13. First Piece
|| Sage ||
Prente akong sumandal sa sandalan at sumubo ng panibagong lollipop. Walang gana akong nakatingin sa babaeng kaharap ko na halatang balisa.
Paulit-ulit niyang iniikot ang baso ng champagne. She's also blinking 20-25 times per minute. Kadalingat ko ay sa ibang direksyon siya nakatingin. Her behavior forms a pattern. One of the signs when a person is guilty.
Unti-unting kumurba ang labi ko sa isang ngisi.
Checkmate.
-̵-̷-̷-̸-̶-̵ 3 days before -̵-̷-̷-̸
"So, anong plano?" marahang tanong sa amin ni Kid.
Seryoso akong tinignan ni Eivel. "Tell us the details. All of it."
Binanggit ko sa kanila ang mga nangyari nang makipaglaro ako sa Game General. Walang labis, walang kulang.
"It's pretty obvious na wala sa deck ang Old Maid," sambit ni Eivel nang matapos ako.
Just like what I've expected to the genius. Mabilis niyang napagtatanto ang mga nangyari.
"E-Eyo. Weh?!" hindi makapaniwalang sagot ni Kid.
"Pero paano 'yon?!" dagdag niya.
Huminga ako nang malalim. Masyado ngang risky ang paglalaro ng Old Maid. Kailangang masigurado ng Game General na mananalo siya.
"That's why we have to find out," sambit ko. Pareho kong tinapunan ng tingin ang mga kasama ko.
"Let the games begin."
Lumipas ng tatlong araw ang pakikipaglaro namin sa Game General. Nang muli kaming nagusap-usap ay napagsama-sama namin ang mga ideya namin.
Lahat kami ay iisang scenario ang naransan. Umpisa pa lang ng game ay walang nakakuha sa amin ng Old Maid. Which means Eivel is right.
Imposibleng sa lahat ng game namin ay nasa Game General na kaagad ang Old Maid. We played 5 times a day, for 3 days. That's 15 times, with a 50/50 chance. The probability of us getting the Old Maid is 1 out of 2, at least, 7 out of 15... yet, we had 0.
It only means, na umpisa pa lang ay nasa sa kaniya na ito at wala sa deck.
"Pero nangyari 'yon-ya? Wala naman siyang hawak-hawak na baraha bago magsimula ang laro-ya," kumento ng guinea pig.
"Wala ring ibang bagay o tao sa loob ng silid," dagdag ni Kid.
Nagkatinginan kami ni Eivel sa sinabi niya— parehong natauhan.
No.
Merong ibang tao sa loob ng VIP room. Wala siya roon sa umpisa. Pero kada matatapos na ang game ay dumarating siya.
"The guard," sambit ko.
Napagtagpi-tagpi na namin ang mga impormasyon. We are almost done with the puzzle. All we need is just one piece.
"Paano mabibigay ng guard ang Old Maid?" bulong ko sa sarili.
Pareho kaming nag-isip ni Eivel. Inalala ko ang naging unang laro namin ng Game General.
Hindi ako nagbigay pansin sa guard no'n dahil malapit ng matapos ang laro at malapit na rin akong matalo. Ang atensyon ko lamang ay nasa baraha.
Pero kung ibibigay 'yon ng guard nang deretso ay paniguradong mapapansin ko. It only means, na hindi halata ang pagbigay.
Pero paano?-
Natigilan ako nang mapagtanto ko kung ano ang hawak-hawak ng guard.
"Champagne," sabay naming sambit ni Eivel.
"That's it," muling dagdag niya.
Kumurba ang labi ko sa isang ngisi bago sumubo ng panibagong lollipop. Checkmate.
"Wah! Ang galing niyo!" masiglang bigkas ni Kid.
"Tsk. I told you. There's 0% chance that we will lose," sagot ni Eivel.
Hinawakan ko ang stick ng lollipop bago magsalita. "Tell me something I don't know."
Hindi na kami nahirapan pang magplano. Lalo na, na may genius kaming kasama. And of course, hindi na mahirap patumbahin ang guard na nagdadala ng champagne. Even though Kid is dense, he's still a master in taekwondo.
With that, we can defeat the Game General.
-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶
It was simple. If the the other players didn't give up easily, I'm sure they can also win and notice her trick, but she's not a professional for no reason, she knows how to play others' minds too.
But too bad, she should've tried harder on manipulating us. So, what are you going to do now, Queen of Spades?
"So? Nakaisip ka na ba ng idadahilan?" pagbasag ko sa katahimikan.
Napaismid ang babaeng kaharap ko at matalim akong tinignan.
"Fucking brats," iritadong sambit niya.
Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. I was slightly taken aback when she took something out of her bra. To my surprise, it's the chess piece we need— the rook.
Hinagis niya ito sa akin na kaagad kong sinalo.
"Fuck this." Napakamot siya sa ulo.
"Tsk. To be honest, hindi ko inaasahan na mabubuking ninyo ko. I guess I should've taken my friend's warning seriously," walang ganang sambit ng Game General. Her character, role, it changed in an instant.
To a cunning and confident woman, like a high class woman. . . to a short tempered one. Both are suitable characters to be a gambler in a game, but I like this character more.
"It's pretty normal to think of that. After all, you're gambler," sagot ko.
Napaismid ang babaeng kaharap ko at tinapunan ako ng tingin.
"Shut up, brat. Where are you planning to go next?" walang gana niyang tanong.
Inikot-ikot niya ang baso ng champagne na walang laman.
"I don't know. I guess, sa pinakamalapit na Game General dito. Hangga't maari ay gusto naming makakuha kaagad ng apat na pieces para ma-challenge ang Game Master."
Natawa sa sinabi ko ang Game General. "Freaking brats, walang makakatalo sa Game Master," she scoffed.
Nagbago ang ekspresyon niya at nag-isip siya nang malalim. "But hmm, the closest Game General here, huh?"
She think for a second before chuckling. "Well, I guess good luck." She showed her cunning grin once again. "The closest Game General here is the smartest Game General in the game. A.K.A the sphinx."
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Maigi ko siyang pinagmasdan. The sphinx, huh?
Umayos sa pagkakaupo ang babaeng kaharap ko at humarap sa akin. "Just a reminder, kung sa tingin ninyo ay kaya niyong talunin ang mga Game Generals dito ay nagkakamali kayo," seryosong sambit niya.
"You did manage to beat me. But the other Game Generals are different. Sineseryoso nila ang mga laro."
"If you loosen your defense just once, the generals will conquer you."
Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya at tumayo. I didn't look like it shook me at all, nor I give a shit. Nagsimula na 'kong maglakad papunta sa pintuan palabas.
"We're the challengers. We're the one who conquers," sagot ko.
Narinig ko ang pagtawa niya sa likod ko. Hindi pa 'ko tuluyang nakakaalis ay may pahabol siyang sinabi.
"Well, kayo ang unang mga batang nakatalo sa akin. . . so here's a little tip. The sphinx loves riddles. Tho, with a twist."
"Sa tingin mo ba, magagawa niyo siyang talunin, Game Prodigy?"
Natigilan ako sa paglalakad. With my hands are inside of my pockets, I slowly showed a smirk as I gave her a side glance.
"Well, we also have a genius on our team."
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top