Chapter XXXI: Message Relayed
"I'LL REPEAT my question again. I want you to answer me honestly. Did you disobey the emperor's order again?" Binigyan niyang diin ang bawat salitang nagmula sa kaniya. Hindi tulad ng dati, ang ngiti sa labi ni Arima ay hindi na makikita. Matalim ang kaniyang tingin sa tatlo at siya'y nakabantay sa bawat galaw na gagawin ng mga ito.
Napairap naman si Lora sa pagkainis. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala nga kaming ginawa kagabi? Kung ikaw, hindi napapagod kakaulit sa tanong mo, puwes ako napapagod na akong ulitin ang sagot ko sa'yo," wika ni Lora at humalukipkip.
"Then, care to explain what happened to Cyllan's neck?" tanong ni Arima habang magkasalubong ang kaniyang kilay at tinuro ang binata na may benda sa kaniyang leeg. Napahinga naman nang malalim si Lora. Ang kaniyang mukha'y nabalot ng pagkadismaya.
"Since you went to a slumber party last night, we thought we should have some fun, too. So, we went clubbing last night, but this guy got into a fight with a jerk," pagkukuwento ni Lora. Sinubukang basahin ni Arima ang ekspresyon ng tatlo ngunit wala naman siyang makitang kahit anong bahid ng pagsisinungaling mula rito.
Nawala ang kunot sa noo ni Arima. Binaling niya sa kasama nilang lalaki ang kaniyang tingin. "How did you get wounded exactly? Kahit ang mga kawal ay hindi basta magagawang masugatan ng mga avarie. Ikaw pa kaya na isang markes?" takang tanong ni Arima.
"My apologies, Your Highness," sambit ni Cyllan at yumukod.
"You're lucky and he didn't get your carotid artery."
"It's not he's fault. The guy suddenly reached for his pocket knife while I was holding him back and managed to scratch him," pagtatanggol naman ni Lora sa kaniyang kababata mula sa sermon ni Arima.
Tatapusin na sana ni Arima ang pagkukuwestiyon sa tatlo nang mahagip ng kaniyang ilong ang dalawang amoy na hindi pamilyar sa kaniya. Muling nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
"Have you check the security footages for last night?" Naningkit ang mga mata ni Lora sa biglaang naging tanong ng kaniyang nakatatandang pinsan.
"What for?" takang tanong ni Lora.
"Oh, I see... You've got some company last night, haven't you?"
"Enough with your questions," malamig na wika ni Yzra at blangkong tiningnan ang kaniyang kapatid diretso sa mga mata nito. "What happened to the slumber party?" pagbabalik niya ng tanong kay Arima.
Sandaling natigilan si Arima dahil hindi niya pa napapag-isipan kung paano sasabihin sa kanila ang mga impormasyong nakalap niya kagabi. Lumunok muna siya bago sinimulang bigkasin ang mga pangungusap na kaniyang nabuo sa kaniyang isipan.
"Libby and Niana knew about our real identities since first day. Thanks to what have happened between you and Montenegro during your first encounter," panimula ni Arima at tinapunan ng tingin ang kanilang pinsan na si Lora.
"I won't get tired of saying it's not my fault," kumento naman ni Lora sabay irap sa kaniyang nakatatandang pinsan.
"With the two of them knowing, I think the rest of Minari knew about our secrets, too. But let's not worry about that because after all, they're no threat for us," pagpapatuloy ni Arima, dahilan upang mabalot ng pagtataka ang mukha nina Cyllan at Lora.
"Paano mo naman ito nasabi, kamahalan?"
"Didn't I tell you to drop the honorifics already?" sita ni Arima kay Cyllan. Napakamot na lang sa kaniyang batok ang binata. "And to answer your question, Libby and Niana actually asked for our help."
"What kind of help?"
"Iyon na nga ang susunod kong sasabihin, Lora. They asked us to help them find Ashanti."
"Ashanti? The nowhere-to-be-found deity betrayed by the avaries?" Ang mukha ni Lora ay halos hindi na maipinta sa pagkalukot ng kaniyang noo. Paulit-ulit iniisip ng dalaga kung saan patungo ang kanilang usapan ngunit lalo lamang siyang nauuwi sa pagkalito.
"What exactly did they tell you?" seryosong tanong ni Yzra at matalim na tiningnan ang nakatatandang kapatid. Hinugot naman ni Arima ang librong ipinahiram sa kaniya ni Libby mula sa bag na naglalamang ng mga gamit na dinala niya sa slumber party na dinaluhan niya kagabi.
"Pinahiram 'to sa akin ni Libby kung sakaling marami kayong katanungan. Lahat ng kasagutan ay mababasa niyo sa librong ito." Inabot ni Arima sa kaniyang pinsan ang aklat. Maingat naman itong kinuha ni Lora.
"That's a very old book. Please be very careful when you turn the pages," pahabol ni Arima na tinugon naman ni Lora sa pamamagitan ng isang tango.
"The Curtain Fall..." pagbabasa ni Cyllan sa pamagat ng libro na nakaburda sa katad nitong pabalat. "Dorothy Javier... Dorothy Javier?!"
"Interesting. I supposed she's the one who named the blood that runs through our veins. Dad will be surely pleased if he learned about this," kumento naman ni Lora habang sinusuri ang libro. "Where did she get this book?"
"Her parents gave it to her," maikling tugon ni Arima. Sinadya niyang iwan ang impormasyon na namatay na ang mga magulang ng dalagang kanilang pinag-uusapan dahil bukod sa hindi naman ito gaano kaimportante ay natatakot siyang masaktan niya si Cyllan nang hindi sinasadya.
"I better start examining this book. I'll be in my room if you need me," paalam ni Lora at tumayo. "And please... Do not forget to call me when the lunch is ready. My brain needs fuel in order to absorb every information I'll get by reading this book," dagdag niya pa bago tuluyang tinungo ang kaniyang silid-tulugan.
"I'll start preparing the lunch, then," wika naman ni Yzra at pumunta sa kusina.
"Mag-aayos muna ako ng mga gamit ko sa kuwarto," ani naman ni Arima at binuhat ang bag na nasa kaniyang tabi.
"Do you want me to help you?" tanong ni Cyllan at inialok ang kaniyang kamay para kuhanin ang dala-dalang bag ni Arima. Mabilis namang umiling ang dalaga.
"You should rest, Cyllan. That wound needs to heal."
-
Note: Hi there! It's me, Dakureimi. I just want to announce here, in case you haven't heard about it yet, that I recently created a facebook page where I'll be posting memes featuring the main cast of FH and where I'll be updating you about my upcoming stories.
Facebook Page: Dakureimi
Thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.
June 12, 2020 UPDATE
Not edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top