1. "Game"

|| Eivel ||

3  D A Y S  B E F O R E

"Siya ba 'yon? Iyong student na nakakuha raw ng top score sa university?"

"Narinig ko kahit 'yong mga seniors walang binatbat sa kaniya."

"Puro libro siguro hawak niyan mula pagkabata kaya ganiyan."

A simulation theory says that we are not living in a true reality but in a simulated reality. We live in a matrix.

But it can not be true. Because we humans, are a natural creation. We ourselves are reality. There are things that are unnatural, and those are what we considered not reality.

Sunod-sunod ang mga bulungan ng mga estudyante sa paligid ko. Kalalabas lang ng results ng naging exam para sa lahat ng mga estudyanteng manlalahok. Mapa freshmen man o senior. And just like as what I've expected, I've got the highest score in the university. I knew that I'll be the only one who can answer the last logical question right.

Ako tuloy ang naging topic ng mga bulungan ng mga estudyante. Some of them were shocked and amazed, while the others have negative feedbacks— which is a natural feedback for individuals who are experiencing envy.

It's a fixed behavior of humans in response to a certain stimuli. Like how dogs bark when they don't know the person—and people talks about you when they're insecure.

I pity them. Imbeciles. Imbis bunganga ang paandarin nila bakit hindi na lang ang mga utak nila para naman magkasilbi. Their neurons are getting tired of receiving useless information.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang kinuha ko ito.

My eyes squinted when I saw the screen. I have a notification from an app called 'Game of Life'. Wala akong natatandaan na dinownload ko ang app na 'to. Agad ko itong inuninstall at nagpatuloy sa paglalakad. What a waste of time, I didn't think much of it, maybe it got automatically downloaded when I updated my phone.

Natapos ang klase at deretso akong umuwi sa bahay. Wala naman akong iba pang pupuntahan. I don't have any plans for today, which is always.

Nang makauwi ako sa bahay ay bumungad sa akin si dad, together with his girlfriend. As soon as I opened the door, my eyes were locked at their direction.

Wala akong kaemo-emosyong nakatingin sa kanila habang naglalampungan sila sa salas. Padabog kong sinara ang pinto. Pareho silang nahinto sa pinaggagawa nila.

"O-Oh! Eivel, nandiyan ka na pala. Hindi mo man lang kami binati," sambit ni dad nang mapansin ako nito. He faked a chuckle.

"Hello, dad," walang ganang bati ko rito. Tinapunan ko ng tingin ang babaeng kasama niya.

"And hello, mistress," dagdag ko.

Pareho silang natigilan sa sinabi ko. Bakas sa mukha ni dad ang pagkainis sa narinig. I remained standing in front of them, expressionless.

"Matalino ka nga, pero wala ka namang galang," iritado pero kalmadong sambit niya.

Kumurba ang labi ko sa isang ngisi. "And it's all thanks to mom. Paano kung nakuha ko 'to sa'yo? Wala na nga akong galang, mangmang pa," sagot ko.

Indeed, this is reality. We are completely enslaved to this world and our own senses. 

He didn't expect my answer. Umigting ang bagang ni dad sa sinabi ko. Akmang lalapit na siya sa akin nang pigilan siya ni Mira, ang girlfriend niya.

Napaismid na lamang ako bago iwan sila sa salas.

"Eivel! Hindi pa tayo tapos mag-usap!-"

Hindi ko pinakinggan ang tawag sa akin ng ama ko at pinagsaraduhan ko na siya ng pinto ng kwarto. I irritatingly removed my shoes and threw my bag. Napaismid ako at walang ganang nahiga sa kama. Malawak ang pagkabuka ng kamay ko habang nakatulala ako sa kisame. 

I heaved a sigh. Nalipat ang tingin ko sa bedside drawer ko.

But sometimes, I do think that my life is in a stimulation. I'm bound to continue this life of mine with what the universe made for me. Trapped in a prison created for me.

Pinagmasdan ko ang nag-iisang litrato sa akin ni mama sa kwarto ko. Pasimpleng humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Sa oras na makakuha ako ng scholarship, sa kaniya na 'ko sasama. Hindi ko na kailangan si dad para sa pag-aaral ko.

I'm going to leave this freaking house and live with her instead.

Katititig ko sa letrato ay hindi ko nalamayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako kinabukasan sa tunog ng alarm clock. I have plans today, it slipped my mind. 

Mabilis akong nag-ayos at lumabas ng kwarto. I wore a simple white shirt and denim jeans. Together with black converse shoes. 

Sinigurado kong wala na 'kong ibang makakasalubong at dere-deretso lang ako papunta sa pintuan palabas. Malapit na 'ko sa pintuan palabas nang minalas ako at nakasalubong ko ang girlfriend ni dad sa salas.

I secretly clicked my tongue. Jinx.

"O-Oh Eivel, may klase ka? hindi ba sabado ngayon, alam ko vacant ka ng sabado?" marahang tanong ni Mira sa akin.

Pasimple akong napangiwi nang magsalita siya. Wala akong kaemo-emosyong humarap sa kaniya. "I don't have class. May aasikasuhin lang ako," walang ganang sagot ko.

If we're in a matrix, Mira is bond to this. Her role as a homewrecker. 

Hinawakan ko ang doorknob pero bago ko ito ikutin ay may pahabol pang sinabi sa akin ang babaeng nasa gilid ko.

"U-Uhm, can I talk with you for a moment?"

I heaved a sigh. "I don't have time." 

Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin pero nagpumilit si Mira at hinawakan niya pa 'ko. Mabilis kong inalis ang kamay niya sa akin at iritado siyang tinapunan ng tingin.

"Tsk. Ano bang gusto mo?" iritadong tanong ko.

I don't have time to talk to her nor energy to waste. Hangga't maari ay ayokong nagkakaroon ng interaksyon sa 'ming dalawa.

Huminga nang malalim ang babaeng kaharap ko bago magsalita. "Look, I know you hate me. Hindi kita masisisi. I just want to tell you na parte na 'ko ng pamilya niyo. You're now my daughter. Alam kong isang mabuting ina si Elle sa'yo-"

"Don't mention my mom's name." 

Natigilan siya sa sinabi ko. I took a deep breath before looking at her, dead in the eye. "Look. The shit that I give about you and my dad is 0%. Don't call me your daughter. It's not my fault that you have problems with your cervix. Kung gusto mo ng anak mag-ampon ka-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makaramdam ako ng pagtama ng palad sa kaliwang pisngi ko. Nag-init ang pisngi ko, kabaliktaran ng ulo ko na nawala ang init at natauhan.

Nagpipigil ng luha si Mira sa sinabi ko. Nanginginig ang kamay nitong sumampal sa akin.

Reality. This is reality. I'm hurting, both physically and mentally. This is life.

Napakagat na lang ako sa babang labi ko sa reaksyon niya. Mabilis na natuhan si Mira sa ginawa niya. Balak pa sana niya akong lapitan at hawakan nang lumayo ako.

"W-Wait Eviel-"

Hindi ko na pinakinggan si Mira at agad akong lumabas ng bahay. Hindi ko inalintana ang hapdi ng kaliwa kong pisngi.

Looks like I went too far. 

Life can't be a matrix. It can't be a simulation. We humans have choices, we have freedom to decide and approach things, we are not programmed, we can make our own selection. Like how I decided to blame Mira for everything.

Alam kong mabait si Mira. Nakilala ko na siya noon pa bago maging sila ni dad. Isa siya sa mga kakonekyson niya sa kompanya. Alam ko ring malabo na si dad at mama bago pa nagkaroon ito nagkaroon ng iba.

Pero ayokong aminin sa sarili ko na matagal ng sira ang pamilya ko. Kaya sinisi ko ang lahat kay Mira. 

Napabuntong-hininga na lamang ako habang naglalakad. Deretso akong tumingin sa kalsada at isiniwalang bahala ko nangyari kanina. I don't have to worry about her nor my dad. . . ang tanging koneksyon lang namin lahat ay nakatira kami sa iisang bahay. Iyon lang at wala ng iba.

Pumunta ako sa school dala-dala ang mga papeles na kakailanganin ko. Mag-a-apply ako ng scholarship.

Nang makarating ako sa labas ng principal's office ay napaismid ako nang makitang napakahaba ng pila. Mukhang maghihintay pa 'ko rito buong araw.

Umupo ako sa bench at hindi ko mapigilang mabagot. Doon ko naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko.

Inakala kong si dad ito na nalaman na ang ginawa ko kaninang umaga, pero kumunot ang noo ko nang makitang isang notification ito galing sa app. I can see my own reflection in the screen, as well as a familiar app.

An app called 'Game of Life'.

Sa pagkakaalala ko ay inuninstall ko na ito kahapon. Paanong nandito na naman ito?

I was about to uninstall it once again but I stopped.

I wasn't forced to do it. It was my own choice. Like what I've said, life is reality, this is life, I have my own choices. I didn't think that this small decision, will lead into a bigger situation.

I guess because of my boredom, I opened the app.

That's when I started playing Game of Life.

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top