhang mahina sa harap ng ibang tao.
Yeah. . . it's because of pride and ego.
I have this phobia since I was a kid.
I was with my father back then. Inaya niya akong mamasyal para makabawi siya sa akin dahil sa pagiging busy niya sa trabaho.
Pero kagaya ng inaasahan, hanggang doon ay dala-dala niya pa rin ang trabaho. Puro phone calls lang ang inatupag niya at ni hindi man lang niya ako pinapansin. Just when I'm about to pee, he won't even listen to me.
So I've decided to just go in my own. At the age of freaking 6, I wandered in a theme park to find a comfort room.
Nang makahanap ako ng isa ay hindi ko inaasahan na hindi pala iyon pwedeng gamitin dahil sira ang lock. And I just noticed it when I'm already inside.
For fucking seven hours. . . at the age of 6. . . I was stuck inside of that small comfort room.
There are no windows, the door was locked, and I'm all alone.
My father took freaking seven hours just to find his little girl who needs to use a toilet.
Ayoko ng alalahanin pa iyon. . . dahil hindi lang bumabalik sa alaala ko kung gaano ko kinasusuklaman ang ama ko kung hindi pati na rin na naalala ko kung gaano ako katanga rati.
I'm so pathetic. . .
Hindi ko namalayan na nagsisimula na palang magsituluan ang mga luha sa mga mata ko. . .
My surroundings starting to fade, it's getting dark. My head is spinning, my heart kept beating so fast. May matinis na tunog na dumadaan sa tenga ko at wala akong marinig maliban dito.
Damn. . . I'm scared. . . I'm so fucking scared-
"Breathe in."
A voice caught my attention. Napatingin ako sa pader na katabi ko at doon ko naalala na kinakausap pala ako ni Sage.
"Just no matter what happens. . . don't forget to breathe."
Hindi ako nakasagot at nanatili akong nakatingin sa pwesto kung saan ko naririnig ang boses niya.
"S-Shit! Eyo, Sage! Subukan ko na bang sirain itong pader?!" Rinig kong sigaw ni Kid sa kabila.
"Stupid-ya! You can't do that-ya!" suway ni Potchi.
Para bang nawala ang mga iniisip ko nang marinig ko ang mga boses nila. Kahit wala pa ring tigil ang panginginig ng mga kamay ko ay nagagawa ko ng makahinga nang maayos.
"It looks like the Game General wants to separate us all. Pero sigurado akong magkikita-kita rin tayo," kalmadong sambit ni Sage.
"I'm sure-"
Natigilan si Sage sa pagsasalita nang pare-pareho kaming nakarinig ng parang isang pader na umuusog. Mabilis akong napalingon sa likuran ko kung saan umangat ang isang pader at sinalubong ako ng panibagong pasilyo.
"E-Eyo! May bagong daanan dito!"
"D-Dito rin."
"Same here."
Nakahinga ako nang maluwag sa nangyari. Kahit nanghihina ang mga tuhod ko ay pilit akong tumayo nang maayos.
"Hey. . ." Rinig kong pagtawag sa likod ng isang pader.
"Are you okay?"
I flashed a smile as if Sage can see it. "Never felt better. . . thank you. Kahit pa paano ay may natulong ka sa akin."
I heard him chuckled. "Oh, come on. Tell me something I don't know."
Napabuntong-hininga ako bago umiling. Muli kong tinapunan ng tingin ang panibagong pasilyo sa harapan ko at huminga ako nang malalim. Para pa rin akong nalulula rito, pero nagawa kong makatayo.
"Looks like we're on our own."
"See you at the Game General's place."
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top