Chapter XXXV: Damsel in Distress

L O R A

"How I wish we can come with you," ani Arima habang bumababa sila ni Yzra mula sa sinasakyan naming landaulet.

"Sa'yo na rin mismo nanggaling-- we should stick to the rule," wika ko naman, dahilan upang siya'y mapanguso sa pagkadismaya. "Nakakabagot, 'di ba? Now you know how it feels," dagdag ko pa na may kasamang pang-aasar.

"Oo na! Oo na! Magpakasaya ka diyan sa misyon mo," naiirita naman niyang turan at nauna nang pumasok sa gusali. Mahina naman akong napatawa dahil sa kaniyang naging reaksyon.

"I know you don't need it, but good luck," walang emosyon sabi ni Yzra habang siya'y nakayuko at nakasilip sa bintanang malapit sa akin.

"Hindi mo man lang ba ako bibilinan na kuhanan ng video ang gagawin ko mamaya?" pabiro kong tanong sa kaniya.

"You can't do that, stupid." Tumalikod siya't nagsimulang maglakad papalayo. Nanlaki naman ang ang aking mata nang mapagtanto ko kung ano ang tinawag niya sa akin.

"Did you just insult-- How dare you!" sigaw ko ngunit imbis na ako'y kaniyang lingunin ay itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at ito ay kaniyang kinaway. Natatawa naman akong napairap.

"Is it just me or Princess Yzra is improving?" tanong ni Cyllan sa akin bago inapakan ang silinyador, dahilan upang magsimulang umandar ang kotseng aming sinasakyan.

"Well, Uncle Izeno's not here. She does not need to limit the words that will come out from her mouth."

"Are you saying that Emperor Izeno is the reason behind her silence?" Nakakunot-noo ko siyang tiningnan.

"You seriously don't know?" Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa daang aming tinatahak.

"Nope, and this is the first time you ever said that to me." Habang papalapit kami nang papalapit sa sentro ng Medallion ay padami rin nang padami ang mga gusaling nakatayo sa gilid ng kalsada.

"Huwag na nga natin iyan pag-usapan. Yzra despises people who talk behind her back. Why don't we talk about your first theraphy session last night instead? Anong sabi sa'yo ni Duke Thunder?"

Dahan-dahang inapakan ni Cyllan ang preno nang makita niyang nagpula ang ilaw trapiko. Binaling niya ang kaniyang tingin sa akin habang nakatigil ang sasakyan.

"He said it's a process. Kailangan naming unti-untiin ang mga hakbang para maging maganda ang resulta. He'll see me again next week," turan niya at huminga nang malalim. "I was actually pretty tense and scared when we started. Kumalma na lang ako noong pumasok ka na nang kuwarto."

"Hay nako. . . Paano ka na lang kaya kung wala ako?"

Nagberde ang ilaw trapiko, dahilan upang ibalik ni Cyllan ang kaniyang tingin sa daan at muling paandarin ang landaulet. Bumalot ang katahimikan sa loob ng kotse. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga taong naglalakad sa bangketa.

"I heard Emperor Loren gave you a birthday gift yesterday," pagbabasag niya sa katahimikan. Nanatili ang tingin ko sa labas.

"Mom. It's mom who gave the gift. Pinakisuyo niya lang kay dad na ibigay sa akin," paglilinaw ko.

"What did you get?"

"A ring."

"A ring?" Bakas sa kaniyang boses ang pagtataka. Maging ako ay hindi siya masisisi dahil ganiyang-ganiyan din ang aking naging reaksyon nang makita ko ang regalo na inihandog sa akin ni mom.

"What a weird gift, right? But perhaps mom's trying to tell me that dad is going to arrange me a marriage with a complete stranger once I turn eighteen." Napabuntong-hininga na lang ako.

"I don't know what to say."

"It's fine. I don't need comfort anyways. I know he only wants the best for me. And if circumstances permit, he'll change his mind." Saktong huminto ang sasakyan. Mukhang nakarating na kami sa aming destinasyon.

"That's weird. Wala pang ikapito ng gabi pero wala nang katao-tao sa lugar na ito," kumento ni Cyllan nang iikot niya ang kaniyang tingin sa paligid ng hotel. "May kinalaman ka ba rito?" tanong niya sa akin.

"None, I have nothing to do with this. At isa pa, hindi ba't naipaliwanag ko na sa'yo kanina kung anong klaseng tao si Gomez? Ito ang lungga ng mga katulad niya," sagot ko habang ako'y abala sa pag-aayos ng baril na aking gagamitin.

"Nag-aalala ako para sa'yo. Kahit na sabihin nating isang hamak na avarie lamang siya ay tulad mong mga babae ang kaniyang binibiktima." Inabot niya sa akin ang dalawang itim na guwantes.

"Tatawagan kaagad kita kung may nangyaring hindi kasama sa plano." Inayos ko ang pagkakasuot ng earpiece sa aking tainga. "Habol ko na ang oras; kailangan ko nang kumilos."

"Mag-iingat ka-"

"Shoot! That's Gomez! He's getting away!" Mabilis akong bumaba mula sa landaulet at nagdudumaling hinabol ang lalaking kalalabas lang mula sa hotel. Matulin ang kaniyang pagtakbo habang sinusundan ang babaeng tumatakbo papalayo sa kaniya.

"Help! Someone! Help me!" sigaw ng dalaga sa pagitan ng kaniyang malalim na paghinga. Bakas sa kaniyang boses ang hingal.

Napakagat na lang ako sa aking ibabang labi. My desert eagle can't reach him from this distance. Kailangan kong mas makalapit pa sa kaniya.

Mas binilisan ko ang aking takbo, gayunpaman ay hindi niya pa rin alintana ang aking presensya. Hindi ko napigilan ang aking sarili na ngumisi.

Good job, Lora. You still got your assassin's footsteps.

"No, no, no!" Bumuhos ang luha ng dalaga nang isang pader ang kaniyang madatnan sa kaniyang pagliko. Mabilis akong nagtago sa likod ng mga nakatambak na karton nang lumingon siya sa direksyon namin ni Gomez.

"Please, Mr. Gomez. . ." Umalingawngaw ang hagulgol ng babae sa eskinitang aming kinaroroonan. "Hayaan niyo na lang po ako. Patakasin niyo na lang po ako," pagmamakaawa niya sa matandang lalaki.

"Para ano, hija? Para maisumbong mo ako sa pulis? We both know that's not gonna happen."

"Hindi po ako magsusumbong sa pulis. Pangako, hindi po ako magsusumbong sa pulis. Parang awa niyo na po. . . pakawalan niyo na lang po ako."

"I already told you, hija. Just give me what I want and you're free to go." I can't take this anymore.

"A bullet in your brain? Is that what you want, old man?" Agad niyang nilingon ang pinanggagalingan ng aking boses. Lumabas naman ako mula sa aking pinagtataguan at itinutok ang aking baril sa kaniya. "Lucky! I can give you that." Awtomatiko niyang itinaas ang kaniyang dalawang kamay sa ere.

"Si. . . Sino ka?"

"Calm down, old man. You might pee in your pants." Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya. Sa bawat hakbang ko papalapit ay siyang hakbang niya naman papalayo sa akin.

"A-Anong kailangan mo sa akin?"

"Huwag kang gumalaw!" pasigaw kong utos, dahilan upang mapako ang kaniyang mga paa sa kaniyang kinatatayuan.

"Gusto mong malaman kung anong kailangan ko sa'yo?" tanong ko sa kaniya habang patuloy ako sa paglapit. "Ito!" bulyaw ko't binigyan siya ng isang malakas na sipa sa kaniyang sikmura. Napaupo siya sa sakit.

"Ito!" Buong puwersa kong tinuhod ang kaniyang mukha. Umagos pababa ang dugo mula sa kaniyang ilong. "Akala mo ba diyan lang nagtatapos?

Hinang-hina niyang hinawakan ang aking kanang kamay at sinubukang agawin mula sa akin ang aking baril. Namuo ang inis sa akin.

"Do not touch me, you lowlife!" Walang pagdadalawang-isip kong ipinutok sa kaniyang ulo ang baril, dahilan upang mapahiyaw ang dalagang kanina pa nanonood sa amin-- sa akin.

Bumagsak ang katawan ni Gomez sa malamig na semento. Sinipa ko ito papalapit sa dalaga. Muli siyang humiyaw na siya namang ikinatuwa ko.

"Hindi ko akalaing magkikita tayo rito. Nakikilala mo ba ako, Francilla Montenegro?" nakangiting bati ko sa dalaga habang pinaglalaruan sa aking kamay ang baril na aking hawak-hawak.

"Thank you, Lora! You saved me! Thank you so much!"

"Shh. . . Don't celebrate yet, my dear classmate. Killing Conrad Gomez left me unsatisfied and I'm craving for more. Say, can I kill you too?" Bumalik ang takot sa kaniyang mukha. Hindi na ito maipinta sa sobrang pagkasindak.

"No, no, no. . . Please. . . don't kill me. I'll do anything you ask! I'll do everything!" Mahigpit niyang hinawakan ang aking libreng kamay, ngunit agad ko rin itong iwinaksi.

"Your death is inevitable. You saw me kill Gomez. I can't let you live. No witnesses should lived."

-

Note: Thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.

July 19, 2020 UPDATE
Not edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top