What I'm doing slow?
Imbes na mag sine napag desisyunan naming umuwi na lang sa apartment ni Mavi para mag inom. Linggo bukas kaya mas magandang mag lasing hanggang lahat kami ay mawala sa aming mga sarili.
Alas tres na ng hapon nung nakarating kami sa apartment ni Mavi. Tumigil muna kami sa grocery at namili ng mga lulutuing pagkain mamaya. Ang pangit namang tignan kung lahat ng gagamitin namin ay manggagaling kay Mavi at Marjen. Nag order ng Pizza, burgers at kung ano ano pang finger food si Errol. Namili naman ng mga alak si Eric at Jeric. Ewan ko sa tatlong tukmol na mga eto. Napaka galante kapag ibang tao ang kasama.
Naka upo ako ngayon dito sa may terrace habang hinihithit ko ang sigarilyo.
" Oppa." Sigaw ni Mavi. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Hindi ko alam kung naririnig ba ni Mavi.
Sobrang tagal na simula nung narinig kong tinawag niya ako neto.
" Ano yon?" Tanong ko.
" Wala. Mamaya ko na sasabihin." Saad niya at umupo sa tabi ko. Hinila ko naman siya sa baywang para mas lumapit siya sa akin.
" Salamat." Saad ko.
"Para saan?" Tanong niya.
" Salamat dahil nakita kitang muli. Akala ko hinding hindi na kita makikita. Ilang taon din tayong nawalay sa isa't isa."
" Jing, salamat din dahil nakilala at nakita kitang muli. Akala ko talaga, yun na yung una at huling pag kikita natin," Saad niya.
Tumitig naman ako sa kaniya.
" Mavi, kung magiging handa tayo ----" Napatigil ako sa pag sasalita nung umeksena si Jeric.
" --ako gusto ko maging Lumpiang shanghai." Saad niya at hinawakan ako sa balikat.
" Ikaw Mavi, kung magiging handa kayo. Ano ka?" Tanong niya.
" Pansit. Para long life." Sagot naman ni Mavi at sabay silang tumawa.
" Tara na sa loob kain na tayo. Anjan na yung Pizza." Dagdag pa ni Jeric.
" Sunod kami. Panira ka ng moment." Saad ni Mavi at itinulak papasok si Jeric.
Bumalik naman siya sa kinauupuan niya. " Ano na yung tinatanong mo?" Tanong niya.
" Wala. Tara na sa loob." Saad ko at tumayo. Mag lalakad na sana ako nung biglang hinila ni Mavi ang kamay ko.
" Kung magiging handa tayo. Gusto ko maging kubyertos. Kutsara ka tapos tinidor ako. Hindi tayo mapag hihiwalay ng kahit sino. Pwede tayong maipares sa iba, pero dahil meron tayong sariling tatak. Tayo parin ang mag sasama." Saad niya.
" Kidding aside, kung magiging handa tayong dalawa. Jing, sana handa ka ring tanggapin ang mundo. Kasi ako bata pa lang ako natanggap ko nang mapang husga ang mundo. Una mong tanggapin ay ang sarili mo, kapag natanggap mo na kung sino at ano kang talaga, isunod mong tanggapin ang mundo. Yung mga taong naka palibot sa iyo, yung mapang alipustang mga mata at yung mga nakamamatay na mga masasakit sa salita. Kapag natanggap mo na iyong mga iyon tsaka mo ako balikan, tsaka mo ako muling tanungin kung ' handa na ba tayo?' Kasi ako handa ako. Handang handa, ikaw lang ang iniisip ko. Ayoko namang maipit ka sa isang sitwasyong papipiliin ka kung ako ba o ang sarili mong kaligayahan. Ayokong maging rason para masira ka. Gusto ko kapag handa ka na, ako yung magiging rason kung bakit ka babangon ng masaya tuwing umaga at higit sa lahat. Gusto ko ako yung magiging rason kung bakit excited kang uuwi sa gabi." Dagdag pa niya.
Tumayo naman siya at tinapik ang balikat ko.
" Handang handa akong tanggapin ka." Bulong niya sa tainga ko bago tuluyang pumasok sa loob ng apartment.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.
" Jing," Sigaw ni Marjen.
" Ano yon?" Tanong ko.
" Pwede bang pasama? Bibili lang ako ng yelo tsaka ice cream." Saad niya.
Napansin ko lang, tuwing inuman hindi nawawala ang ice cream sa kanila ni Mavi.
" Sige." Sagot ko at kinuha yung jacket sa upuan.
Nag paalam naman kami bago lumabas sa apartment.
Nag lalakad lang kami ni Marjen nung bigla siyang nag tanong.
" Jing, May tanong ako. Okay lang kung hindi mo sasagutin." Paninimula niya.
" Basta kaya kong sagutin. Sige." Saad ko.
" Gaano mo na kakilala si Mavi?" Tanong niya.
" Kung ikukumpara sa pagkaka kilala mo. Malayong malayo. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang mga paborito niya. Kung ano ang mag at nag papasaya sa kaniya. Sobrang dami pang mga bagay ang kailangan kong malaman tungkol sa kaniya bago ko masabi na kilalalang kilala ko na siya." Saad ko.
" Uhhmm."
" Bakit?" Tanong ko pabalik.
" Gusto ko lang malaman mo na, iba si Mavi sa mga taong nakilala mo. Si Accla yung tipo ng tao na kapag may problema ka. Kahit gaano kahirap, sabihan mo lang siya. Gagawan niya agad ng paraan. Bestfriend ko si Mavi. Sa tagal naming magka kilala. Alam ko na ang ugali niya. Alam ko na kung naiinis siya sa isang tao. Alam ko na kung may gusto siya sa isang tao at higit sa lahat alam ko na mahal na mahal ka niya."
Napa tigil ako sa pag lalakad.
" Ano yon?" Tanong ko pabalik.
" Dati laging late nagigising si Mavi. Lagi kasi siyang may napapanaginipang lalaki. Tapos nung nakilala ka niya, nag bago lahat. Hindi na siya late nagigising, hindi na niya nakwekwento yung lalaking napapanaginipan niya. Sa tingin ko, ikaw yung lalaking iyon. Ikaw yung lalaking napapanaginipan niya. Ang gusto ko lang mangyari Jing. Yun yung mapasaya mo si Mavi. Madami siyang pinag daanang pangit na nakaraan. Sobrang dilim ng naging nakaraan niya. Gusto ko ikaw yung magiging liwanag ng best friend ko. Sana, dahil nakilala ka na niya. Sana, huwag nang bumalik yung mga bangungot niya." Saad ni Marjen bago tuluyang pumasok sa convenience store.
Naka tayo parin ako habang iniisip ang mga katagang binitawan ni Marjen.
"Ikaw yung lalaking napapanaginipan niya"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba ako kasi napapanaginipan ako ni Mavi or matatakot ako kasi hindi ko alam kung paano ko siya pasasayahin.
Nabalik ako sa realidad nung itinapat ni Marjen yung ice cream sa pisngi ko.
" Tara na." Saad niya. Kinuha ko naman yung mga bitbit niya at nag lakad na kami pabalik sa apartment nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top