2. Team
|| Eivel ||
Bumungad sa akin ang pangalan ng app nang buksan ko ito. Bago ako makapagsimula ay kakailanganin ko raw muna ng username.
I haven't played games before. Kaya ang nilagay ko na lang na username ko ay ang pangalan ko.
Nagsimulang mag-loading ang app. Nang magsimula ito ay sumalubong sa akin ang introduction ng game.
Welcome to the Game of Life. Congratulations for being chosen as a player!
Kumunot ang noo ko sa nabasa. Wala nga akong naalala na nag-install ako ng app na 'to.
Sumunod na lumabas ang objectives ng player sa laro.
The players must defeat the Game Generals and collect all the chess pieces.
Naningkit ang mga mata ko sa nakasulat. Nakuha ng nabasa ko ang atensyon ko. Collect the chess pieces huh?
Each players will be divided into teams with 3 members. May the best team win. Let's play the Game of Life!
Bigla na lamang ako napunta sa lobby ng game. Doon ko napansin na may group chat pala ako sa gilid. I opened the tab to see a message.
King In Disney: Sa wakas nagstartxx na rin! Ilang beses nakong namamatayxx HUAHUAHA lololol,,,
My forehead furrowed because of confusion. Other than the way he types, what he said caught my attention. Nagtaka ako sa sinabi niya. Namatay? Pero kasisimula pa lang naman ng game ah?
Eivel: How come? Kasisimula pa lang ng game.
Sage: That's the point. Kasisimula pa lang. Ngayon pa lang magsisimula kase ngayon lang nakumpleto ung players.
King In Disney: Huhu kailangan muna naming makisamaHH sa mga ciTsens habang naghihintay :( lagi akong nasasagasaan or binubully. T_T
Is this one of those role-play games that is famous right now? A reality like game. Pasimple akong napaismid. Naniningkit ang mga mata ko habang binabasa ang mga message nila. Mukhang mga bata ang mga kalaro ko. Halata na sa pagta-type pa lang.
I was about to type again when the screen showed the start button. The neon mint light is reflecting in my eyes.
King In Disney: Guyssssss start na! Tara na!
Sage: G.
Nagsimula ng mag-click ng start ang mga kasama ko kaya sumunod na rin ako sa kanila. Mukhang pambata ang laro na ito.
Nagbago ang settings ng app. Nag-dim ang screen at bigla kaming napunta sa kung saan.
The screen's color is garnet and the fonts are glitching. May mga barahang nahuhulog sa background at kusang lumabas ang isang tanong sa screen.
Hello players. I'm a Game General and I have the rook. Do you wish to challenge me?
Nagkaroon kami ng choices sa ibaba. Yes and No. Of course we chose Yes.
Nawala ang nakasulat sa screen at lumabas ang isang card. The king of hearts. Nang tinalikod ito ay roon namin nakita ang isang riddle.
Answer the question.
You woke up in a strange room with no windows. There are only four doors for you to choose to escape. Which door will you pick?
Door 1: Acid rain is falling which will melt your flesh.
Door 2: There are crocodiles that haven't yet eaten for 2 years.
Door 3: Locked.
Door 4: There's a desert where the hot blazing sun will burn you instantly.
Gusto kong matawa sa mga tanong. This is a logic question for kids. Hindi ko lubos maisipan kung gaano ka katanga kung hindi mo masasagot ng tama 'yan.
King In Disney: Lol. Ang dali naman niyan,,,, obyus na ung dor 2 ung sagot,,, natural deds na ung buwayahh,,, tinatanong din samin dati yan eh. O.O
Napabuntong-hininga ako sa sinabi ng kasama ko. Kababanggit ko lang, mukha ngang bata ang kasama kong 'to.
Eivel: Crocodiles can live for 2 years without food or water.
King In Disney: Ay weh,,,
Napahawak ako sa noo sa reaksyon niya. Bakit ito pa ang nakasama ko sa team?
Eivel: We can't choose door 1 because of the Acid rain. And door 4. Logically speaking we should pick door 3. Sinabi lang naka-lock. Pwede mo naman i-unlock ung pinto at doon ka dumaan.
Sage: Nah. I don't agree.
Kumunot ang noo ko sa reply ng isa pa naming kasama. Now, he got my attention. Binigay ko na ang mga dahilan kung bakit hindi kami pwedeng pumasok sa ibang pinto.
Anong pinagsasabi niyang hindi siya agree?
Eivel: Excuse me?
Sage: If you'll think outside the box, you can escape through all those doors.
Nilapit ko pa nang mabuti sa mga mata ang phone ko nang mabasa ko nang maayos ang sinabi niya. Anong pinagsasabi ng taong 'to?
Sage: On the first door, pwede mong gamitin ang pintuan para gawing pantakip sa acid rain. Acid deposition only increases the rate of deterioration of an unpainted wood. Hindi mada-damage ang kahoy rito at pwede mong gamiting pantakip. Sa pangalawa naman, you can wait for 3 to 5 more days, the crocodiles will die because of hunger. You can survive without food nor water for a week. And lastly, pwede mo namang hintayin na gumabi sa desert. Malamig pa nga roon kapag gabi.
My eyebrows rose, eyes slightly wide while reading his answer. I'm starting to get irritated to this Sage. We have our options and choices. Why is he making the question complicated?
King In Disney: Woahhhh! Soh anu sagot?? ?.?
Eivel: Sir Genius, ano raw sagot.
Pareho naming hinintay ang reply ni Sage. Nakatutok ang mga mata ko sa screen habang hinihintay ang tina-type ng kasama namin. The sound of the three dots that is a sign that he's typing are starting to irritate me.
I was curious to his answer, that turned into a disappointment. Napaawang ang bibig ko nang makita ang sagot niya.
Sage: Door 5.
Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang nabasa. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. I don't know if he's a genius or just too stupid.
Eivel: Are you serious?
Sage: Yes. The right answer is Door 5.
Eivel: There are only four options, idiot.
Sage: I know. Pero ang sagot ay Door 5. There is always a fifth door. Dahil paano makadadaan ang Game Master kung ganiyan ang mga pinto. Kailangan niya ng sariling daanan.
Napatakip na lang ako sa mukha sa reply niya sa akin. Kulang ata sa tulog itong tao na 'to. Masyado ng marami ang mga games na nalaro niya.
Eivel: This is just a game. There will be no Game Master and Door 5.
Sa huli ay Door 3 ang pinili namin at tama nga ang sinabi ko. Pagtapos n'on ay nakuha na namin ang rook. Hindi na nag-reply si Sage sa sinabi ko. Masyado niyang pinapahirapan ang sarili niya.
Pagkatiwalaan niya na lang ako sa pagsasagot.
There is 0% chance that we'll lose.
Because even though this is the first virtual game I've played, I'm already playing my whole life. This life of mine is a game. . . yes, a game.
Hindi ko napansin na ginugol ko na ang buong maghapon sa paglalaro. Iba-iba ang naging challenges sa amin ng mga Game Generals.
Binabawi ko na ang sinabi kong pambata itong laro. To be honest, it's pretty interesting. Ginagamitan din ng utak ang laro na 'to.
I find it fun playing, hindi ko namalayan na nakumpleto na namin ang mga chess pieces sa isang araw lang. I was really entertained.
We defeated the game.
Or so I thought.
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top