11. Trick

|| Game General ||

A champagne glass on my hand, a dim room with huge monitors in front of me. I'm casually drinking champagne as I watch the brats arguing inside their suite. Hindi ko mapigilang matawa sa usapan nila. 

Iginagalaw-galaw ko ang basong hawak-hawak ko sa kanang kamay, habang nakasalumbaba sa kaliwa. Hindi rin nagtagal ay lumabas ang babae at nagsunuran na rin sila.

I slowly showed a grin, with a malicious look. Ang sarap talaga ng trabaho ko. I get paid to gamble, isama mo pa na nasisilayan ko ang mga mukha ng mga bata rito kapag napagtatanto nilang wala silang laban sa akin. 

Para sa akin ay tama ang naging desisyon nila. Mas mabuti pang maghanap na lang sila ng ibang Game General.

I plastered a smile on my face.

Hindi nila 'ko matatalo. When it comes to gambling, no one can beat me.

Nagpatuloy ako sa pagtingin sa mga monitors nang may pumasok sa silid ko. I gave him a side lookslightly irritated for spoiling my mood.

"Ma'am, a message from the Game Master's right hand," sambit ng guard nang tapunan ko siya ng tingin.

My mood changed once again in an instant. Mas lalong nadagdagan ang saya ko at mas lalong kumurba ang labi ko sa narinig. Nagmamadali akong lumapit sa guard at hinablot ang telepono.

"Ugh, bakit ang tagal mo 'kong tawagan, Lukas?" malambing na bati ko.

Narinig ko ang pag-ismid niya sa kabilang linya na mas kinatuwa ko pa. I really love it when he's irritated.

Si Lukas ang nagsisilbing kanang kamay ng Game Master. Tanging siya lamang ang nakakausap namin dito sa loob ng game. He's acting like the secretary on this game, more likea host.

"Shut up gambler, ayusin mo ang trabaho mo," seryoso niyang sagot.

I chuckled. Muli akong bumalik sa pagkakaupo at humigop ng champagne. "Magaling ako sa trabaho ko, hindi mo na kailangang sabihin nang paulit-ulit," natatawang ani ko.

Narinig ko ang pag-ismid niya sa kabilang linya bago muling magsalita. "Ang rook? Nasa sa 'yo pa?" pag-iiba ni Lukas.

"Of course, kagaya ng sinabi ko, magaling ako sa trabaho ko. Hindi nila ako matatalo," kampanteng sagot ko.

Muli kong tinapunan ng tingin ang mga monitor habang nakikipag-usap. "So? Iyon lang ang dahilan kung bakit ka napatawag?" 

I was caught off guard when the monitor screen changed. Nabigla ako nang may message na lumabas dito.

"Buksan mo," may tonong sambit ng lalaki sa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko bago buksan ang message. May apat na folder na sinend sa akin si Lukas.

"Ano 'to?"

Binuksan ko ang isa at bumungad sa akin ang mga impormasyon tungkol sa isang player.

"Mga players na kailangan mong seryosohin," seryosong sagot sa akin ng kausap ko.

The atmosphere suddenly changed. For no reason, I felt intimidated. Dahilan ng pagbago ng ekspresyon ko.

Binasa ko ang mga nakalagay sa unang folder.

Duke A. Valdez

Username: ProPlayer

18

Math Wizard

Ully Highschool

Binasa ko ang mga impormasyon sa kaniya at ang mga awards na nakuha niya. Naningkit ang mga mata ko habang nagbabasa. Hindi ko maitatangging kulang ang mga daliri ko sa paa at kamay sa pagbibilang ng mga nahakot niya.

He looks like he's not that type of nerd student, bagkus, mukha pa siyang hindi seryoso sa pag-aaral para sa 'kin. He looks like the type of basketball player/ flirty guy.

Nalipat ang tingin ko sa sumunod. Sunod kong binuksan ang pangalawang folder.

Lilac Violet C. Garcia

Username: I Love Purple

17

Professional Hacker

Saint Patrick Academy

Muling naningkit ang mga mata ko sa letrato ng babae. Hindi hamak na totoo nga ang username niya. Lahat ng gamit niya ay kulay violet. She even has purple highlights.

A hacker is a little bit troublesome. But for me who play with cards, I don't think it's a big deal.

Sunod kong tinignan ang pangatlo. Tila natigilan ako nang mamukhaan ko ang lalaki sa picture.

Sage D. Einstein

Username: Sage

17

Game Prodigy

Atonic University

Inalala ko kung saan ko nakita ang litrato at sumagi sa isipan ko ang lalaking nakalaro kanina. 

"A game prodigy?" sarkastikong bulong ko sa sarili. Hindi ko mapigilang matawa.

"Why are you laughing?" Rinig kong tanong ni Lukas nang marinig niya ang pagtawa ko.

"Nah, napansin ko lang na hindi naman problema ang mga batang pinapakita mo sa akin." Nakaukit ang labi ko sa isang ngisi.

Nawala tuloy ang tensyon sa silid at ang pagkakaba ko. Hindi ko na kailangang mabahala pa sa mga batang 'to. Lukas is overestimating them too much.

Huli kong binuksan ang pang-apat na folder. I literally stopped laughing when I read what's inside. Nawala ang ngisi ko sa labi nang makita ang pangalan ng huling player na sinend sa akin ni Lukas.

Code P. Astro

Username: Code

17

Game Master

Isaac University

Napalunok ako nang malalim. "T-This kid has the same surname as Mister P?" hindi makapaniwala kong sambit

And he's a Game Master?

"Yeah, I heard that he's Mister P's son. Sa lahat ng players dito ay ang team niya ang may pinakamalaking chansa na manalo," sagot sa akin ni Lukas.

Pilit akong tumawa sa sinabi niya. "Imposibleng mangyari 'yon. Unang-una sa lahat ay walang makatatalo sa Game Master, kahit nga sa mga Game General ay imposible kang manalo," kampanteng sambit ko.

Muling kumurba ang labi ko sa isang ngisi. Pilit kong inalis ang kaba na nararamdaman ko. I maintained my expression full of confidence. Iyong tatlong bata nga na kumalaban sa akin kanina ay sumuko rin kaagad. Wala akong dahilan para kabahan man lang.

"Iyan din ang akala ko no'ng una. Pero ang balita ko ay may dalawang chess pieces na sila ngayon."

In instant, my expression, full of confidence, disappeared. Nawala ang pagkurba ng labi ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.

"T-That's stupid! Kauumpisa pa lang ng laro!" 

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Lukas sa kabilang linya. "Kaya nga binabalaan na kita ngayon. 'Wag mo silang mamaliitin."

Napaismid ako sa sinabi niya. Iritado kong hinagis ang champagne glass na hawak-hawak ko. The noise from the glass that shattered filled the room. I bit my lower lipirritated.

Kahit sino pa ang itapat nila sa akin ay sigurado akong hindi nila ako matatalo.

I'm a professional gambler. No one can beat me.

Muli sana akong magsasalita nang may biglang pumasok ulit na guard sa silid ko. Iritado akong humarap dito.

"Can't you freaking see that I'm talking with-"

"They're here to challenge you in a game." 

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maunahan ako ng guard. Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko.

Napaismid ako bago magpaalam kay Lucas sa telepono. Inis akong tumayo sa upuan, hindi iniisip ang suot-suot o itsura ko.

"Go get me a new glass of champagne," malamig na ani ko nang lumabas ako sa silid.

Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad akong kumilos. Kunot noo akong pumunta sa lobby ng casino. Hindi ko inaasahan kung sino ang mga bumungad sa akin.

The brats from before.

"We're here to challenge you, Game General," sambit ng lalaking nakalaban ko kanina.

Wala itong ekspresyon at may subo-subo itong lollipop. 

Tumaas ang kanang kilay ko bago kumurba ang labi ko sa isang ngisi.

"Hah." I mockingly looked at them. "I thought that you already learned your lessons. Well, I don't really mind. I have plenty of time to spare." 

Nalipat ang atensyon ko nang humakbang papalapit sa akin ang babaeng kasama nila.

"This time, I will be your opponent," taas noong sambit niya.

I sipped my champagne glass before giving her a look.

"My pleasure little girl."

-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶

Nagsimula ang paglalaro namin. Kagaya nang una kong challenge ay Old Maid pa rin ang nilaro namin.

Kung na kanino ang Old Maid sa huli ay siya ang panalo.

I can't help but to smirk while looking at my opponent. Bakas sa mukha niya na sobra niyang pinag-iisipan ang laro. Iniikot-ikot ko ang champagne glass at umiinom dito kada minuto. I think that rather than blood, champagne is what running through my veins.

Nang kaunti na lang ang mga baraha namin pareho ay may pumasok na guard sa VIP room dala-dala ang champagne ko. To refill my now, empty glass. 

Nakakurba ang labi ko sa isang ngisi habang nilalagyan ang walang laman na baso ko. Sobrang nag-iisip ang babae.

 Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya ko matatalo-

"That's it. I give up. You won. Bye," biglaang sambit ng babaeng kalaro ko.

I was taken aback by what she said, dumbfounded. Natigil ako sa pag-iikot ng baso ko at napaawang ang bibig. Hindi ko namalayan na puno na ang baso ko.

"H-Huh?! We're not done yet!" giit ko.

Walang gana akong tinignan ng babae.

"Yeah. But I lost my interest now, you win," walang kaemo-emosyong niyang sagot sa akin.

"Didn't you tell us that we have unlimited chances? Well, we will use it freely. We too, have plenty of time to spare."

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top