Papa
" Mag isip kayo ng pinaka masakit na pangyayaring maaaring mangyari sa inyo." Saad ni Mrs. San Diego.
"Para saan Ma'am?" Tanong ni Mavi.
" Yung concept ng video shoot kasi dapat broken kayong dalawa. Yung pareho kayong may problema na hindi niyo ma-solusyunan kaya nauwi kayo sa hiwalayan. Dapat makikita ang emosyon sa mga mata." Pag papaliwanag niya.
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nag taasan din ang mga balahibo ko. Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo mga luha sa mga mata ko.
" Good job Jing." Saad ng Prof namin. Nag tinginan naman silang lahat sa akin.
" Sorry. Hindi ko alam bigla kasi akong kinilabutan eh." Sagot ko at tumayo nag lakad ako papalapit sa lamesa upang kumuha ng isang basong tubig nung biglang nahulog yung wallet ko sa sahig. Pinulot ko eto at ang unang lumabas ay yung litrato namin ng Papa ko.
" Jing! Galingan mo jan. Kahit anong mangyari alam mong proud na proud ako sa iyo."
Biglang pumasok sa ala-ala ko yung sinabi ni Papa kanina. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
Huminga ako ng malalim at inubos ang isang baso ng tubig. Napa tingin na din ako sa bintana. Kasabay ng pag hangin ng malakas ang pag tunog ng cellphone ko.
Unregistered number
Agad kong sinagot ang tawag.
"Opo, Jing Fuentes. Ako po iyon." Sagot ko. " A-- ano po? Anong nangyari kay Papa? Nasaan po ang Papa ko!" Derederecho kong tanong.
" Pa-papunta na po ako." Garalgal kong sabi. Pinatay ko na rin ang tawag. Naka tingin lang sa akin ang mga barkada ko.
"Jing bakit si tito?" Tanong ni Errol.
" Nabangga daw ng truck yung kotse niya. Ma'am sorry. Next time na lang tayo mag shooting. Kailangan kong puntahan ang Papa ko." Saad ko.
"S-- sige. Mag iingat ka."
Naka titig lang ako sa kanilang lahat. Bakas sa mukha nila ang gulat at awa.
"Halika na." Nagulat ako nung hinila ni Mavi yung kamay ko palabas sa room.
" Saang ospital?" Tanong niya habang tumatakbo kami papunta sa parking area ng school.
" Bernal General Hospital." Saad ko.
Tumigil kami sa harap ng isang pulang sports car.
" Sasakyan mo to?" Tanong ko.
" Oo. Next time ko na ikwekwento. Sakay ka na" Saad niya.
Bubuksan na sana niya ang pinto nung bigla siyang sumigaw. " Shet! Yung--" Napa tingin kami kay Marjen na hingal na hingal na tumatakbo.
"Accla. Accla yung susi!" Sigaw niya habang lumalapit sa amin.
"Salamat Accla."
Pag bukas ng pinto ng kotse agad naman kaming sumakay. Pinaandar na din ni Mavi ang makina at dinerecho na sa Ospital.
" Huwag kang matakot. Malapit na tayo." Pag papakalma ni Mavi sa akin.
" Ahh-- kinakabahan kasi ako. Si Papa na lang kasi ang kasama ko sa buhay." Saad ko.
Tumitig ako sa bintana. Naramdaman ko naman na biglang hinawakan ni Mavi ang kamay ko. " Nandito lang kami sa tabi mo. Magiging okay din ang Papa mo." Saad niya.
Tumitig muna ako sa kaniya bago sumagot.
"S--salamat." Saad ko at ibinalik muli ang tingin sa labas ng bintana.
" Apo, ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari, hinding hindi ka magagalit sa Papa mo. Hindi niya kasalanan na nag tratrabaho siya sa ibang bansa. Hindi niya kasalanan kung hindi niya tayo nasamahan dito sa ospital. Tandaan mo na kapag nawala ako, si Papa mo lang ang makakasama mo sa buhay. Kapag may problema ka, lumapit ka lang sa kaniya makikinig ang Papa mo. Hindi ko alam kung maaabutan ko pa ba siya. Hindi ko alam kung maaantay ko pa siya. Gusto ko sabihin mo sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Gusto ko iparamdam mo sa kaniya na kahit wala na ako. Ikaw ang nanjan para alagaan siya. Ikaw lang ang nag iisang regalo ng Diyos sa aming tatlo kaya kahit anong mangyari huwag na huwag kang magagalit sa Papa mo." Bigla kong naalala yung huling habilin sa akin ni Lola bago niya kami tuluyang iniwan sa mundong eto.
Sampong taon pa lang ako nung araw na inatake si Lola sa puso. Nasa abroad si Papa para sa business trip. Ginawan naman niya ng paraan para maka uwi agad pero biglang nagkaroon ng problema sa flight niya at sa opisina nila. Galit na galit ako sa kaniya nung araw na iyon kasi naisip ko na bakit inuna niya pa yung trabaho bago kami. Pero nawala lahat ng galit at inis ko nung sinabi sa akin ni Lola na ginagawa niya iyon para sa kapakanan ko. Na hindi naman niya kasalanan na nag ka aberya sa pag byahe niya pauwi. Simula nung iniwan kami ni Lola. Mas pinili ni Papa na mag stay dito sa Pinas kasama ako. Hindi niya ako iniwan. Sa lahat ng achievements ko sa paaralan kasama ko siya. Naramdaman ko na naka tayo rin siya sa tabi ko. Hindi siya nag kulang sa pagiging Ama para sa akin. Kaya hinding hindi ako papayag na pati si Papa iiwan ako.
" Nandito na tayo." Nabalik ako sa realidad nung tinapik ni Mavi ang balikat ko.
" Sa-salamat." Saad ko at bumaba na ng sasakyan.
Mag lalakad na sana ako papasok nung biglang nag salitang muli si Mavi.
" Jing." Saad niya. Agad ko naman siyang nilingon.
" Magiging okay din ang lahat. Huwag kang matakot. Mag dasal ka lang. Andito lang kami pag kailangan mo ng makaka usap." Saad niya at ngumiti.
" Salamat." Sagot ko at tuluyan nang nag lakad papasok sa ospital.
Napaka bilis nang tibok ng puso ko. Hindi ko mawari kung takot. Kasiyahan O kaya nama'y lungkot etong namumuo sa loob ng dibdib ko. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa front desk.
" Room 214 po sir." Saad nung nurse pag katapos kong mag pakilala.
Agad agad naman akong tumakbo papunta sa kwarto ng Papa ko. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.
" Pa---" Napa tigil ako sa pag sasalita nung nakita ko si Papa na naka upo habang naka harap sa laptop niya.
"Jing. Anong ginagawa mo dito? Diba may shooting kayo ngayon?" Tanong niya.
" Tinawagan ako nung nurse, sabi naaksidente ka daw." Sagot ko pabalik.
" Nabangga si Lyann natin kanina. Nawalan ng preno yung truck kaya natamaan yung sasakyan natin."
" Mas inintindi mo pa si Lyann Papa eh kotse lang iyon. Paano kung may nangyaring masama sa iyo? Paano na ako?" Tanong ko habang nag lalakad papalapit sa kaniya.
" Halika nga dito." Saad niya. Binaba niya yung laptop at inipit ako sa mahigpit na yakap.
" Walang masamang mangyayari sa akin anak. Hindi naman critical yung damage. Mabilis kasing naipaikot nung driver yung truck kaya halos yung likod na lang yung tumama kay Lyann. " Pag papaliwanag niya.
" Buti na lang. Kumusta yung driver ng truck?" Tanong ko.
" Okay lang naman. Humingi naman na ng tawad. Hindi na ako nag sampa ng kaso. Hindi naman niya sinasadya eh."
Inihiga ko ang ulo ko sa dibdib ng Papa ko. Hindi ko na tinanong kung bakit hindi siya nag sampa ng kaso. Alam ko na ang isasagot ni Papa. Sasabihin na naman niyang " Basta humingi na ng tawad ang naka gawa sa iyo ng mali. Okay na iyon. Nasasayo na kung tatanggapin mo o mag tatanim ka ng sama ng loob."
Salamat sa Diyos at hindi napano si Papa. Maraming salamat po.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top