Special Chapter: Lora and Yzra
AGAD NA napatayo si Yzra mula sa kaniyang kama nang marinig niya ang tatlong katok sa pinto ng kaniyang kuwarto. Kasabay ng kaniyang mga hakbang ang pag-usbong ng takot sa kaniyang dibdib. Maingat niyang pinagbuksan ang taong nasa kabila.
"Hi!" Bumungad kay Yzra ang isang batang babaeng katulad niya. Mayroon itong maalong kulay olandes na buhok at kulay lila na mga mata. Kung hindi siya nagkakamali, isa ito sa mga tao na dumating kani-kanina lamang sa kanilang mansyon.
Nakahinga siya nang maluwag. Akala niya'y muli na naman siyang isasalang ng kaniyang ama sa isang puspusang pag-eensayo. Kung tutuusin, ang kaniyang katawan ay wala pa sa kondisyon upang sumabak muli sa pagsasanay sapagkat nananakit pa rin ito dahil sa naging resulta ng kanilang huling sesyon.
Gayunpaman, hindi niya maiwasang magtaka. Ang ikalawang palapag ay eksklusibo lamang sa mga miyembro ng pamilya kaya anong ginagawa rito ng isang bisita?
"Can I help you? Are you lost?" tanong ni Yzra sa batang babae habang nakasilip sa likod ng pinto.
"I'm bored. Can you play with me?" tanong naman sa kaniya pabalik ng batang babae. Pinaningkitan niya ito ng mata.
"This area is off limits to every visitor. You must go now or I'll have to tell the higher ups," pagbabanta ni Yzra na ikinabigla ng batang babae.
"Please don't. I'm a relative."
"And who are you if I may ask?"
"I'm Lora. Lora Alvarez Bourbon."
Lalong nangunot ang noo ni Yzra sa kaniyang narinig. Alvarez? Hindi niya sukat akalaing may iba pa palang Alvarez bukod sa kanilang apat ng kaniyang mga magulang at nakakatandang kapatid.
"She's your cousin, your highness."
Bahagyang napatalon ang dalawang bata nang marinig nila ang boses ng isang lalaki. Bigla-bigla na lamang itong sumulpot sa likuran ni Lora.
"Eden, how many times do I have to tell you to never sneak up on someone?" sita ni Yzra sa nakakatandang lalaki habang nakahalukipkip ang dalawang braso. Puno naman ng pagtataka ang mukha ni Lora habang pinapabalik-balik ang tingin sa dalawa.
"My apologies."
"Why are you talking to him like that? He's obviously older than us," pangaral naman ni Lora sa kaniyang pinsan. Ilang beses na napakurap naman si Yzra.
"I-I didn't mean to. I'm just surprised," pagdedepensa ni Yzra sa kaniyang sarili at napanguso. Napatawa na lang nang mahina si Eden dahil sa inaasta ng dalawang prinsesa.
"Hmm... Is that reasonable enough? I should probably ask dad," bulong ni Lora sa kaniyang sarili at walang pasabing umalis upang puntuhan ang kaniyang ama. Napailing naman si Yzra at isinarado ang pinto.
- X -
"Hi!" Kasalukuyang kumukuha ng kaniyang makakain sa kusina si Yzra nang may bigla bumati sa kaniya. Panandalian niya naman itong tinapunan ng tingin bago ibinalik ang atensyon sa pagpapalaman ng tinapay.
"Why are you still here?" tanong ni Yzra habang ipinapahid niya ang tsokolate sa isang pirasong pandesal.
"Mom told me we're gonna stay here for a week. Isn't it great to hear? Now, we have a lot of time to play!"
"How I wish, but I can't play with you. Father told me so."
"Really? But uncle just said I can play with you."
Napahinto si Yzra sa kaniyang ginagawa at tuluyang hinarap ang batang babaeng pilit siyang kinukumbinsing makipaglaro sa kaniya. Nilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa magkabila niyang baywang.
"Hindi nga ako p'wedeng makipaglaro, Lora. Bakit ba ang kulit-kulit mo?" wika ni Yzra. Bakas sa kaniyang boses ang pagkairita. Bahagya namang napaatras si Lora sa kaniyang inasta.
"Bakit ka nagagalit? Gusto ko lang namang makipaglaro, e."
"Hindi ako nagagalit!"
"What's happening here?" Napatigil ang dalawang prinsesa sa pagsasagutan sa pagdating ng emperor. Agad na napayuko si Yzra habang patakbo namang sinalubong ni Lora ang nakatatandang lalaki at nagmano.
"Si ano po kasi ayaw makipaglaro sa akin," pagsusumbong ni Lora at tinuro ang direksyon ng kaniyang pinsan. Lalo na lamang napayuko si Yzra.
"Why don't you play with her, Yzra?" maamong tanong ni Izeno sa kaniyang bunsong anak. Mabilis na napatingala si Yzra dahil sa pagkabigla. Hindi niya inaasahang ganito ang magiging tugon ng kaniyang ama.
"I can play with her, father?" paninigurado ni Yzra at binaling ang tingin sa kaniyang pinsang nakatayo malapit kay Izeno.
"I'll leave the two of you to play. But remember, no fights, okay?"
"Okay, uncle!"
- X -
"Yzra pala ang pangalan mo," saad ni Lora habang nanatili pa rin ang kaniyang atensyon sa nilalaro nilang game ni Yzra sa kaniya-kaniyang tablet.
"Yeah. Zerine is my second name if that's what you're going to ask next," sagot naman ni Yzra at gigil na gigil na pinagpipindot ang hawak-hawak niyang gadget.
"Hey, that's my kill!" reklamo ni Lora nang mapatay ni Yzra ang kalabang una niyang nakita.
"I just want to help you kill him. Hindi ko naman kasalanan kung na-headshot ko siya," pangangatwiran naman ni Yzra habang kinukuha ang gamit na naiwan ng kalabang kaniyang napatay. "May dragunov sniper rifle siya. Gusto mong kunin?"
"I don't know how to use that. I'll stick with my XM8."
"Anong nilalaro niyo?" Parehas na nawala ang atensyon nina Lora at Yzra sa kanilang nilalaro nang dumating ang batang babaeng may itim na buhok at mga esmeraldang mata.
"Who is she?" pabulong na tanong ni Lora kay Yzra. Bumahid naman ang lungkot sa mukha ni Yzra.
"She's my ate."
"You must be Lora, our cousin. Daddy told me to introduce myself. Hi, I'm Arima," nakangiting pagpapakilala ng bagong dating na batang babae at inilahad ang kaniyang kamay.
Tinanggap naman ito ni Lora at nakipagkamay. "Wanna play with us?" aya niya pa. Lumungkot ang ngiti sa labi ni Arima at nag-aalalang tiningnan ang kaniyang kapatid.
"No, I'm good," pagtanggi ni Arima. "Can I ask you a favor though?"
"What favor?" takang tanong naman ni Lora sa kaniya pabalik. Lumapit sa kaniya si Arima at bumulong sa kaniyang kaliwang tainga.
"Please don't leave my sister alone. Stay by her side."
- X -
"Lora shouldn't be too closed to Yzra," wika ni Izeno sa kaniyang kapatid at sa asawa nito nang maiwan silang tatlo sa kaniyang opisina.
"Bakit naman, kuya? Lora looks like she's having fun when she's playing with Yzra."
"You don't understand it at all, Iris. Yzra has Keres' Blood."
"So what? Keres' Blood is just a mutation of Curtain Fall. Not some kind of infectitious disease, brother," pangangatwiran naman ni Iris sa nakakatanda niyang kapatid. Napailing na lamang si Izeno.
"What do you think, Loren? You're the father after all," pagbabaling ng tanong ni Izeno sa asawa ng kaniyang kapatid. Seryosong nagkatinginan ang mag-asawa bago sumagot ang lalaki.
"I want the best for my daughter. I want her to be the best version of herself. She'll only achieved that if she sticks around with Yzra."
-
Note: This was supposed to be my 5th anniversary special, but I was late for almost two days. Stay safe, my shards, and God bless always.
May 14, 2020 UPDATE
Not edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top