When Love Passes by

Limang taon na ang nakakalipas simula nung iniwan niya kami. Ngayon ako na ang nag mamanage ng kumpanya ni Papa. Ganun din ang mga barkada ko. Si Marjen naman mas lalong pinalaki at pinaganda ang kumpanya nila ni Mavi.

Napag desisyunan naming lima na mag kita dito sa school para alalahanin lahat ng mga magagandang nangyari sa amin ni Mavi.

Alas dose ng tanghali nung isa isa kaming dumating. Madaming nag bago sa amin, si Jeric kung dati siya ang pinaka malinaw ang mata sa amin, ngayon hindi ka na niya makikilala kung hindi siya naka salamin. May dalawang anak na rin etong tukmol na eto sina Jacob at Jayden. Grumaduate lang kami lumandi na agad siya at naka dalawa agad. Si Errol naman kakatapos lang ng kasal last week. Bestman ako nung araw na iyon. Ikinasal siya kay Ellaine, tignan mo nga naman. Talagang pag bobo ka dapat sa matatalino ka kakapit. Hindi ko alam na nililigawan pala ni Eroll si Ellaine nung nag aaral pa kami. Pero all goods, ngayon may anak na sila si Xhon. Si Ericson naman, stress na stress na ata sa buhay niya. Unti unti nang nauubusan ng buhok. Tuwing nag kikita kami lagi na siyang naka sumbrero. Pero kahit ganun yun naka hanap parin ng babaeng makakasama habang buhay. Si Marjen, hindi pa handang mag asawa, sabi niya i-improve niya yung kumpanya kapag handa na siya tsaka na daw siya mag aasawa. Ako eto, limang taon na pero nangungulila parin kay Mavi. Siya parin talaga ang hinahanap ng puso ko. Siguro nabuhay na lang ako para maging ninong ng mga anak ng mga barkada ko.

" Pre, dala mo ba?" Tanong ni Errol.

"Oo Pre." Sagot ko.

Umupo naman kami sa dati naming room at inayos ko na yung saksakan. Papanuorin namin yung video namin ni Mavi. Yung graduation video namin. Lahat kami naka tutok lang sa screen. Habang nag pla-play ang video hindi namin maiwasang hindi maiyak. Pare pareho kami ng nararamdaman. Miss na miss na naming lahat si Mavi.

Pag katapos naming nanuod, napag desisyunan naming kumain at bumili ng rosas. Limang taon na rin simula nung iniwan niya kami pero ngayon lang kami bibisita sa kaniya. Nung araw na nilibing siya yun lang yung araw na pumunta kami sa sementeryo. After nun, walang bumisita sa kaniya. Napag desisyunan naming harapin na si Mavi.

" Kinakabahan ako." Saad ni Marjen.

" Ako din." Isa isang sagot ng mga barkada ko. Lahat kami kabado. Ngayon lang namin mapapasyalan si Mavi.

Nung makarating na kami, nag tirik na rin kami ng kandila at nag latag nang uupuan. As usual, nag iwan ulit kami ng bakanteng space para kay Mavi.

" Naramdaman niyo ba iyon?" Tanong ko.

Tumango silang lahat. Humangin kasi, maligamgam yung hangin. Alam naming lahat na nandito si Mavi.

Tumagal din kami ng mahigit tatlong oras habang nag kwekwentuhan ng mga nangyari sa mga buhay namin. Paalis na kami nung biglang umulan, tumakbo kaming lahat sa gilid ng sementeryo para sumilong.

"Si--Si Mavi." Sigaw ni Jeric.

Lahat kami napa titig sa puntod niya. Nakita namin siya na naka ngiti at kinakawayan kami.

Naka titig lang ako sa mga ngiti niya nung bigla siyang nawala.

" Mavi, maraming salamat sa lahat!" Sigaw ko.

Naka ngiti kaming lahat habang kinakawayan din siya. Nung huminto na ang ulan bumalik kami sa puntod ni Mavi at taimtim na nag dasal. Sa huling pag kakataon, nakaramdam ako ng hangin sa pisngi ko. Marahil hinahalikan ako ni Mavi.

Hindi ko alam pero narinig ko ang boses niya sa tainga ko habang bumubulong ng mahal na mahal niya ako.

" Mahal na mahal din kita my Future EX." Saad ko.

Pagkatapos naming mag dasal ay isa isa na rin kaming nag paalam kay Mavi. Sumakay naman kaming lahat sa kaniya kaniya naming sasakyan at napag desisyunan ng umuwi.

Nasa kalagitnaan ako ng byahe nung biglang kumulog. Binuksan ko ang bintana at inilabas ang kamay ko, dinama ko ang tubig ng ulan.

" Buti na lang traffic." Bulong ko.

Bigla kong naalala yung unang araw na umulan na kasama ko si Mavi. Yung takot na takot siya. Ngayon masaya na siya kasi kasama na niya ang mahal niyang mga magulang.

" Jing!" Napa lingon ako nung may narinig akong sumigaw ng pangalan ko.

May nakita akong dalawang batang nag lalaro sa park.

" Jing, Mavi ano ba umuulan na! Diba sabi ko huwag kayong mag papaulan dahil mag kakasakit kayo?" Sigaw nung isang babae. Kung hindi ako nag kakamali teacher nila eto.

" Ma'am si Jing kasi inaasar ako." Saad nung batang kapangalan ni Mavi.

" Siguro gusto ka ni Jing kaya ka inaasar Mavi." Saad naman nung isang bata.

" Ang babata niyo pa kung ano ano nang pumapasok sa isipan niyo. Pumunta na kayo dito bago lumakas ang ulan."

" Opo Ma'am" Sigaw nila.

Bago nag lakad si Mavi tumitig muna siya sa gawi ko. Agad ko naman siyang nginitian at kinawayan. Kumaway naman siya pabalik at kinindatan ako.

Siguro hindi natuloy ang kwento namin ni Mavi pero nararamdaman kong may dalawang batang mag tutuloy neto sa tamang panahon at oras.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko.

Naging panadaliang ligaya namin ang isa't isa nung pareho kaming nasasaktan. Pero hindi eto rason para kalimutan ko siya.

Hinding hindi kita makakalimutan Mavi. Ikaw lang ang nag iisang mahal ko. You will always be my Past, Present and will always be my Future EX.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top