Missing you
" Ang luwang ng apartment niyo." Saad ko habang hinihigop yung kape na tinimpla ni Marjen.
" Oo si Mavi namili neto." Saad niya.
"Nga pala. Kumusta si Mavi?" Tanong ko.
"Lalabas din yon maya maya. Nag yoyosi ka ba?" Tanong niya.
"Oo." Saad ko.
Inilabas naman niya ang isang kahang yosi at inabutan ako.
" Kapag stress kami ni Mavi nag yoyosi kami. Hindi lang halata sa itsura niya pero wild yon. Lalo na kapag lasing or nag iinom napaka wild non." Pabirong saad ni Marjen.
" Totoo ba? Dapat pala mag set tayo ng inuman session para mahusgahan ko si Mavi." Saad ko at tumawa.
Nag lakad naman kami papunta sa terrace para mag sindi ng sigarilyo.
" Marjen may tanong ako. Okay lang naman kung sasagutin mo o hindi."
" Sige. Ano yon?"
" Gaano na kayo katagal na mag kakilala ni Mavi?"
" Childhood friends kami. Siguro matatawag nating best friends kami. Lahat ng sikreto ng isa't isa alam na namin. Si Mavi yung tipo ng tao na pala tawa. Bungangera. Minsan walang preno ang bunganga. Alam mo yun? Yung kung ano ang lumabas sa bibig niya wala siyang pakialam. Hindi niya minsan iniisip mga sasabihin niya. Mahilig siyang mag biro." Pag papaliwanag niya.
" Uhhmm. About sa Papa niya. Ano pang alam mo tungkol sa aksidenteng nangyari? Tapos anong nangyari sa Mama niya. Bakit--" Napa tahimik akong mag salita nung biglang umubo si Mavi.
"Okay ka na ba?" Tanong ni Marjen. Pero imbis na sumagot, iba ang sinabi ni Mavi.
" Jing inom tayo? Yung mga gusto mong malaman tungkol sa akin, ikwekwento ko kapag handa na akong buksan sa iyo ang pahina ng buhay ko na iyan. Kung may gusto kang malaman tungkol sa akin, sa akin ka mag tanong. Mas masasagot ko ng derecho." Saad niya at tinawag kami papasok sa sala.
Tinitigan na lang ako ni Marjen at sumunod na ding pumasok sa loob. Umupo kami ni Marjen sa couch habang pinapanuod naming nag lalakad si Mavi para kunin ang mga alak sa loob ng ref.
"Accla. Sigurado ka bang yang Black Label and iinumin natin? Alam mo naman na mahina ako jan." Sigaw ni Marjen.
" Unti lang kasi ang inumin mo. Ginagaya mo kasi ako eh" Pag bibiro ni Mavi. " With coke, water or on the rocks ka Jing?" Tanong pa niya.
"Coke." Sagot ko naman. Bumalik siya sa kusina para kumuha ng isang bote ng coke.
Halata sa kanilang dalawa na pareho silang may kaya sa buhay.
Naka upo na kaming tatlo nung biglang nag ring ang phone ko.
" Excuse lang. Sagutin ko lang baka kasi sa ospital to." Saad ko.
Tumango naman silang dalawa. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at sinagot ang tawag.
" Jing!" Sigaw ni Errol.
"Leche akala ko kung anong emergency na naman eto. Bakit gumamit ka pa ng ibang number?" Tanong ko.
" Tol, bumili ako ng bagong phone. Dapat pag bagong phone bagong number ulit." Saad niya. " Nga pala, asan ka? Hindi kayo umattend sa video shoot kanina. Buti na lang naintindihan ni Ma'am" Dagdag pa niya.
Bigla kong naalala na dapat pala babalik kami sa campus para ituloy yung shooting kaso nagka problema kay Mavi. Sinabi ko naman kay Jeric na ipa re-schedule na lang. Ewan ko na lang talaga kung kinausap niya si Ma'am.
" Sinabi ko kay Pareng Jeric na i-resched na lang. Basta may naging problema kanina. Tsaka ang lakas pa nung ulan. Umuwi na lang kami." Sagot ko.
" Wala ka naman sa bahay niyo. Pumunta kami dun kanina."
"Ah. Andito ako sa apartment nila Mavi. Naulanan kasi kami kanina. Inimbitahan nila ako na mag stay muna dito." Saad ko.
" May inuman ba?" Tanong niya.
" Oo. Mag iinom kami."
" Baka naman pwede mo kaming-----"
" Hindi pwede. Gago, kung sa bahay to kahit anong oras pa. Eh hindi ko naman ito bahay." Pag papatahimik ko sa kaniya.
" Jing pag yung mga barkada mo iyang kausap mo. Sige papuntahin mo sila dito. Mas okay na rin para makilala namin sila." Sigaw ni Mavi.
" Narinig ko yung sinabi ni Mavi. On the way na kami. Saan ba yung place?" Tanong niya.
Pumasok ako sa loob para iabot yung cellphone kay Mavi, hindi ko naman alam kung anong lugar to eh.
"Mavi, pwede ikaw na kumausap. Hindi ko kasi alam address niyo dito." Saad ko.
Agad naman niyang kinuha ang phone. Tumatawa pa siya habang kausap si Errol.
" Sige itext niyo na lang si Jing kapag malapit na kayo sa village. Ako na susundo sa inyo sa labas. Don't forget the alak ah." Saad ni Mavi at binalik na sa akin yung phone.
" Anong pinag usapan niyo?" Tanong ko kay Errol.
"Secret. Haha. Oh sige na, susunduin ko pa yung dalawa. Bye." Saad niya at pinatay na ang tawag.
Umiling na lang ako at ibinalik ang cellphone sa bulsa ko.
" Mag luluto muna ako ng pulutan. Umpisahan niyo ng uminom." Saad ni Marjen at nag lakad papuntang kusina.
Binuksan naman ni Mavi yung alak at nilagyan ang baso niya. Pag katapos niyang salinan ng alak ang baso niya, inabot naman niya sa akin yung alak. Pinag halo niya sa isang baso ang coke at yung alak. Pareho kami ng diskarte sa pag inom.
"Cheers." Saad niya at itinaas ang baso.
Ang sarap pala sa pakiramdam na may ganitong klaseng tao kang makikilala. Yung pareho kayong malungkot pero kaya niyong gumawa ng paraan para mapasaya nag isa't isa.
Mas nakikilala ko na si Mavi. Mas magiging comfortable na kami sa isa't isa. Mas magiging maganda ang kalalabasan ng activity na ginagawa naming dalawa dahil hindi na kami mag kakailangan.
Bukas ipaparamdam ko sa kaniya na hindi lang ako pang FUTURE EX niya. Ipaparamdam ko sa kaniya ang pakiramdam ng mahalin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top