Chapter XXXVI: The 4th of July Ball (Part I)

"HER PULSE is getting weaker!" sigaw ni Loris habang nakalagay ang dalawa niyang daliri sa leeg ni Yzra, dinadama ang pagtibok ng carotid artery nito. Hindi naman mapakali si Cyllan at nagpabalik-balik ang kaniyang tingin sa daan at sa likurang upuan ng sasakyan.

"C'mon, Gonçalves! We can't lose her!" bulyaw muli ni Loris, dahilan upang mapasuklay si Cyllan sa kaniyang buhok at mariing napakagat sa kaniyang ibabang labi.

"I can't go any faster, Saiz. It's againsts avaries' law," pangangatwiran ni Cyllan habang abala siyang lampasan ang mga kotseng mas mabagal ang takbo sa kanila.

"Forget the rules, Gonçalves! Her temperature is dropping!"

Three hours earlier. . .

"We've been standing here for five minutes already. Sigurado ka bang malapit na si Saiz?" naiinip na tanong ni Lora sa kaniyang nakababatang pinsan, dahilan upang mapatingin si Yzra sa relong kaniyang suot-suot.

"Malapit na ring magsimula ang event. Baka mahuli tayo kahihintay sa kaniya. Gamitin na kaya natin ang landaulet?" mungkahi naman ni Arima habang tumitingin sa kaliwa't kanan, inaabangan ang limousine na susundo sa kanila.

"Galen is with Loris. Are you sure you don't want to wait?" Agad namang natigilan si Arima dahil sa sinabi ng kapatid. Napuno ng pagtataka ang kaniyang mukha.

"How did you know he's my date tonight?"

"What?! That Da Silva is your partner?" Hindi na maipinta ang mukha ni Lora sa sobrang pagkagulat. Napahinga na lang nang malalim si Arima.

"You want me to investigate him, remember? So here I am, doing my job."

"Investigate him? What for?" singit naman ni Cyllan, dahilan upang mabaling sa kaniya ang atensyon ni Arima.

"He is Lora's main suspect for the SEDRIMO accident," simpleng tugon ni Arima. "Lora didn't bother to tell you?" nagtatakang tanong niya sa binata.

"They're here." Sabay-sabay na napatingin sina Arima, Lora at Cyllan sa direksyon kung saan nakatingin si Yzra. Agad naman nilang natanaw nila ang papalapit na sasakyan. At kagaya ng ipinangako ni Loris, isa itong limousine na may kulay gintong panlabas.

"You're seven minutes and three seconds late," walang emosyong bungad ni Yzra sa binatang kabababa pa lamang mula sa kotseng sinasakyan.

"I'm sorry. I heard Lora Bourbon is celebrating her birthday today, so I decided to buy her flowers before picking you up," pahingi ng paumanhin ni Loris at inabot kay Lora ang bungkos ng mga bulaklak na kaniyang hawak-hawak. "Happy birthday."

"Uhm. . . thanks." Tinanggap ni Lora ang bungkos ng mga bulaklak at pilit na ngumiti sa binata habang tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga katagang: this is awkward.

"Let's go?" Pinagbuksan ni Loris ng pinto ang mga dalaga. Naunang sumakay si Arima. Sa kaniyang pagpasok sa kotse, napansin niya ang isang binatang nakaupo sa sulok na seryosong nakatingin sa laptop na nakapatong sa mga hita nito. Dahan-dahan niyang nilapitan ito.

"Hi!" nakangiting bati niya sa binata, dahilan upang mabaling sa kaniya ang atensyon nito. Nag-aalangan itong kumaway sa kaniya bilang pagbati pabalik.

"May I sit beside you?" tanong ni Arima na sinagot naman ng binata ng isang tango.

"Can I offer you a drink?" alok ni Loris sa apat nang magsimulang umandar ang limousine.

"I'm fine, thank you."

"I'm good, but thanks."

"Do you have vodka?" Mabilis na nangunot ang noo ni Cyllan sa naging tanong ni Lora. Hindi naman ito nakaligtas sa paningin ng dalaga. "You better chill, Cyllan. I'm just asking."

"What are those codes for?" pag-uusisa ni Arima nang silipin niya ang ginagawa ng katabing binata. Sandali naman siyang tinapunan nito ng tingin, ngunit agad itong bumalik sa pagtitipa ng mga letra. "Oh. . . okay."

"Dude, do you want Libby to pinch your ears?" tanong ni Loris sa kaibigan, dahilan upang muli itong mag-angat ng tingin. Tatlong beses siyang umiling. "Communicate with her properly, then!"

"I can't," tipid na sagot ni Galen gamit ang malalim niyang boses. Kinalabit niya si Arima at tinuro ang screen ng kaniyang laptop. "Read."

"I'm just experimenting. What's your name again?" Ilang beses na napakurap si Arima matapos niyang basahin ang nakasulat sa screen ng laptop. Lubos niyang ikinabigla ang kakatwang pamamaraan ng pakikipag-usap ng binata.

Upang masabayan si Galen, kinuha ni Arima ang kaniyang telepono mula sa maliit na bag na kaniyang dala-dala at nagsimulang magtipa.

I'm Arima. Nice to meet you.

"We're here," pamamalita ni Loris sa mga kasama nang tumigil ang sasakyan sa pinakamalaking hardin sa siyudad ng Medallion.

"I've heard about this garden before," may pagkamanghang saad ni Cyllan habang pinagmamasdan niya ang mga parol na gawa sa papel na nakasabit sa mga puno.

"It's really beautiful. Dorothy and Ashanti's meeting must be so magical," ani Lora habang marahan niyang hinahawakan ang isang bulaklak mula sa paarkong baging.

"You'll be happier if you see this, Lora." Nagdudumaling tinahak ni Lora ang maliit na tulay, dahilan upang makita niya ang maliit na danaw na napupuno ng mga bulaklak na lotus.

"Seems like the birthday girl loves the venue," mahinang sabi ni Loris sa katabing binata. Tumango-tango naman ito.

"Well, lotuses are her favorites," nakangiting tugon ni Cyllan bago nila sabay na nilapitan ang kanilang mga kapareha.

"Tara na sa loob." Inalok ni Cyllan ang kaniyang bisig sa kaniyang nakababatang si Lora.

"Let's go." Walang pag-aalinlangang kumapit sa kaniya ang dalaga habang may nakaguhit na matamis na ngiti sa mga labi nito.

"If I offer my arm, will you accept it, Alvarez?"

"No," tipid na turan ni Yzra at binigyan ng isang blangkong tingin ang kaniyang kapareha.

"As I anticipated." Napakamot na lang ang binata sa kaniyang batok. "After you, my muse." Bahagyang tumabi si Loris upang bigyang daan ang binibini. Hindi naman na nag-aksaya pa ng oras si Yzra at nagsimulang maglakad papasok sa gusaling nakatayo sa gitna ng hardin.

"Ngayon ko lamang napansin. Naiwan mo yata ang iyong laptop sa limousine," pagbabasag ni Arima sa katahimikang namumuo sa pagitan niya at ni Galen.

"Can't bring it."

"Why if I may ask?"

"Libby." Muling bumalik naman sa alaala ni Arima ang mga sinabi ni Loris sa kasama niyang binata. Napabuntong-hininga na lamang siya.

"Don't worry. Keep talking to me if you like."

"Are you sure?"

"Sure."

"Shall we go inside then?"

to be continue. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top