Acceptance
Ang sarap ng gising ko ngayong araw. Maliban sa tanggap ako ni Papa. Alam ko na rin na tanggap ko ang sarili ko. Handa na akong makipag sapalaran sa mundo at ipag sigawan kung ano talaga ang gusto ko at kung sino ang taong gusto kong makasama habang buhay.
1 week na lang graduation na namin kaya wala gaanong ginagawa sa school. Ngayong araw, ipapalabas sa auditorium lahat ng mga short movies na ginawa ng bawat section. Naka upo kaming lahat habang inaantay i-play ang mga videos.
Nag umpisang plinay ang ibang section. Lahat magaganda, sobrang ganda. May mga kwento about sa love Confession, friends, family at higit sa lahat self acceptance. Madaming pag pipilian ang mga judges.
" For the last section. Panuorin nating lahat ang pag mamahalang nabuo sa pag kakaibigan." Saad nung principal namin.
" Oi yung video niyo na." Sigaw ni Jeric. Kagaya nila excited din ako. Kahit napanuod ko na eto. Excited parin ako.
Nag umpisa nang mag play ang video. Kung kanina halos kalahati lang ng mga estudyante ang nanunuod dahil busy sila sa mga cellphone nila. Ngayon halos lahat naka tutok sa screen sa harapan namin. Nararamdaman ko ang nag hahalong saya, lungkot sa mga expressions nila.
Nang matapos ang video, isa isang nag tayuan ang mga barkada ko at nag palakpakan. Ang sarap sa pakiramdam na na- appreciate nila yung maikling kwento namin ni Mavi. Mahigit isang oras din ang tinagal ng deliberation ng judges. Itinanghal kaming winner dahil sa magandang piece na nagawa namin. Sabi din ng Principal namin, ipapalabas eto sa graduation ceremony namin next week.
Nag pasalamat kaming lahat bago isa isang umalis.
" Ready na ba kayo?" Tanong ko habang nag lalakad palabas sa school.
" Naman." Sigaw nilang lahat.
Ngayong araw kami pupunta sa beach para mag unwind. Pasakay na kami sa kotse nung biglang nag salita si Marjen.
" Kinakabahan ako. Huwag na kaya nating ituloy?" Tanong niya.
"Bakit?"
" Sabi kasi ng mga matatanda. Kapag malapit na ang big event ng isang tao. Biglang may pangit na mangyayari. Diba graduation natin next week? Paano pag maaksidente tayo sa byahe?" Tanong niya pabalik.
" Hindi tayo maaaksidente sa byahe. Ano ka ba, kasama ko si Papa, siya ang mag mamaneho." Saad ko naman.
Isa isa na kaming sumakay sa van na inarkila ni Papa.
" Mga anak. Handa na ba kayong matikman ang tubig dagat?" Tanong ni Papa.
"Opo!" Sigaw naming lahat.
" O sige. Mag pahinga muna kayo jan ako ng bahala." Saad ni Papa at pinaandar na ang makina ng sasakyan.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe nung biglang nag salita si Papa.
" Anak. Mukhang pagod lahat ng mga kaibigan mo ah? Bagsak silang lahat tignan mo." Saad niya.
Tumingin naman ako sa likod at nakitang lahat sila ay natutulog.
"Oo nga Pa." Sagot ko.
" Matulog ka rin muna. Gisingin ko na lang kayo kapag nakarating na tayo."
" Hindi naman ako inaantok Pa. Tsaka baka antukin ka din habang nag mamaneho. Sabi nila pangit daw matulog kapag sa harapan ka naka upo. Aantukin din daw ang driver." Saad ko.
"Ikaw bahala. Oo nga pala. Jing, sino sa kanila yung sinasabi mong nag papasaya sa iyo?" Tanong ni Papa.
Agad naman akong namula sa sinabi niya. " Mamaya na Pa. Mamaya ipapakilala ko." Saad ko.
Naka titig lang ako sa bintana nung biglang bumuhos ang ulan.
" Ano ba iyan kung kailan naman tayo mag bobonding tsaka naman umulan." Pag rereklamo ni Papa.
" Hihinto din yan." Saad ko. Biglang kumulog ng malakas kaya agad akong napa tingin kay Mavi. Naalala ko takot pala siya ng bumabyahe kapag umuulan.
Buti na lang at masarap ang tulog niya.
Mahigit dalawang oras din ang tinagal ng byahe. Hindi ko namalayan na naka tulog na rin pala ako. Ginising na lang ako ni Papa nung nakarating na kami. Isa isa ko ding ginising mga kaibigan ko. Pag gising nila agad agad silang lumabas ng van at isa isang tumakbo papunta sa dalampasigan.
" Umaambon parin." Bulong ni Papa. " Pumunta ka na din duon. Tawagin ko na lang kayo kapag kakain na." Dagdag pa niya.
"Sige Pa." Saad ko at tumakbo papunta sa mga kaibigan ko. Nag hahabulan kaming lahat sa dagat habang nag sisigawan.
" Hoy may bangka. Gusto kong mangisda." Sigaw ni Mavi.
Nag lakad naman siya papunta dun sa mga mangingisda at nakipag usap kung pwedeng maki sakay sa kanila.
" Pwede naman namin kayong isama. Kaso malakas kasi ang alon baka hindi kayanin ng bangka." Saad nung isang mangingisda.
" Saan ba kayo naka stay ngayon? Tawagin na lang namin kayo mamaya kapag humupa na ang alon. Isama namin kayo." Saad naman nung kasama niya.
" Talaga po?" Nakangiting sagot ni Mavi.
Tinuro ko naman yung cottage na pinag stay-an namin.
" Sige mamayang hapon punta tayo mangisda." Saad nung isang lalaki. Nag paalam na kami dahil tinatawag na kaming kumain ni Papa.
Pumasok na kami sa cottage at nag umpisa ng kumain. Ipinakilala ko din si Mavi at Marjen kay Papa. Tuwang tuwa si Papa kay Mavi.
Pagka tapos naming kumain nag yaya muling mag dagat si Mavi. Ngayon hindi na gaanong umaambon.
" Busog pa kayo. Mamaya na kayo mag dagat." Saad ni Papa.
" Baka po kasi umulan tito. Hindi namin ma-eenjoy etong araw na eto." Sagot naman ni Jeric.
" Hay naku talaga Jeric. Lahat na lang ng bagay mayroon kang palusot." Saad ni Papa at hinampas ang noo niya.
" Ako pa ba tito?" Saad ni Jeric at tumawa.
" Basta huwag kayong pupunta sa malalim. Jan lang kayo sa dalampasigan yung makikita ko pa kayo." Ika ni Papa.
" Yehey." Sigaw ni Mavi at nauna nang tumakbo papunta sa dagat.
Mahigit trenta minuto rin kaming nasa dagat. Hindi ko alam kung sunog na ang mga balat namin.
Naka upo lang ako sa gilid ng baybay nung lumapit sa akin si Mavi.
" Oppa. May problema ba?" Tanong niya at inihiga ang ulo niya sa balikat ko.
" Wala. Masaya lang ako. Mamaya ipapakilala na kita kay Papa. Tanggap na niya ako. Tanggap ko na ang mundo kaya ikaw na ang isusunod kong tanggapin." Saad ko. Nakita ko kung paano kuminang ang mga mata ni Mavi.
" Salamat." Saad niya.
Agad naman siyang tumakbo pabalik sa dagat habang kinakawayan ako.
" Mahal na mahal kita Jing." Sigaw niya.
" Mahal na mahal din kita." Sagot ko.
Tatayo na sana ako para lumapit kay Mavi nung biglang lumapit sa akin si Marjen.
" Saan kayo galing?" Tanong ko.
" Pumasok muna kami, uminom ng tubig tsaka ang lakas ng alon. Mamaya na tayo mag swimming." Saad ni Marjen.
" Tawagin ko lang si Ma--"
Bigla akong kinabahan nung hindi ko makita si Mavi.
" Si-- si Mavi. Nasaan?" Tanong ko.
" Kasama mo lang kanina diba?" Tanong ni Marjen.
" Tu-tumakbo siya sa dagat." Saad ko.
Agad naman akong tumakbo papunta sa dagat pero hindi ko parin makita si Mavi.
Lumapit na din sa akin ang mga kaibigan ko pati si Papa.
"Anak anong nangyari?" Tanong ni Papa.
"Pa--pa. Kasama ko lang siya kanina. Tapos ngayon wala na siya." Saad ko.
" Hindi ba siya pumasok?" Tanong ni Papa.
"Tito wala siya sa cottage, wala din siya sa room niya sa hotel." Sagot ni Errol.
Mag lalakad sana ako papunta sa dagat nung hinila ako ni Papa. Bumuhos na rin ang malakas na ulan.
" Anak malakas ang alon. Tatawag muna ako ng pulis at rescuers." Saad ni Papa at kinuha ang cellphone niya.
" Tangina!!!" Sigaw ko. " Mag kausap lang kami kanina. Shet!" Sigaw kong muli.
"Huwag ka munang mag isip ng kung ano ano. Baka may pinuntahan lang si Mavi. Oo, may pinuntahan lang siya." Saad ni Marjen pero ramdam ko ang takot sa boses niya.
Dumating na din ang mga pulis. Inexplain naman ni Papa ang nangyari. Nilapitan ko na rin yung mga mangingisda kanina para humingi ng tulong.
Hindi pwedeng mawala si Mavi. Hindi pa siya nakikilala ni Papa ng lubusan. Sana nakinig na lang ako kay Aizel kanina nung sinabi niya na hindi magandang ideya ang bumyahe kapag may event na magaganap. Sana kaya kong ibalik ang oras.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top