Proposal

Jing

" Gago tol malalate na ako, mamaya na kita kakausapin." Sagot ko at agarang pinatay ang phone. Patakbo na din ako papuntang room nung bigla akong natalisod.

"Nakakahiya" Bulong ko, patayo na sana ako nung may naaaninag akong kumikinang sa lupa, dahan dahan ko itong pinulot at itinaas. Nagulat ako nung may lalaking naka tayo sa harapan ko.

Hindi ako nag propropose, wala akong balak gawin eto pero nagulat ako nung nag hiyawan mga tao sa paligid namin.

Naka titig lang ako sa anino sa harapan ko. Agad naman siyang lumapit at inabot kamay ko para tumayo. Patayo na sana ako nung dumaan ang president namin sa room.

Pucha, ang pangit ng entrada ko.

Pag katapos kaming kausapin ni Athena nag lakad naman kami papuntang canteen. Hindi ko talaga alam ang nangyayari, bakit ko pa kasi pinulot yung singsing na iyon. Ayan tuloy instant celebrity ako tapos ngayon engaged pa. Walang hiyang buhay to.

Nag sasalita lang si Mavi habang ako naka tunganga lang, inaantay tumunog ang bell para pumunta na kami sa room namin.

"Jing hoi, kelan kasal?" Nagulat ako nung biglang inangkla ni Eric yung braso niya sa balikat ko.

Mag sasalita pa sana ako nung biglang sumulpot si Errol at Jeric sa tabi ko habang tumatawa.

" Tol bestman kami ha." Sagot ni Errol.

"Gago tol, aksidente kasi yon. Tangenang singsing kasi yan bakit ko pa pinulot eh." Sagot ko habang kinakamot batok ko.

Dito sa school ang tawag sa amin BOF or Best of Four. Kami kasi yung group of friends na habulin. Habulin ng teacher at guidance office.

Nag lalakad kaming apat papasok sa room namin nung bigla kong nakita si Mavi na pumasok sa room.

" Siya yung bride mo diba?" Pang assar ni Jeric.

Inirapan ko na lang siya. Maliban kasi sa malayo si Mavi, malabo din mata ko. Nag sasalamin lang ako kapag nasa loob na ako ng room.

Umupo na kami sa kaniya kaniya naming upuan, dumating na din ang professor namin.

" Okay class, before we start pwede bang tumayo sina Mavi at Jing at pumunta dito sa harap para mag pakilala ng maayos."

"P--po?" Sigaw ni Mavi habang tumitingin sa paligid niya, hindi niya siguro alam na mag kaklase kami.

Napa titig siya sa gawi ko at umirap.

" Prof naman," Saad niya.

" Oh bakit? Anong problema, kayo ang mag re-represent ng school natin for the coming intrams diba?" Saad niya.

"P-po! Anong intrams?" Sigaw ko.

"Hindi pa ba kayo nasabihan? Nag hahanap ang school natin ng bagong mukha na ipaparada sa school, graduating sections to be exact. At since sa incident na nangyari kaninang umaga, kayo na ang pinili namin."

"Pero, Prof. Accident lang naman po iyong nangyari kanina, purely accident po." Sagot ko. Winawagayway ko pa ang palad ko habang umiiling.

Hindi ko alam kung ano pang palusot ang sasabihin at gagawin ko para maka labas sa gusot na ito.

" Wala naman kayo masyadong gagawin, may plus points kayo sa lahat ng subject at exempted kayo sa exams kapag meron kayong activities. Besides, kayo lang ang namumukod tanging couple na same sex. Wala naman akong problema sa relationship niyo, I find it cute to be honest. " Sagot niya. " Halina kayong dalawa dito sa harap, we need to know you more." Dagdag pa niya.

Ayoko sanang tumayo kaso pinag tutulakan ako ng mga barkada ko. Ganun din ang nangyari kay Mavi.

We both stood in front of everyone. Para kaming mga elementary students na pinipilit pag batiin ng teacher namin dahil nag away kami.

" Good Morning guys, I think kilala niyo na ako, I'm Mavi Marata." Pag uumpisa ni Mavi.

" I'm Jing Fuentes." Saad ko naman.

Mag sasalita pa sana ang prof namin nung biglang may pumasok sa room na group of students na may hawak na camera.

" Go back to your seats kakausapin ko lang sila." Saad ni Prof. Nag lakad naman ako pabalik sa upuan ko.

"Tol pag sumikat ka huwag mo kaming kakalimutan ha. Alam mo namang mas madikit pa tayo sa glue stick." Saad ni Errol. Inilingan ko na lang siya at isinandal ang ulo ko sa desk ko. Hindi parin talaga nag si-sink in ang nangyayari sa akin. Sa amin ni Mavi.

Lumipas ang sampong minuto nung bumalik ang prof namin kasama ang mga estudyanteng may hawak na camera.

" Jing, Mavi. Need kayong picturan for promotion. Punta na kayo sa office ko." Saad ni Mrs. San Diego.

" P--po? Pictorial agad? Ang panget po ng suot ko!" Saad ni Mavi.

" No need to worry. Naka uniform lang naman kayo. Retouch lang ang need. May make up naman ako sa office yun na lang gamitin niyo." Saad niya.

Ano ba tong napasukan naming dalawa. Tumayo na lang kami pareho at sinundan ang mga studyante papunta sa office ni Mrs. San Diego.

" Alam mo Jing. Hindi ko talaga alam kung good or bad decision ba tong ginagawa natin." Bulong ni Mavi. Tinampal na rin niya ang noo niya.

I can feel how frustrated he is right now.

" Eh. Ano. Ako rin," Saad ko.

"Pero hayaan na lang natin. Ilang buwan lang naman tayo magiging ganito. Malapit naman na ang graduation. Basta eto ipangako mo ha. Huwag kang mafa-fall sa charisma ko. Mahilig akong manuod ng mga Korean dramas kaya mabilis kong mabasa ang movements ng isang tao. Kaya ngayon pa lang binabalaan na kita. Do not fall inlove with me." Saad niya habang nag lalakad ng derecho.

Huminga ako ng malalim at ngumiti.
" Don't worry, I can't, I don't and I won't fall for you." Saad ko na naging sanhi ng pag tigil niya sa pag lalakad.

" Anong ibig mong sabihin na you can't, you don't and you won't?" Saad niya. Salubong na din ang mga kilay niya.

" Well, I CAN'T fall. Ayoko kasing bumagsak ako bigla, hindi mo din naman ako sasaluhin. I DON'T easily fall in love. And I WON'T fall for you. Ayokong masaktan ka sa dulo." Saad ko.

Agad naman siyang umirap. " Andami mong alam." Ika niya.

" Ah ganito na lang. Kilalanin natin ang isa't isa. Tignan natin kung sino ang unang ma fa-fall. Yung unang mafa-fall talo." Dagdag pa niya.

"Para saan naman?" Tanong ko.

"For our future. Maybe we can work things out naman. We need to know each other. For our future. We can be FUTURE EX'S" Pag papaliwanag niya.

"Future what? Future Ex?" Tanong ko.

"Yes. Technically, hindi naman talaga tayo. So parang gagawin lang natin eto para maka ipon ng ideas for our future partners. So ngayon gamitin natin etong oportunidad na eto para malaman ang mga dapat at hindi dapat gawin sa isang relasyon. Para pag tapak natin sa katotohanan. Hindi na tayo kakapa." Ika niya.

Good idea.

"Well may point ka naman. Sige let's use this opportunity. Hello my Future EX." Saad ko at inilahad ang palad ko.

Agad naman niya etong inabot. " Hi, my future Ex."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top