Tama ang Mali
Tama si Marjen, mahirap silang patumbahin sa inuman. Nag yaya akong mag sigarilyo. Pag katapos naming mag yosi, napag desisyunan naming matulog. Alas tres na rin ng madaling araw. Mag katabi kami ni Jeric sa kwarto ni Mavi samantalang sa kabilang kwarto naman natulog sina Errol at Eric. Si Mavi at Aizel naman natulog na sa kwarto ni Aizel. Naka higa na kami ni Jeric nung bigla siyang nag tanong.
" Tol, paano kung bigla kang mahulog kay Mavi?"
" Magiging masama bang tignan kapag nangyari iyon tol?" Tanong ko pabalik.
" Sa mata naming mga kaibigan mo, hindi naman magiging masama. Kaso sa mata ng mundo. Sa mga taong naka paligid sa iyo. Dun mo nalang ibase." Saad niya.
" Pero 2022 na. Madami na ngang taong tumatanggap sa LGBTQ eh." Saad ko.
" Iyon na nga tol. Oo masasabi nating new generation na eto. Kahit sabihin natin na tanggap ka nila, hindi mo parin masasabi kung totoo ba yung pinapakita nila sa iyo. Kung totoong tanggap ka nila O nag papanggap lang sila. Kaya ang masasabi ko na lang, kilatisin mo lahat ng taong naka paligid sa iyo. Kilalanin mo sila ng lubusan bago mo ipaalam kung ano at kung sino ka talaga."Saad niya.
" Matulog na tayo, maaga pa kayong mag shoshooting bukas." Dagdag pa niya.
Hindi ko alam, naka dami naman kami ng alak kanina pero hindi ko ramdam na lasing ako. Hindi ako inaantok. Napag desisyunan kong tumayo sa kama at pumunta sa terrace para mag pahangin. Nag lalakad na ako nung nakita ko si Mavi na naka upo habang nag sisigarilyo.
" Mavi, bakit gising ka pa?" Tanong ko.
Lumingon naman siya bago nag salita. " Ewan, hindi pa ako dinadalaw ng antok eh, ikaw ba?" Tanong niya.
" Ganun din. Hindi din ako inaantok." Sagot ko at umupo sa tabi niya.
Naka upo lang kami habang naka titig sa maaliwalas na kalangitan.
" Alam mo Jing. Narealize ko, minsan pala tama ring maging mali no?" Tanong niya. Naka titig parin siya sa kalangitan.
" Huh? Paano mo nasabi na tama ang mali?" Tanong ko pabalik.
Tumitig naman siya sa akin at ngumiti. Inabutan niya din ako ng isang stick ng yosi. Huminga muna siya ng malalim bago muling nag salita.
" Minsan tama ang mali. Alam mo yung Mali ka ng ginawa sa buhay pero narealize mo na tama lang pala na nag kamali ka ng desisyon. Kasi yung pag kakamaling iyon yung naging daan para malaman mo ang katotohanan. Kagaya nung nadapa ka sa harapan ko sa school field. Alam kong mali yung ginagawa ko na nag panggap na nag propropose ka, ginamit kita nung araw na iyon. Isa iyon sa maling nagawa ko pero naging tama sa paningin ko. Naging tama ang pag kakamaling iyon dahil naging daan eto para mag kakilala tayo. Para maging mag kaibigan tayo."
Bigla kong naalala yung araw na pinulot ko yung singsing. Tama nga si Mavi isa iyon sa pag kakamaling naging tama at bumago sa amin.
Hinawakan ko ng bahagya ang kamay niya. Naramdaman ko kung paano siya nagulat.
" Tara na sa loob malamig na. Kailangan din nating mag pahinga kasi may activity pa tayong gagawin mamaya." Saad ko.
Pumasok kami sa kaniya kaniya naming kwarto at humiga na.
" Saan ka galing?" Tanong ni Jeric pagka higa ko sa kama.
" Nag pahangin." Saad ko at ipinikit na rin ang mga mata ko.
Nagising ako nung marinig kong nag alarm ang cellphone ni Jeric.
"Tol! Shet late na kayo ni Mavi." Sigaw niya habang pinapatay ang alarm.
Agad akong napabalikwas sa kama.
" A--anong oras na ba?" Tanong ko.
" Alas nwebe." Sagot niya.
"Shet."
Agad agad naman kaming lumabas sa kwarto. Eksaktong nakita namin si Marjen na nag preprepare ng breakfast.
"Si Mavi?" Tanong ko.
"Naliligo. Bakit ang aga niyong nagising?" Tanong niya.
"Yung video shoot diba mag start ng alas otso?" Tanong ko.
"Ah. Tumawag kanina si Ellaine, sabi niya move ng 11." Saad naman niya.
Naka hinga ako ng maluwag. " Sila Errol at Eric, tulog pa?" Tanong ko.
" Lumabas, nag pabili ako ng hotdog. Sabi ni Errol hindi ka daw nag brebreakfast kapag hindi hotdog ang ulam."
"Ano? Walang hiya dinamay pa ako. Kahit anong pagkain kinakain ko. Favourite breakfast kasi ni Errol ang hotdog." Pag papaliwanag ko.
" Ganun ba?" Haha. Upo muna kayo may kape na jan."
Nag lakad naman kami ni Jeric palapit sa lamesa para mag kape. Busy kaming hinihigop yung kape nung sumigaw si Mavi mula sa CR.
" Accla, naiwan ko yung twalya. Paki kuha nga." Saad niya.
" Wait baka masunog tong niluluto ko." Sagot ni Marjen.
" Saan ba naka lagay, ako na kukuha." Saad ko naman.
" Dun sa kwarto naka sabit sa may malapit sa bintana."
Nag lakad ako papasok sa kwarto ni Marjen. Kinuha ko na yung twalya nung may nakita ako na pamilyar na bagay na naka patong sa lamesa. Lalapit sana ako para hawakan nung narinig kong sumigaw si Marjen.
" Jing, nakita mo ba?"
" Ah, oo. Palabas na." Sagot ko.
Habang nag lalakad palabas ng kwarto hindi pa rin mawala sa isipan ko yung panyo na nasa lamesa. Alam ko na iyon yung panyong binigay ko sa isang batang nakilala ko sa park nung 7 years old ako. Alam ko na akin iyon dahil yung pangalan na naka ukit duon ay nickname ko na siya lang ang nakaka alam.
Kung hindi ako nag kakamali si Marjen yung kababata ko? Hindi ko na maalala kung babae ba yung kababata kong iyon O lalaki.
Pag katapos ko iabot kay Mavi yung twalya bumalik na agad ako sa harap ng lamesa para mag kape. Mag sasalita pa sana ako nung biglang pumasok si Eric at Errol dala dala yung hotdog at ice cream.
" Good Morning." Bati nilang pareho.
Naka tunganga lang ako. Hindi parin mawala sa isipan ko yung nakita ko.
"Tol okay ka lang ba? Bakit namumutla ka?" Tanong ni Errol.
"Huh? Oo, kasi ano--" Natahimik ako nung lumabas si Mavi sa CR naka balot sa bewang niya yung twalya. Nakita namin yung sugat sa dibdib niya.
" Mavi, san mo nakuha iyang sugat sa dibdib mo?" Sigaw ko.
" Eto ba? Nung bata kasi ako nag lalaro ako sa park, tapos nahulog ako sa swing. Dun ko ito nakuha." Saad niya.
Hindi ako maka paniwala na sa tagal tagal kong inantay. Si Mavi pala yung kababata ko na matagal ko nang hinahanap. Si Mavi yung kababata ko na inabutan ko ng panyo nung dumudugo ang dibdib niya. Si-- Si Mavi yung taong una kong nakilala nung mga araw na malungkot ako.
" Oppa?" Saad ko. Agad naman siyang napa tingin sa akin. Alam ko na alam niya kung ano ang ibig kong sabihin.
Naka tingin lang sa amin ang mga barkada ko. Alam nilang tatlo ang ibig sabihin neto.
" Ano yon?" Tanong ni Mavi.
"Op--oppa." Saad ko.
"Ba--bakit alam mo yan?" Tanong ni Mavi habang nag lalakad papalapit sa akin.
" Naaalala mo pa ba ako?" Tanong ko pabalik.
" Huwag mo sabihing ik--ikaw si--" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya nung bigla akong tumakbo at niyakap siya ng mahigpit.
"Oo, ako to. Ako yung batang kalaro mo sa park. Ako yung nag iisang batang tinawag mong OPPA sa harap ng maraming tao. Ako yung batang naka sama mo nung araw na nahulog ka sa swing. " Saad ko. Mag kayakap parin kaming dalawa.
" Jing, so si Mavi yung kwinikwento mo sa amin na nawawala mong kaibigan?" Tanong ni Eric.
"Oo tol."
"Paano mo nalaman na ako to?" Tanong ni Mavi.
" Nakita ko kasi yung panyo sa table ni Marjen kanina. Tapos iyang sugat mo." Sagot ko. Nararamdaman ko na rin na malapit ng tumulo mga luha sa mata ko.
" Ang tagal kitang hinanap. Sobrang tagal. Hindi ko inakala na mag kikita tayong muli." Saad ko.
" Ako din. Akala ko wala ka na." Sagot ni Mavi.
Tama siya. Blessing nga yung pag kakadapa ko. Yung pag kakakilala namin. Naging tulay eto upang mag kita kaming muli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top