Video shoot
Nagising ako sa tawag ni Jeric. Umagang umaga iniistorbo ako.
" Ano yon pre?" Tanong ko habang nag uunat.
" Anong oras yung shoot niyo ngayon?" Tanong niya.
" 9:30 ng umaga. Bakit?" Tanong ko pabalik.
"Ah. Ang aga naman."
"Oo nga eh. Akala ko hapon para may sunset."
"Uhmm. So anong oras na?"
" 10 AM."
" Ahh. 10 AM na." Sarkastiko niyang sagot.
" Oo bakit. Alas dyes na ng uma-- Putang ina. Alas dyes na ng umaga!" Napa balikwas ako sa kama.
"Oo Tol. Alas Dyes na ng umaga. Ikaw na lang wala dito sa campus." Saad niya.
" Eh bakit hindi mo agad sinabi. Andami mo pang tinanong!" Saad ko.
" Ang slow mo kasi. Anong sasabihin ko sa kanila dito?"
" Ako na bahala. Mag order ka muna ng pang lunch para sa lahat. Sabihin mo on the way na ako." Sagot ko at agarang pinatay ang call.
Agad akong bumaba sa kama at dumerecho sa CR para maligo. Buti na lang pala na plantsa ko na yung uniporme na gagamitin ko para sa video shoot ngayon. Mabilisan lang akong naligo. Pag katapos nag bihis na rin ako. Sa kotse na lang ako mag aayos.
Pag katapos ko mag bihis. Lumabas na ako ng kwarto at tinawag si Papa para mag pahatid sa school. I know how to drive. Kaso need ko mag ayos, kaya instead of driving I chose na ihatid na lang ako ni Papa.
Naka sakay na ako sa shotgun seat habang inaantay si Papa.
Kinuha ko ang wax sa bag at inayos ko na din ang buhok ko.
"Oh. Bakit parang habol na habol ka sa oras Jing? Anong meron? Mukhang may natitipuan ka na sa school niyo ah?" Pang aasar ni Papa habang pinapaandar ang sasakyan.
" Hindi. Meron kasing event sa school ako yung napiling mag represent. Dapat 9:30 mag uumpisa, kaso late ako nagising kaya dito na ako mag aayos. Pa, ayos lang ba yung buhok ko?" Tanong ko habang sinusuklay pataas yung bangs ko.
Tinitigan ni Papa ng maigi yung itsura ko bago nag salita.
" Mas maganda kung naka bangs ka anak. Sakto naka eye glasses ka pa. Mas nakaka attract yung lalaking may bangs tas naka salamin." Saad niya.
"Huh?" Tanong ko.
" Ganiyan ko nakuha ang loob ng Mama mo." Dagdag pa niya.
Naalala ko tuloy yung kwento ni Papa na mukha siyang nerd nerd nung high school tapos si Mama yung lagi niyang kasama hanggang isang araw na develop na lang sila sa isa't isa. Nakita ko rin ang larawan ni Papa dati. Halos mag kahawig kami. Malabo din ang mata niya kaya lagi siyang naka salamin.
"Kaso Pa. Sa loob lang naman ako ng classroom nag sasalamin. Pag nasa labas ako hindi ko naman sinusuot."
" Amina ayusan kita anak." Saad niya at humarap sa akin.
" Pa. Late na ako." Pag mamaktol ko.
"Oh ano naman? Late ka na, kahit bilisan ko ang pag mamaneho anak. Late ka na rin lang." Pag papaliwanag niya.
Itinigil niya ang makina at humarap sa akin. Kinuha niya ang suklay na hawak ko at inumpisahang ayusin ang buhok ko.
" Alam mo ba nung kabataan ko. Ako ang taga ayos ng Mama mo. Ako taga tali ng buhok niya. Taga lagay ng lip stick sa labi niya. Akala nga nilang lahat bakla ako nuon eh. Hindi lang kasi nila alam na lumaki ako kasama ang lola mo. Lola's boy ika nga nila. Tsaka tandaan mo anak. Mas magandang tignan yung lalaking mukhang feminine kaysa sa lalaking siga at matapang."
" Bakit naman Pa?"
" Kasi yung mga feminine na lalaki sila talaga yung tunay na mapag kakatiwalaan. Yung mga lalaking sigang umasta. Yun yung puro hangin lang ang laman ng utak."
"Eh diba pag feminine yung lalaki, iisipin nilang bakla sila?"
" Oo. Pwedeng isipin ng ibang tao na bakla sila. Pero that doesn't mean na bakla na talaga sila. May mga feminine na lalaki na malambot kumilos pero yung puso nila mas matigas pa sa bato. May mga feminine na lalaki na galawgaw pero pag nakilala mo. Mas masasabi mong sila ang tunay na lalaki. Kasi minsan kaya sila nagiging feminine dahil kagaya ko lumaki sila sa either Mother's love or sa Lola nila. Mas maiintindihin din ang mga feminine na lalaki kasi mas mabilis nilang mabasa ang kilos ng isang tao. Yung mga feminine na lalaki anak. Sila yung taong mahilig kumilatis ng tao gamit ang mga tingin nila. Hindi porke feminine ka na eh bakla ka na. Huwag na huwag mong iisipin iyon anak." Pag papaliwanag niya. " Oh ayan tapos na. Suotin mo na lang yung eye glasses mo."
" Salamat Pa." Saad ko at sinuot ang eye glasses ko. Tumingin din ako sa salamin sa front seat.
Hindi ko namukhaan yung sarili ko. Oo buhok lang ang inayos ni Papa pero ibang iba yung naging itsura ko.
Inumpisahan na ring pinaandar ni Papa ang makina ng sasakyan at minaneho papunta sa eskwelahan.
Sa bawat araw na dumadaan unti unti kong nakikilala si Papa. Mas marami akong nalalaman tungkol sa kaniya na hindi niya naikwento nung bata pa ako. Minsan nga yayayain ko ng inuman si Papa. Siguro madami pa siyang kwentong gusto sabihin.
Pag dating namin sa school nag paalam na agad ako pero bago pumasok sa gate tinawag muna ako ni Papa.
" Jing! Galingan mo jan. Kahit anong mangyari alam mong proud na proud ako sa iyo." Saad niya.
Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam ng takot. Nginitian ko na lang siya at dumerecho na papasok sa loob ng campus.
Hindi ako mapakali, hindi ko alam pero may bumabagabag sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa office ng teacher ko kung saan gaganapin ang video shoot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top