Chapter XXXVI: The 4th of July Ball (Part II)

"WOULD YOU like to dance?" pag-aaya ni Galen kay Arima nang magsimulang tumugtog ang isang mabagal na kanta. Napangiti naman ang dalaga.

"I'd love to." Tinanggap ni Arima ang kamay ng binata at magkahawak-kamay nilang tinungo ang malawak na espasyo sa sentro ng kinaroroonan nilang gusali, kungsaan nagsasayawan din ang ibang estudyante.

"Gusto mo rin bang sumayaw?" tanong ni Cyllan sa kaniyang nakababata habang pinapanood niyang maglakad papalayo sina Arima at Galen. Hindi naman sumagot si Lora at nanatili ang kaniyang tingin sa malayo.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Cyllan, ngunit wala pa rin siyang natanggap na sagot. Napabuntong-hininga na lamang siya bago sinundan ang tingin ng dalaga. Sandali siyang natigilan nang mapagtanto niya kung sino ang tinitingnan ng kaniyang nakababata.

"Why didn't you kill her?"

"I don't know. My gut keeps on telling me to keep her alive," nakakibit-balikat na turan ni Lora at sumimsim ng iced tea na pasimple niyang hinaluan ng alak habang sila'y kumakain kanina.

"You're breaking the rules, Lora." Bumubulong man ay may diin sa bawat salitang binitawan ni Cyllan. Muling nagkibit-balikat ang dalaga.

"Tayong dalawa lang naman ang nakakaalam na nandoon si Montenegro noong gabing iyon. Kung wala kang pagsasabihang iba, wala tayong magiging problema," pangangatwiran ni Lora, dahilan upang masahiin ni Cyllan ang kaniyang sentido.

"Hindi ako ang problema. Kapag nagsalita si Francilla, malilintikan tayong dalawa at madadamay ang buong organisa—"

"What are you two talking about?" takang tanong ni Yzra nang mapansin niya ang kunot sa noo ng markes. Sa totoo lamang ay kanina pa niya pinapanood ang pagbubulungan ng dalawa, ngunit hindi niya mawari ang mga salitang lumalabas sa labi ng dalawa dahil sa ingay ng tugtugin sa paligid.

"It's nothing— hey!" Hindi napigilan ni Lora ang kaniyang pagsigaw nang biglang agawin ni Cyllan mula sa kaniya ang kaniyang inumin. Walang pakundangan itong nilagok ng binata at inubos. Napairap na lang si Lora sa ginawa ng kaniyang nakababata.

"Would you excuse us for a minute, Bourbon and Gonçalves?" biglaang paalam ni Loris, dahilan upang mabaling sa kaniyang atensyon ng tatlo. Kinuha niya ang kamay ni Yzra at marahan itong hinila patayo. "Come with me."

"Wait, where are you going?"

"Outside. Don't worry, we'll just talk," huling sabi ni Loris bago tuluyang umalis habang hila-hila si Yzra.

"What's wrong? Don't tell me you're still mad about the drink?" tanong ni Cyllan sa kaniyang nakababata nang makita niya ang pagseryoso ng ekspresyon nito. Humalukipkip naman si Lora.

"Biglang akong kinutuban, Cyllan. Sundan mo si Yzra kapag hindi pa sila bumalik dito ni Loris pagkalipas ng tatlong minuto."

"We're outside. Can you let go of my hand now?" malamig na wika ni Yzra sa lalaking kasama nang makarating sila sa kanilang destinasyon. Mabilis namang bumitaw si Loris, alinsunod sa pinag-uutos ng dalaga.

"Talk."

"It's about The Crest," panimula ni Loris. "Trever and I went back to that bar the next day, but we came too late. Pagdating namin do'n, malinis na ang lahat— wala kaming nakuhang kahit anong ebidensya."

"And the androids?"

"They're also gone. Pinapasara na ang bar noong dumatal kami roon. We're already locating their possible new hideout, but for now, I want you to be careful," pagbibigay babala ni Loris, ngunit mukhang hindi ito alintana ng dalagang kausap niya. "Alvarez—"

"I'm not a fool, Saiz. You don't have to tell me twice," pagputol ni Yzra sa sasabihin ng binata. "How long do you think it will take to find their new location?" tanong niya't dahan-dahang humakbang papalayo kay Loris at papalapit sa maliit na tulay na dinaanan nila papasok ng hardin.

"Hindi ko pa masasabi. We could really use Bourbon's help—" Muling naudlot ang sasabihin ni Loris nang umalingawngaw ang sigawan sa pook at dumilim ang paligid. Nagmamadaling nilapitan ng binata ang dalaga.

"Let's go inside. It's not safe here," wika ni Loris at hinawakan sa ikalawang pagkakataon ang kamay ni Yzra, ngunit laking gulat ng binata nang bumagsak ang katawan ng dalaga sa sahig ng tulay.

"Bullspit!" Agad na sinuri ni Loris si Yzra, inaalam kung may tama ba ito ng bala kungsaan. "Don't close your eyes, Alvarez! Stay awake! Stay awake!" natatarantang sigaw niya at mahinang tinapik-tapik ang pisngi ng dalaga upang panatilihin siyang gising.

Sumindi muli ang mga ilaw; nagliwanag ang paligid. Sakto namang dumating si Cyllan at nadatnan ang sitwasyon ng dalawa. Buong liksi siyang tumakbo papalapit sa kanilang kinaroroonan.

"What did you do?!" Nanlilisik ang mga mata ni Cyllan habang hawak-hawak niya ang kwelyo ng hwegong suot-suot ni Loris.

"We don't have time for this, Gonçalves. She has no gunshot wounds nor external bleeding, but she's breathing heavily. We need to take her to the hospital right now!" Sandaling tinapunan ng tingin ni Cyllan ang ngayon ay walang malay na si Yzra bago pinakawalan si Loris.

"Wait here. I'm going to call Arima and Lora."

"We don't have time! You can drive a limousine, right? Phone them on our way to hospital." Inihagis ni Loris ang susi ng sasakyan kay Cyllan at walang hirap na binuhat si Yzra.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang dalawang binata at patakbong tinungo ang nakaparadang kotse. Nang makasakay, agad na binuhay ni Cyllan ang makina at inapakan ang silinyador.

"The nearest hospital is at Flaxen Avenue, ten minutes away from here. Do you know where that is?"

"I got it. Just focus on monitoring the princess's vital signs," turan naman ni Cyllan at mas diinan pa ang pagkakaapak sa silinyador, dahilan upang maabot nila ang limit ng tulin.

"Her pulse is getting weaker!" sigaw ni Loris habang nakalagay ang dalawa niyang daliri sa leeg ni Yzra, dinadama ang pagtibok ng carotid artery nito. Hindi naman na mapakali si Cyllan at nagpabalik-balik ang kaniyang tingin sa daan at sa likurang upuan ng sasakyan.

"C'mon, Gonçalves! We can't lose her!" bulyaw muli ni Loris, dahilan upang mapasuklay si Cyllan sa kaniyang buhok at mariing napakagat sa kaniyang ibabang labi.

"I can't go any faster, Saiz. It's againsts avaries' law," pangangatwiran ni Cyllan habang abala siyang lampasan ang mga kotseng mas mabagal ang takbo sa kanila.

"Forget the rules, Gonçalves! Her temperature is dropping!"

-

Note: Thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.

September 5, 2020 UPDATE
Not edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top