Him
Maaga kaming nagising at maaga ring gumayak papunta sa school. Excited kaming lahat dahil ipapapanuod sa buong klase namin yung video na ginawa namin.
Lahat kami naka upo na sa kaniya kaniya naming pwesto at naka tutok na sa tv sa harapan namin.
" Class, papanuorin natin yung entry natin para sa event ng school. Pasalamat kayong lahat dahil sa section natin nang galing ang mga representative kaya pwede nating panuorin ng sabay sabay ang video." Saad ng teacher namin.
Palakpakan at hiyawan ng mga kaklase namin ang narinig sa buong classroom.
Lahat kami naka tutok sa harapan ng tv, napanuod ko na ito kagabi pero excited parin akong panuoring muli.
Nasa kalagitnaan kami ng panunuod. Tinignan ko isa isa ang mga kaklase ko, may mga naluluha, kinikilig. Nung matapos panuorin ang video tinawag naman kami ni Mavi sa harap.
" Guys let's give a round of applause to Jing ang Mavi. Job well done."
Pinalakpakan kaming dalawa.
" Ang ganda ng video niyo. Nakaka kilig." Sigaw ni Joy isa sa mga kaklase namin.
Nag pasalamat naman kami ni Mavi at bumalik na sa upuan namin.
Alas kwatro ng hapon nung dinismiss kami. Agad naman akong nag paalam para sunduin si Papa. Pinipilit ako ni Mavi na ihahatid niya ako sa ospital pero hindi na ako pumayag. Kailangan kong sunduin si Papa. Kailangan kong kausapin si Papa at higit sa lahat kailangan kong umamin kay Papa.
Naka sakay na ako sa taxi papuntang ospital. Andaming tumatakbo sa isipan ko. Ano kayang magiging reaksyon ni Papa. Magagalit kaya siya? Matutuwa? Itatakwil niya kaya ako?
" Sir andito na po tayo." Saad nung driver. Sa lalim ng mga iniisip ko, hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa ospital. Pag katapos ko mag bayad bumaba na rin ako. Papasok na ako sa ospital nung nakita ko si Papa na naka upo sa bench sa lobby area.
" Jing anak." Sigaw niya. Kinakawayan niya ako para lumapit sa kaniya.
Habang nag lalakad ako papalapit kay Papa, nag hahalong emosyon ang nararamdaman ko. Nararamdaman ko na rin ang mga butil ng pawis na pumapatak sa noo ko.
" May problema ba? Bakit namumutla ka anak?" Tanong ni Papa.
" Pa inom tayo." Sagot ko.
" Inom? Umiinom ka na ng alak? Binata na talaga ang anak ko. Sige dun na lang sa mini bar sa bahay." Saad niya at ginulo ang buhok ko.
Nag lakad na kami palabas ng ospital. Eksaktong dumating din yung susundo sa amin. Naka sakay na kami ni Papa sa kotse.
"Anak, may problema ka ba? Bakit kanina ka pa tahimik?" Tanong ni Papa habang hinihimas ang palad ko.
" Wa-wala naman Pa. Madami lang tumatakbo sa isip ko. Ikwekwento ko sa iyo mamaya." Sagot ko.
Tumitig na lang ako sa bintana habang pinipilit pakalmahin ang sarili ko. Nakarating na kami sa bahay. Dumerecho ako sa kwarto at nag bihis. Hihiga sana ako sa kama nung biglang kumatok si Papa sa pinto.
" Anak, ano iinom na ba tayo?" Saad niya habang tumatawa.
" Oo Pa." Sagot ko at lumabas na sa kwarto. Nag lakad ako papunta sa mini bar namin.
" Anong gusto mong inumin?" Tanong ni Papa habang naka tayo sa harapan at namimili ng alak na iinumin namin.
Maraming collection si Papa ng iba't ibang klase ng mga alak. Mapa imported or local brand meron siya.
" Kahit ano na Pa." Sagot ko.
" Sir, on the rocks po ba o yung may halong coke." Sagot ni Papa.
" On the rocks boss." Sagot ko.
Nilagyan naman niya ang mga baso namin ng yelo at alak. Pag katapos salinan ni Papa ang mga baso namin, umupo naman siya sa tabi ko.
" Anong problema mo anak?" Tanong niya.
Huminga muna ako ng malalim bago nag salita. " May nag sabi kasi sa akin na bago ko matatanggap ang sarili ko ay dapat tanggapin ko muna ang mundo." Pag uumpisa ko.
" Hmm. Malalim yan anak ah." Saad ni Papa at ininom yung alak niya. " Pero tama siya, hindi mo kasi matatanggap ang sarili mo kung hindi mo matatanggap ang mundo. Ilang taon na ba yang taong nag sabi sa iyo niyan" Tanong niya.
" 23, kaedad ko lang Pa."
" Ang bata naman niyang naisip ang katagang iyan."
" Oo nga po eh. Sa totoo lang nung una hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, pero unti unti kong sinusubukang intindihin iyon."
" Anak," Saad niya at hinawakan ang palad ko. Bahagya niya din itong pinisil.
" Sa mundo kasi natin, maraming mahirap tanggapin. Maraming bagay kang dapat intindihin at alamin bago mo eto matatanggap." Saad niya.
Tinitigan ko lang siya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
" Ang nais ipahiwatig na taong iyon ay dapat ang una mong kilalanin ay ang mga nakapaligid sa iyo. Una mong kilatisin ang mga matang naka titig sa iyo at una mong husgahan ang mga bagay na ginagawa nila sa iyo. Sa oras na nakilala mo na ang mundo at ang mga taong naka palibot sa iyo, dun mo eto matatanggap. Dun mo masasabi na, ganito pala talaga ang mundong tinatapakan natin. Maraming mapanghusgang mata at maraming masasakit na salitang nanggagaling sa mga bibig nila. Kapag naintindihan mo na ang mga bagay na iyon tsaka mo matatanggap ang sarili mo. Sabi nila, the first thing you should do is to accept yourself then isunod mong tanggapin ang mundo. Pero mas magandang unahin mong tanggapin ang mundo tsaka mo isunod ang sarili mo. Pag naintindihan mo na ang ikot ng mundo tsaka mo maiintindihan ang sarili mo." Saad niya.
" Pa, natanggap ko na ang mundo. Ngayon kailangan ko nang tanggapin ang sarili ko. Siguro kaya hindi ako natututong intindihin ang mundo dahil hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Yung nag sabi sa akin ng katagang iyan ay isa sa mga lalaki kong kaibigan. Pa, alam ko na masama eto pero sa tingin ko nahulog na ako sa kaniya. Pa, mahal ko na ata si Mavi." Saad ko at yumuko.
Naramdaman ako ang pag tanggal ni Papa ng kamay niya sa kamay ko. Agad ko siyang tinitigan. Nagulat ako nung bigla niyang ginulong muli ang buhok ko at ngumiti.
" Jing, anong masama dun? Bakit mo nasabing masama ang pag mamahal na iyon?" Tanong niya.
" Kasi pareho kaming lalaki. Tama ka, maraming huhusga sa amin. Natatakot ako"
" Akala ko ba tanggap mo na ang mundo?"
" Tanggap ko naman na Pa."
" Anak hindi mo pa eto tuluyang natatanggap at naiintindihan. Bakit? Kasi kung tanggap mo na, hindi ka matatakot na mahusgahan. Kung naiintindihan mo na eto, hindi ka mag dadalawang isip kung hahawakan mo ba ang kamay niya sa harapan ng maraming tao o hahayaam mo siyang mawala sa siksikan ng mga taong iyon."
"Po?" Naguguluhan kong tanong.
" Anak kita. Tanggap kita kung ano ka, kung sino ka at higit sa lahat tanggap ko kung sino ang para sa iyo. Dapat maging masaya ka. Kung siya ang mag papasaya sa iyo, hindi kita pipigilan. Ang dapat mong gawin ay ipag sigawan na mahal mo siya. Huwag kang matatakot sa sasabihin ng iba."
Ngumiti ako at niyakap si Papa.
" Salamat Pa. "
" Ipakilala mo siya sa akin. Gusto ko siyang makilala."
"Opo Pa. Ipapakilala ko siya sa iyo."
Naubos na rin namin ang alak nung niyaya ako ni Papa na matulog.
" Maaga ka pang papasok bukas. Matulog na tayo. Mahal na mahal kita anak." Saad ni Papa at hinalikan ako sa noo.
" I love you too Papa." Saad ko at niyakap siya. Bumalik na ako sa kwarto ko at humiga na. Ang sarap sa pakiramdam na tanggap ako ni Papa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top