Chapter XXXVII: Abducted

A R I M A

"Mag-usap tayo sa labas," ani Lora at pinangunahan ang paglabas sa emergency room. Walang imik naman siyang sinundan ng dalawang lalaki. Napailing na lang ako't sumunod na rin sa kanila.

"What did you do to her, Saiz?" Ang boses ni Lora ay nanginginig sa galit. Sinubukan ko siyang hawakan sa kaniyang balikat upang siya'y pakalmahin, ngunit marahas niyang inalis ang aking kamay. "Tell me what did you do to her!" bulyaw ni Lora at mahigpit na hinawakan si Loris sa kuwelyo.

"Let go of me, Bourbon," malamig na wika ni Loris. Dama ko sa kaniyang tinig na hindi niya nagugustuhan ang inaasta ng aking pinsan. Tinapunan ko naman ng tingin si Cyllan at sinenyasan siya sa pamamagitan ng aking mga mata.

"Lora," pagtawag ni Cyllan sa kaniyang kababata. "Let's hear his explanation first. Let's be rational, okay?"

"Galingan mong gumawa ng dahilan, Saiz. Isang maling salita lang, hindi ako magdadalawang-isip na pugutan ka ng ulo rito mismo," pagbabanta ni Lora at buong puwersa na pinakawalan si Loris, dahilan upang siya'y bumagsak sa sahig. Tutulungan ko na sana siyang tumayo ngunit tinanggihan niya ito't mag-isang tinayo ang sarili.

"Matatakot na ba ako?" sarkastikong sambit ni Loris habang pinapagpagan niya ang kaniyang sarili.

"Binibigyan kita ng pagkakataon. Huwag mong sayangin ang oras ko."

"Ano ba talagang nangyari?" pagitna ko sa kanilang dalawa upang hindi na tumaas pa lalo ang tensyong pumapaligid sa amin. Napahinga nang malalim si Loris at napahilamos sa kaniyang mukha.

"Masyadong naging mabilis ang pangyayari," sagot niya.

Napapitlag ako sa gulat nang isang punyal ang lumipad patungo sa kaniyang direksyon. Nadaplisan nito ang kaniyang pisngi, dahilan upang mabahiran ng dugo ang kaniyang mukha.

"Lora, calm down!"

"Don't get in my way, marquess." Mas lalong tumalim ang mga tingin ni Lora. This side of her sent chills to my spine. Hindi ko inaasahang makikita ko ang ganito niyang pagkatao. "Hindi ako nagbibiro, Saiz."

"Ano pa bang gusto mong marinig mula sa akin? Sinabi ko na ang lahat sa inyo sa telepono pa lang!"

"And you expect us to believe your statement? Huwag mo kaming gawing mangmang—huwag mo kong gawing mangmang."

"I'm not trying to make you a fool, Bourbon!" Napasabunot na lang si Loris sa sarili niyang buhok dahil sa pagkasiphayo. "Lagpas sa isang pagkakataon ang mayro'n ako upang saktan si Yzra, alam mo 'yon! Kung may balak akong gawin 'yon, matagal ko na sanang ginawa!"

Akmang sasagot pa sana si Lora, ngunit naunahan na siya ni Cyllan sa pagsasalita.

"Marami tayong oras upang pagbayarin kung sino man ang may sala, Lora. Sa ngayon, alalahanin muna natin ang kalagayan ng pinsan mo. Siguraduhin muna nating ligtas na siya," wika ni Cyllan at hinawakan si Lora sa magkabila niyang balikat. "Pumasok na tayo muli sa loob. Baka kanina pa tayo hinahanap ng doktor upang balitaan."

Napipilitan namang tumango si Lora. Inakay siya ni Cyllan papasok muli sa emergency room. Tahimik naman kaming sumunod sa kanila ni Saiz.

"Sinong doktor ang nakausap niyo?" tanong ko kay Saiz habang nililibot ang aking tingin sa abalang kuwarto ng ospital.

"I didn't manage to get her name."

"Ilang minuto na ba ang lumipas? Hindi ba dapat ay binabalitaan niya na tayo?" Kung hindi ako nagkakamali, pamilya ng mga doktor ang Saiz kaya may kaalaman pagdating sa ganito si Loris.

Sinagot niya ako ng isang tango. "Sisilipin ko muna kung ano nang nangyayari," paalam niya't naglakad patungo sa isang puting kurtina. Nang ito'y kaniyang hawiin, kita ko ang paglaki ng kaniyang mata kaya agad ko siyang nilapitan.

"Bakit? Anong nangyayari?" takang tanong ko. Mas nilawakan niya ang pagkakahawi ng kurtina. Naramdaman ko naman ang panghihina ng aking mga tuhod nang madatnan kong walang pasyenteng nakahiga sa kama.

"She's not here. . ." Nagmamadaling lumapit sina Cyllan at Lora sa amin.

"Bullspit!" sigaw ni Lora't walang pagdadalawang-isip na hinawi lahat ng puting kurtina sa emergency room. "They wouldn't move Yzra to her room without us knowing. Someone took her."

Natigilan kaming apat nang makarinig kami ng isang malakas na ingay na nanggagaling sa labas.

"A helicopter!" I exclaimed and rushed outside. Malalakas na hangin ang sumalubong sa akin. Prinotektahan ko ang aking mga mata laban sa mga alikabok na nagliliparan gamit ang aking braso. "Loris, where's the limousine?!"

"Over there!" sagot niya't tinuro ang kulay gintong sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan.

"Let's go! I'll drive!" Binilisan ko ang aking takbo papunta sa kotse. Maigi na lamang at nakasusi na ito. Kailangan ko na lamang buhayin ang makina. Nang makasakay na silang tatlo, walang pagdadalawang-isip kong tinapakan ang silinyador at pinaharurot ang limousine.

"Where are they headed?" Hindi ko magawang tumingin sa langit 'pagkat kailangan kong ipako ang aking titig sa daanan upang maiwasan ang mga kotseng kasalubong namin.

"Eleven o' clock!" sagot naman ni Lora habang nakadungaw ang kaniyang ulo sa bintana (na napakadelikadong gawin). "Wala ka na bang ibibilis, Arima?!"

"Hanggang dito na lang ang bilis ng limousine," ani ko't pinaling pakaliwa ang manibela, dahilan upang mabilis na lumiko ang kotseng aming sinasakyan. Hindi ko man nakikita, ngunit narinig ko ang pagtama ng likod na parte ng sasakyan sa isang poste.

"Arima!"

"Sorry, I was used to driving shorter vehicles."

"Please save us from any pursuits."

"They're going three o' clock!" pamamalita ni Loris. Agad akong nataranta nang makita kong wala akong malilikuan. Screw this!

Bumusina ako nang bumusina upang kusang magsialisan ang mga sasakyan at mga tao sa aming daraanan. Nang may makita akong kanto sa kanan, mabilis kong pinaling ang manibela. Nanlaki ang aking mata sa naabutan.

"There's barricade!"

"Wala tayong panahon para makipagsagupaan sa mga pulis, Arima! Lagpasan mo na lang sila! Banggain mo!"

"I can't, Lora! It's not the police! It's the Deathstalkers!" Madiin kong tinapakan ang preno upang hindi kami bumangga sa kanila.

"Bullspit!" Inis na inis na pinadyak ni Lora ang kaniyang dalawang paa, dahilan upang mabali ang takong ng sapatos na kaniyang suot-suot. Bumaba ako ng sasakyan upang kausapin ang aming mga tauhan.

"That's a nice drift, princess," bungad sa akin ng isang lalaki at kung hindi ako nagkakamali, siya ang bagong itinalaga ni dad bilang baron.

"What do you want?"

"The emperor told us to stop you."

-

Note: Thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.

September 21, 2020 UPDATE
Not edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top