18. EDGE
|| Kid ||
Sunod-sunod na nagsilapitan sa akin ang tatlong kasama ko. Kapwa ko ay napatingin din sila sa mga numerong nakaukit sa pader.
"Woah! May nakaukit!" namamanghang kumento ni Kenji.
Naningkit ang mga mata ni Violet habang binabasa ang mga numero. "-2. 4. 9. -5?"
Nagkatinginan kaming apat na nakakunot ang mga noo at kaunting nakaawang ang mga bibig.
"What the heck does that mean?" giit ng babaeng kasama namin.
Walang nakasagot sa sinabi ni Violet. Pare-pareho naming hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng nakasulat.
Kailangan namin ng mga letra. . . hindi numero.
"M-Maybe it's a code?" kumento ni Ced.
Nanatiling seryoso ang ekspresyon ng babaeng kaharap namin. Maigi niyang iniisip kung ano ang ibig sabihin ng clue na binigay sa amin.
"Yeah, but why there's a negative number?"
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Napaismid si Ced at nakapagat sa ibabang labi si Kenji. Kapwa nila ay iritado rin akong napaisip.
Wala akong pagdating sa mga ganitong bagay. Umiinit ang ulo ko sa puntong pakiramdam ko ay lalabas na ang usok dito dahil sa kaiisip.
Hindi ako marunong mag-desayper o mag-dekowd!
Ni hindi ko nga alam ang ibig sabihin ng mga 'yon. . .
Malalim akong napabuntong-hininga at inililibot ko ang tingin ko sa paligid. Nag-iisip ako ng posibilidad na ibig sabihin ng mga numero na iyon.
Bakit pa kasi wala rito ang mga kasama ko.
Kung nandito si Sage. . .
Paniguradong kukuha lang siya ng lollipop sa bulsa at walang gana kaming titignan. Hahayaan niya akong alamin ito at pag-isipan.
Kung nandito naman si Eivel. . .
'There's a 0% chance that you can decode that!
Napapikit ako nang marinig ko ang boses ni Eivel sa isipan ko. Siguro akong 'yon ang sasabihin niya sa akin kapag nakikita niya ako ngayon.
Pero sa parehong pagkakataon. . .
'Stupid! Na-check mo na ba ang lahat ng clues? Pinag-isipan mo ba mabuti ang hint na ibinigay?'
Natigilan ako nang may mapagtanto ako. Mabilis akong napamulat.
Nagmamadali akong lumapit kay Ced.
"E-Eyo! Ano ulit 'yong sinabi sa bato? Nakalimutan ko na eh."
Nabigla sila sa inakto ko. Pero mabilis ding sumagot sa akin si Ced.
"L-Look at your left, Listen to your right. You either go up, or down here all night."
Napaisip ako sa sinabi niya. Malalim akong huminga at pinakalma ko ang sarili ko.
Kalma, Kid. . .
'Listen.' Sinabi na ng teacher ko rati 'yon. . . 'Sagot' ba 'yon? Hindi, 'Tayo'? Hindi- 'Makinig'!
Hindi man lang ako kasing talino nina Sage at Eivel. Marunong naman akong umintindi!
Lagi kong sinusunod ang mga sinasabi nila sa akin pagdating sa paglalaro. Hindi ko kayang mag-isip nang mahirap katulad nila. Pero kaya kong gawin ang mga inuutos nila. Ang kailangan ko lang gawin ay isipin na nandito sila.
Muli akong napapikit. Inisip ko na kasama ko sina Eivel at Sage.
'Yo. Remember the hint.'
'Tsk! Basahin mo mabuti Kid! Nahulaan mo na 'yong una! Laging nasa hint ang sagot!'
Muli akong napamulat.
'Look at your left, Listen to your right. You either go up, or down here all night.'
Tinignan ko ang pader kung saan nakaukit ang mga numerong nakita namin.
Tinignan ko ang nasa kaliwa. . .
Ngayon, kailangan kong pakinggan ang nasa kanan.
Tinignan ko ang katapat na direksyon ng mga numerong nakita ko.
Sumalubong sa akin ang maliit na bintana. Kung saan nakikita namin ang mga paa ng mga naglalakad sa labas.
Kailangan ko silang pakinggan. . .
Nagtatakang napatingin sa akin ang mga kasama ko.
"What's matter, Kid?" marahang tanong ni Violet.
Napalunok ako nang malalim bago ituro ang bintana.
"H-Hindi ako sigurado. Pero mukhang 'yon ang tinutukoy ng clue na pakinggan natin."
Kumunot ang noo nila bago tumingin sa bintanang tinuturo ko.
Unti-unting namilog ang mga mata ni Violet nang mapagtanto ang gusto kong iparating. Mabilis siyang lumapit sa mga bakal upang marinig nang maayos ang mga nasa labas.
"Ken, ikaw ang pinakamatalas ang pandinig sa atin. Pakinggan mo mabuti. What kind of instruments are they using?"
Sinenyasan niya si Kenji na lumapit sa mga bakal. Mabilis na natauhan ang lalaking katabi ko at lumapit.
Hindi ko mapigilang mapahanga kay Violet.
Sinabi ko lang na pakinggan ang nasa bintana. Pero mabilis niyang napagtanto na ang mga instrumento ang tinutukoy sa hint.
"A-Ah, a flute, a. . . drum- no a tabla. . . cymbals, a xylophone? and a. . ."
"Harmonica."
Namilog ang mga mata ni Violet nang may napagtanto. Hindi lamang siya kung hindi pati na rin ang dalawa pa naming kasama ay natauhan.
Teka anong meron? Ako lang ang bobo rito.
Mabilis na bumalik si Violet sa tapat ng pader kung saan nakaukit ang mga numero.
Kunot noo akong humarap kay Kenji. "T-Teka, anong meron? Na-gets niyo na 'yong clue?"
Kumurba ang labi ni Kenji sa isang malawak na ngiti. "Oo! Napakagaling mo talaga Kid!"
"E-Eh? Paano?"
Nakangising lumapit si Kenji sa likod ni Violet.
"Kagaya ng sinabi mo, pakinggan namin ang nasa labas. Unang pumasok sa isip ni Violet ay ang mga musikero."
Itinuro ni Kenji ang mga numero. "The instruments and numbers have connections. Pwede mong ipalit ang mga numbers sa keys at tabs. Ang kaso,"
"May mga negative. Kahit saang tab mong tignan ay wala kang makikitang negative numbers."
"Unless, we're talking about a harmonica."
Doon ko nakita si Violet. Marahan itong nakapakit.
At umaakto siyang. . . tumutugtog ng isang harmonika.
"The positive numbers means blow, while the negative means breathe in."
Napaawang ang bibig ko habang nakatingin sa kanila.
Wala akong kaalam-alam doon. . .
Sinabi ko lang sa kanila ang naisip ko at madali nilang naisip kung ano mismo ang pinaparating ng clue, pati na rin ang sagot mismo.
Tumigil sa ginagawa niya si Violet at seryoso niya kaming tinignan.
"E."
"D."
"G."
"E."
"EDGE."
Mabilis na kumilos si Ced sa sinabi niya. Nilapitan nito ang lock at narinig namin ang pagbukas nito.
"Wah!!! Nice!" masiglang sambit ni Kenji.
Hindi kaagad ako naka-react dahil sa pagkabigla. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga nangyari dahil sa sobrang paghanga ko sa kanila.
Natauhan na lamang ako nang makaramdam ako ng paghawak sa balikat ko.
Sumalubong sa akin ang malawak na ngiti ni Violet.
"Thanks, Kid. You freaking did well."
Pilit akong ngumiti sa sinabi niya at napaiwas ako ng tingin.
"Hindi mo kailangang magpasalamat. Kayo pa rin ang nakasulba ng problema sa dulo."
"At isa pa, sinunod ko lang ang mga sasabihin ng mga kasama ko kung nandito sila."
Nagbago ang ekspresyon ko sa mukha. Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
Totoo naman. . . ito lang ang magagawa ko. Tutal, ito lang naman ang silbi ko-
"Idiot."
Natigilan ako sa pag-iisip sa sinabi ni Violet. Nabigla akong tumingin sa kaniya.
"E-Eyo?-"
Dinuro ng babaeng kaharap ko ang sintido ko.
"Idiot. Anong pinagsasabi mong sinusunod mo lang ang sasabihin nila? Eh wala nga sila rito. Ikaw lang ang nag-isip ng mga iyon."
"Hindi mo lang 'yon napagtanto kasi masyado mong minamaliit ang sarili mo."
Naiwang nakaawang ang bibig ko sa sinabi ni Violet. Nakasimangot niya akong dinaanan.
"Tsk, looks like your team was not just full of talks. No'ng hinamon niyo ang Game Master, seryoso nga talaga kayo."
"Hindi ba? Apakaya daya!" kumento ni Kenji.
"Mukhang mali ang sabi-sabi na ang anak ni Mister P ang may pinakamalaking chansang manalo sa larong ito," dagdag ni Ced.
Hindi ako nakasagot sa mga sinabi nila. Nanatiling nakataas ang dalawang kilay ko at hindi ako makapaniwala. May kung ano akong nararamdaman sa dibdib ko. . . mainit, pero magaan sa pakiramdam.
"Yahoo! What are you waiting for? Let's go and find your teammates!"
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top