Chapter XXXIX: Another Alvarez
L O R A
"You want to help me?" pag-uulit ko sa kaniyang sinabi. Tumango naman siya sa akin at tiningnan ako gamit ang mga mata niyang punong-puno ng determinasyon. Napangisi na lamang ako. "Okay, let's see what you've got."
Walang pasabing kinalabit ko ang gatilyo ng hawak-hawak kong baril. Kasabay ng paglaki ng kaniyang mga mata ang paglawak ng ngiti sa aking labi. Mabilis siyang napahiga sa sakit nang tumama sa kaniyang kanang balikat ang bala na aking pinakawalan.
"I can't believe you've just put your guard down at gunpoint," pang-aasar ko kay Arima habang pinapanood ko siyang mamilipit sa hapding kaniyang dinadanas. Usually, that kind of shot wouldn't hurt her, but of course, I've caught her by surprise.
And now she've caught me by surprise.
Agad kong nabitawan ang desert eagle nang sipain niya ang aking kamay. Maigi na lamang at malayo ang aking daliri sa gatilyo dahil kung hindi, malaki ang tsansa na muli kong mapaputok ang baril. Who knows where the bullet will hit her?
Nang masiguradong wala na sa aking hawak ang baril, tumalon siya padagan sa akin at ipinako ako sa sahig. Inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa aking leeg.
"You're unbelievable!" sigaw niya't hinigpitan ang hawak sa aking leeg, dahilan upang sumikip ang daanan ng hangin sa aking lalamunan at mahirapan akong huminga.
She could've won this duel if she didn't make a little mistake—she forgot to restrain my hands.
Muli siyang nanghina sa sakit nang madiin kong hinawakan ang balikat niyang may tama ng bala. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin leeg. Hindi na ako nagsayang ng oras at agad kong kinuha ang pagkakataong mapagpalit ko ang posisyon naming dalawa. Ngayon, ako na ang nasa kaniyang ibabaw at siya naman ngayon ang aking napapailaliman.
"Thanks. . .I got it a lot," sagot ko sa kaniya habang hinahabol ko ang aking paghinga. Nakahanda na ang aking kamay na bigyan siya ng isang suntok sa mukha nang bumukas ang pinto ng aking silid.
Napabuntong-hininga na lang ako sa pagkadismaya. Umalis ako sa pagkakadagan kay Arima at tinulungan pa siyang tumayo.
"I'll get you a heilen capsule," wika ko't nagtungo sa mesang katabi ng aking kama. Ramdam ko ang pagsunod ng kanilang titig sa akin.
"You hide some heilen capsules from Tito Loren?" tanong ni Arima sa akin, tila hindi siya makapaniwala kahit na hindi naman ito ang unang beses na sumuway ako sa pinag-uutos ng aking ama.
"For emergencies," tipid ko namang sagot at naglakad pabalik sa kaniyang tabi upang iabot ang gamot na aming pinag-uusapan.
"Anong sa tingin niyong dalawa ang ginagawa niyo?" Tuluyan nang pumasok sa aking silid si Cyllan. Ang kaniyang mga bisig ay nakahalukipkip. Matalim ang tingin niya sa amin ni Arima.
"Didn't I tell you before to knock?" paglilihis ko sa usapan.
"I heard a freaking gunshot, Lora!"
"Fine, I'm sorry!" Hinagis ko ang aking dalawang kamay sa ere bago muling umupo sa harapan ng aking laptop. "I'm just trying to knock some senses to Arima, making sure she wouldn't side with her evil father again," pagdadahilan ko na alam ko namang hindi nila tatanggaping dalawa.
I admit; that was totally a dumb thing to do. Pero sa dami ng nangyayari sa paligid ko, hindi na talaga makasabay ang utak ko. Dalawang buwan pa lang kaming narito sa siyudad pero parang isang taon na ang nakalipas.
"Huwag na muna nating pag-usapan ang nangyari ngayong araw na 'to," ani Arima matapos niyang inumin ang heilen capsule. Kita sa kaniyang mukha ang paggaan ng kaniyang pakiramdam. "Alam mo na ba kung nasaan ang kapatid ko?"
Muli akong napahinga nang malalim dahil sa pagkadismaya. "I have no idea where is she this time. I've tried tracking her phone through CORA code, but I got nothing. Mukhang sinira nila ang phone ng kapatid mo para hindi natin sila masundan."
"Wala na bang ibang paraan?"
"Sinusubukan ko ngayong makakuha ng access sa system ng Pantheon. Sigurado akong may record sila ng mga pumapasok na sasakyan o tao sa Area 77. Ang kaso ay matatagalan akong makapasok dahil sa dami ng security," pagpapaliwanag ko. Nanlaki naman ang aking mata nang biglang may pumasok na ideya sa aking isipan.
"You have the contact of Galen Da Silva, right?" tanong ko kay Arima na sinagot naman niya ng tatlong magkakasunod na tango. "He can help us. Can you talk to him?"
"Okay. I'll just fetch my phone in my room."
"Paano ka nakakasigurado na kapuwa mafia natin ang dumakip sa pinsan mo?"
"It's a simple analogy, Cyllan. Avaries and cannibals are stupid. Only a mafia can outsmart another mafia," sagot ko at pinagdaop ang aking mga kamay. "And we both know what this means: they're declaring war againsts Deathstalkers and its affiliations."
Napailing na lamang siya. "Hindi maganda ang pakiramdam ko rito."
"I've contacted Galen," pamamalita ni Arima nang makabalik siya sa aking kuwarto. "He won't answer my calls, but I've texted him. He said he's on his way here," sabi niya pa habang pinaglalaruan niya ang kaniyang telepono sa kaniyang kamay.
"Hindi makakapasok si Da Silva rito. Pinakalat ni Velasco ang mga kawal," ani Cyllan, dahilan upang ako'y maguluhan.
"We're grounded?" takang tanong ko. Walang gana namang tumango si Arima sa akin.
"Dad and I fought. Pero ang bilin lang naman niya kay Velasco ay huwag tayong palabasin ng penthouse. It doesn't mean we can't accept a guest," pagpapaliwanag ni Arima na sinang-ayunan ko naman.
"I agree. And in case he'll be in our way, he's not a big problem anyway." Nagsimula ako muling magtipa ng mga code nang magpakita muli sa screen ng aking laptop ang isang kahina-hinalang pangalan.
"Arima," pagtawag ko sa atensyon ng aking pinsan. "Ilang Alvarez nga ulit ang nasa organisasyon?" Nangunot ang kaniyang noo.
"The three of us and there's. . .my father and your mother, so five," sagot niya habang nananatiling nakakunot ang kaniyang noo. "Bakit? May problema ba?"
"May kilala ka bang Izera Alvarez?" tanong ko muli. Hindi naman na napigilan nina Arima at Cyllan ang kanilang kuryosidad kaya sumilip na sila sa screen ng pagmamay-ari kong laptop.
"Her profile is empty," kumento ni Cyllan.
"Her status is also unknown. What's going on here?"
-
Thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.
DECEMBER 3, 2020 UPDATE
Not edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top