Throwback
" Mahal, ilang santo pa ba ang kailangan nating dasalan para maka buo na tayo ng anak? Tumatanda na tayong dalawa."
"Manalig lang tayo sa kaniya. Sa tamang oras at panahon makakabuo rin tayo. Maniwala lang tayo sa milagro mahal."
" Kwento sa akin ng papa ko na mahigit limang taon bago nila ako nabuo. Dati lagi raw silang nag sisimba nang hihingi ng tulong para magka anak sila. Akala ni Papa pareho silang may problema ni Mama kaya hindi sila nakakabuo ng bata. Pero isang araw nung bumisita sila sa ospital dun nila nalaman na buntis si Mama. Isang milagro daw ang nangyari kaya tuwang tuwa sila nung nalaman nilang naka buo sila at ako iyon. Sobrang hirap ng pinag daanan ni Mama nung ipinag bubuntis niya ako. Meron yung araw na muntikan daw akong na laglag sa sinapupunan ni Mama dahil nadulas siya habang nag lalakad sa bahay. Pero sa awa ng Diyos makapit daw ako. Laging sinasabi sa akin ni Papa na isa akong milagro. Ka buwanan na ni Mama nung naaksidente siya. Nabangga siya ng sasakyan. Nasa ospital si Mama at kailangan agad akong ilabas sa sinapupunan niya. Nag hihingalo si Mama nuong araw na iyon. Pinapili si Papa kung sino ang ililigtas. Kung ako ba O si Mama. Sabi sa akin ni Papa, bago nawala sa amin si Mama napag usapan nila na kahit anong mangyari ako ang uunahin, na ako ang ililigtas dahil ang tagal nila akong inantay. Kaya nung araw na ipinanganak ako, yun din yung araw na namatay ang Mama ko. Tuwing birthday ko nga, hindi namin alam ni Papa kung mag cecelebrate kami ng birthday ko o mag luluksa sa pag kamatay ng Mama ko. 10 years old ako nung una akong nakaranas ng birthday na may handaan sa bahay. Sabi sa akin ni Papa. Kailangan na naming mag move forward sa pag kamatay ni Mama. Una naming ginawa ay yung pag cecelebrate ng birthday ko. Iyan ang first step namin sa pag momove on hanggang na sanay na kaming dalawa na taon taong nag cecelebrate ng birthday ko. Isa akong patunay na may miracles. Kaya nung naaksidente si Papa, hindi ko alam ang gagawin ko nuong araw na iyon. Hindi kasi pwedeng pati siya au iiwan ako. Hindi ko kakayanin. Mahal na mahal ko ang Papa ko." Saad ko.
" Sorry." Saad ni Mavi at hinawakan ang kamay ko.
" Sorry saan?" Tanong ko.
" Sorry hindi ko alam na ganiyan pala ang pinag daanan mo. Pasensya na." Saad pa niya.
" Okay lang, ano ka ba. Kaya nga tayo nandito para makilala ang isa't isa. Tsaka matagal na iyon. Ngayon kasi tanggap ko na. Tanggap na namin ni Papa." Saad ko at nginitian siya.
"Ikaw anong kwento mo?" Tanong ko.
" Ako, galing ako sa broken family. Si Papa din yung lagi kong kasama. Si Mama kasi sumama sa mayamang Amerikano. Mahirap lang kami dati. Halos isang kain lang kami sa isang araw. Si Papa nag tratrabaho dati sa isang maliit na kumpanya ng mga makina ng sasakyan. Bata pa lang ako nung naranasan kong mag trabaho sa palengke, nag bebenta ako ng gulay. Nag bebenta ako ng mga laruang pang bata. Alam niyo yung pakiramdam na gustong gusto mong laruin yung mga laruan pero hindi pwede. Kapag may mag inang bumibili sa akin ng mga laruan naiinggit ako. Bakit? Kasi una may Nanay siya pangalawa, may laruan siya. Sabi ko dati sa sarili ko na kapag nagka pera ako bibili rin ako ng laruan para may malaro ako sa bahay. Pero tuwing nag kakapera ako, bigla ko na lang naisip na mas importateng ipunin ko yung pera kaysa igastos kung saan saan. Maraming mga bagay akong natutunan. Natuto akong mag tipid, natuto akong intindihin ang sitwasyon namin ni Papa. Habang lumalaki ako mas lalo kong nararamdaman ang hirap ng buhay. Isang gabi umiiyak na lang ako kasi bakit wala ako ng meron ang ibang mga bata. Isang buong gabi mag kukulong ako sa kwarto ko at iiyak hanggang maka tulog ako. Sa kaiiyak ko, mas lalo akong naging malakas at matatag na tao. Mas lalo kong pinag butihan ang pag aaral at pag tratrabaho kasi alam ko na ito ang magiging instrumento para guminhawa ang buhay namin ni Papa. Hanggang isang araw na promote si Papa. Simula nun unti unting guminhawa ang buhay namin hanggang sa eto na, nag karoon na kami ng sarili naming company. Masasabi ko talaga na kapag nag sumikap ka mas maganda yung magiging kapalit neto." Saad ni Mavi.
" So miracles exists?" Tanong ko pabalik.
" It's not miracle it's a blessing." Ika niya.
" Huh? Hindi ba pareho lang iyon?" Naguguluhang tanong ni Jeric.
" At some people siguro. But for me, A miracle is an extraordinary event manifesting divine intervention in human affairs. While blessing naman ay to express a blessing is like bestowing a wish on someone that they experience the favor of God, and to acknowledge God as the source of all blessings. In short, yung blessings eto yung binigay ni God kasi nag hirap ka. Nakita niyang nag pursige ka sa buhay. Samantalang ang Milagro naman eto yung nasa loob ng isang tao, nabuo na sa utak at puso nila na may milagro kapag nag tiwala sila." Saad niya.
" Ang lalim na nang usapan ah. Change topic." Pang babara ni Marjen.
Naka ilang alak na din kami, halos hindi ko na mabilang kung ilang bote na ang naitumba namin.
" Kaya Jing, yung activity sa school yun na ang huling sasalihan ko. Malapit na tayong grumaduate. Matutupad ko na rin ang isa sa mga pangarap namin ni Papa. " Saad ni Mavi.
Madaming tao ang mag sasabi na mababaw lang ang mga pinag daanan namin sa buhay. Pero para sa akin napaka lalim neto. Sa sobrang lalim nga hindi na namin alam kung paano pa kami makaka angat pabalik sa itaas. Pero tama si Mavi. Kapag nanalig tayo sa taas, walang imposible. Lahat ng mga bagay may magandang kapalit kapag nag pursige tayo.
The challenges we had are proof that we can be able to stand on our feet.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top