Daydream
Nanginginig ang buong katawan ko habang yakap yakap si Marjen.
" Si--Si Mavi? Nasaan si Mavi?" Tanong ko.
" Hinahanap parin ang katawan niya." Sagot niya.
Mag aalas otso na ng gabi pero hindi parin nahahanap ang katawan ni Mavi. Andami ng pulis at rescuers ang nasa dalampasigan.
Agad agad akong tumayo at lumapit sa pulis na nasa harapan ko.
"Si-- Sir. May balita na po ba? Mahigit tatlong oras na pong nawawala yung boyfriend ko." Saad ko
" Sir. Wala pa po. Malakas ang alon, nahihirapan ang mga rescuers na sisirin ang dagat." Saad niya.
Mag sasalita pa sana ako nung biglang sumigaw yung isang diver.
Agad agad nag takbuhan ang lahat ng mga police at mga rescuers. Mahigit limang minuto ang tinagal nung iniharap nila sa amin ang malamig na bangkay ni Mavi.
Agad akong tumakbo papalapit sa katawan niya.
" Hindi po yan si Mavi. Hindi po siya ang boyfriend ko!" Sigaw ko.
Alam kong hindi si Mavi eto. Bakit iba ang itsura niya.
" Eto po yung wallet niya. Mavi Marata po, tama po ba?" Saad nung isang rescuer.
Agad akong napa upo sa sahig. Tumulo na din ang mga luha sa mga mata ko. Naka titig lang ako sa katawan niya.
" Pa! Pa! Si---si Mavi. Pa!" Saad ko.
Lumapit na din si Marjen sa katawan ni Mavi.
" Naka ipit po yung katawan niya sa dalawang malalaking bato kanina. Dun po namin nakita yung katawan niya." Saad nung diver.
" Accla!!! Accla!! Hoi BAKLA KA NG TAON!! GUMISING KA JAN! GRADUATION PA NATIN NEXT WEEK. NAG BIBIRO LANG NAMAN AKO NUNG SINABI KO NA PAPAGAWAN KITA NG DEATH CERTIFICATE!! Sabi ko na dapat hindi na lang tayo tumuloy eh. Sabi ko naman kasi na may masamang mangyayari!" Sigaw niya habang ginugungon ang katawan ni Mavi.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak ng malakas pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang naka bara sa lalamunan ko.
" Idederecho na po namin siya sa morge. Paki contact na lang po ang pamilya niya." Saad nung pulis. Isinakay na din ang bangkay ni Mavi sa sasakyan.
" Wa-wala na siyang kasama sa bahay ako na lang ang kasama niya." Saad ni Marjen.
"Kamag anak? Meron ka bang kilala?" Tanong ni Papa.
" Yung Mama niya, kaso wala na kaming contact sa kaniya simula nung iniwan sila nung 3 years old pa lang siya." Saad ni Marjen
" Tara na sa loob. Kailangan nating sumunod sa morge." Saad ni Papa.
Naka tayo lang ako habang pinapanuod silang nag lalakad papasok.
" Anak?" Saad ni Papa.
"Ka--kanina lang. Kanina lang kausap ko pa siya. Kanina lang sinabi ko sa kaniya na ipapakilala ko na siya sa iyo. Pa, ka-- kanina lang mag kahawak pa kami ng kamay. Kanina lang yakap yakap ko pa siya. Ka--kanina lang nag tatawanan pa kami. Pe--pero, pero ngayon wala na siya! Nababangungot ba ako? Gi--gisingin niyo nga ako. Paki gising nga ako sa bangungot na eto!" Saad ko at lumuhod sa sahig. Derederecho na ding tumutulo ang luha sa mga mata ko.
Lumapit na din sa akin si Marjen at niyakap ako. " Ji--Jing. Jing kailangan mong tatagan ang loob mo. Wa--wala na tayong magagawa." Saad niya habang umiiyak na din.
" Wala ka bang sasabihin? Yan lang ang sasabihin mo ang tatagan ko ang loob ko? Akala ko ba best friend ka niya. Bakit parang okay lang sa iyo ang nangyari?!" Sigaw ko.
" Tanga ka ba Jing! Anong okay lang sa akin? Paanong magiging okay lang sa akin na iniwan ako ng best friend ko ng ilang taon? Paano ako magiging okay kung yung nag iisang taong tumulong sa akin nawala ng biglaan? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan? Kung-- kung maibabalik ko lang yung oras. Sana-- sana hindi ko na lang pinilit na pumunta sa lintik na outing na eto!" Sigaw niya.
"Marjen, pag pasensyahan mo na si Jing." Saad ni Jeric.
" Kasalanan ko eto. Kasalanan ko kung bakit siya namatay. Kung hindi ko lang siya pinabalik sa dagat kanina. Kasalanan ko eto!"
" Hindi Pare. Walang may kasalanan. Aksidente ang nangyari." Ika ni Errol.
Inalalayan naman ako ni Eric para pumasok sa loob ng kwarto ko sa hotel. Naka titig lang ako sa salamin sa harapan ko. Nag lakad ako papalapit dito at binasag gamit ang kamao ko.
Hindi nga ako nananaginip. Naka titig lang ako sa palad ko na punong puno ng dugo.
" Jing!" Sigaw ni Eric. Tinitigan ko lang siya.
"Pa--Pare nasugatan ako. Bakit hindi masakit?" Tanong ko.
Agad namang lumapit si Eric at tinanggal ang mga naiwang bubog sa kamay ko.
" Pre! Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Lahat naman tayo hindi ginusto eto eh. Lahat tayo nagulat. Mahirap, sobrang hirap. Alam ko ang nararamdaman mo Pare. Lakasan mo lang ang loob mo." Saad niya.
Agad ko naman siyang niyakap. Bigla na lang tumulo ang mga maiinit na luha sa mga mata ko.
" Jing ok--" Napa tahimik si Papa sa pag sasalita nung nakita niya ang mga dugo ko na tumutulo sa sahig. Agad naman siyang lumapit at nilagyan ng gamot ang kamay ko.
Naka titig lang ako sa mukha ni Papa na alalang alala.
"Tito labas muna ako." Saad ni Eric.
" Pa, si Mavi yung sinasabi ko na nag papasaya sa akin. Sabi ko kanina na ipapakilala ko siya sa iyo. Pero mukhang hindi ko na magagawa. Pa, bakit ganon? Bakit kung kailan tanggap ko na ang lahat, tsaka naman ako binigyan ng isang mabigat na parusa? Eto ba ang sukli sa lahat ng mga nagawa kong tama?" Tanong ko.
" Hindi anak. Hindi. Walang may gusto sa nangyari. Mahirap tanggapin eto. Ramdam na ramdam kita dahil ganyan na ganyan ang naramdaman ko nung iniwan ako ng Mama mo. Isipin mo na lang na isa etong pag subok para mas lalo kang tumatag." Saad niya.
" Pag--pag subok? Sobrang pag subok naman etong ibinato sa akin ng mundo!" Saad ko.
Pagka tapos ginamot ni Papa ang sugat ko ay inalalayan naman niya akong mag bihis. Pag katapos naming mag ayos dumerecho na din kami sa morge.
Lahat kami naka tayo lang sa labas ng pintuan habang naka titig sa puting telang naka balot sa katawan ni Mavi.
Hinawakan ni Marjen ang kamay ko at hinila papasok sa loob.
Dahan dahan niyang tinanggal ang puting telang naka balot sa mukha ni Mavi.
Agad agad namang tumulo ang luha ko nung nakita ko ang itsura niya. Halatang nahirapan siya pero bakas sa labi niyang masaya siya.
" Bakit naka ngiti ka pa? Masaya ka bang iniwan kami?" Tanong ko habang hinihimas ang pisngi niya.
" Masaya siya. Anak masaya siya. Kapag namatay ang isang tao, guguhit sa mukha nila kung natatakot sila o nasisiyahan. Siguro, masaya ang kaibigan niyo na iniwan kayo kaya siya naka ngiti. Siguro, nung una pa lang tanggap na niya ang mangyayari kaya naka ngiti siya." Saad ni Papa.
" Ma--Mavi! So--sorry hindi kita nailigtas kanina. So--sorry kasi wala ako sa tabi mo kanina. So--sorry Accla kung wala akong nagawa. Sa-salamat sa pag kakaibigang inalay mo." Saad ni Marjen habang derederechong tumutulo ang mga luha niya.
" Oppa! Wala ng mag sasabi sa akin niyan. Mavi, sorry kung hindi kita nakita kanina. Mag pahinga ka na. Mahal na mahal kita." Saad ko at hinalikan siya sa labi.
Isa sa pinaka masakit tanggapin ay iyong ihahatid niyo sa huling hantungan ang isang taong nag bigay sa inyo ng kasiyahan. Isa sa pinaka mahirap tanggapin ay yung iniwan kayo ng taong naging parte na ng buhay niyo. Isa sa pinaka mahirap tanggapin ay yung kung kelan handa na kayong ipakilala siya sa mundo tsaka naman siya kinuha ng mundo sa inyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top