Chapter XXV: Plan

L I B B Y

"Ano?! Bakit nasa bar sina Galen?! Ang linaw-linaw ng usapan natin, Loris!" Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa inis. Kung kailan kailangang magseryoso, doon sila nagloloko. Hindi na sila nagtino!

[ Bakit ka sa akin nagagalit? Ako na nga itong tumupad sa usapan. ]

Ha! At nagawa niya pang mangatwiran. Silang lima ang magkakasama palagi, bakit hindi niya nagawang paalalahanan ang apat niyang kaibigan? Pasalamat siya't nasa likod siya ng monitor ng laptop kung hindi ay kanina ko pa siya nabatukan.

"So, anong gagawin natin ngayon? May mapapag-usapan ba tayong matino nang tayo-tayo lang?!"

"Calm down, Libby," mahinahong sabi ni Niana sa aking tabi at hinimas-himas ang aking likuran.

[ There'll be no another time. I need to catch up to the lessons, activities, and quizzes that I missed during the time I was absent. ]

"Whatever, Kath." Napairap na lang ako. Wala naman akong magagawa. Hindi ko kontrolado ang mga desisyon nila sa buhay. Naii-stress lang ako. Buti na lang at maganda pa rin ako.

[ Kumusta na ang mga magulang mo, Niana? Are they out of danger? ]

"Wala nang dapat ipag-alala si Kathnyce. Bumubuti na ang kalagayan ng mga magulang ni Niana. Pakisabi pala kay Ate Cadenza na lubos na nagpapasalamat si Niana sa tulong," sagot ni Niana. Bigla naman akong may naalala dahil sa naging tanong ni Kathnyce.

"Speaking of that incident, there's something you need to know," panimula ko.

[ Just spit it out. ]

"May lakad ka ba, Loris? Ba't ka nagmamadali? Nawawala tuloy sa isip ko iyong sasabihin ko," pagtataras ko at inis na napakamot sa aking ulo. "There's something odd about the cannibals that Niana and I fought. Somehow... they can talk. They can speak."

[ Are you sure about what you heard? ]

[ You're talking crazy. ]

[ Shut it, Loris. Don't look for a fight. ]

"Of course, I'm sure! At hindi rin ako nagbibiro. May maganda bang manloloko?" kampanteng sagot ko.

"Actually, Niana heard it too. The cannibal shouted," pagsegundo sa akin ng aking pinsan. Napangiwi si Kathnyce, tila malalim ang iniisip, habang si Loris naman ay mukhang hindi interesado sa aming pinag-uusapan.

[ Can I entrust you to investigate that case, Loris? For sure they didn't learn it by themselves. Someone's helping them, and I want you to figure out who that is. ]

[ I decline. May mga laban ako ngayong linggo, kailangan kong maghanda. ]

"Mas mahalaga pa ba talaga 'yang libangan mo? Buong lahi natin ang nakasalalay rito, Loris!" singhal ko. Umakto naman siyang tila naglilinis ng kaniyang tainga, dahilan upang mas lalo akong mainis.

[ Ano bang mangyayari kung malaman natin kung kanino sila natutong magsalita? May maitutulong ba 'yon sa kung paano natin sila matatalo? ]

[ I'm not gonna ask you the favor if I know it's useless. Out of all people, you do know how much I hate wasting time. ]

[ Then let Dendrich do it. Why does it always have to be me? ]

"You are unbelievable! Sa tingin mo may naitutulong 'yang pakikipagbasag-ulo mo sa mga tao?" Pilitin ko mang hindi ikunot ang aking noo sa sobrang galit dahil baka magka-wrinkles ang makinis kong balat ay talagang sinusubukan ako ng lalaking ito.

"May nalaman pala sina Niana at Libby na paraan upang pigilan ang mga cannibal at si Shantrini. Nakasulat ito sa epistolaryong nobelang sinulat ni Dorothy, ang matalik na kaibigan ni Ashanti," pag-iiba ni Niana ng usapan at ipinakita sa camera ang libro.

[ Where did you find that book? What does it say? ]

"It sounds impossible, Kath, but tell me you'll believe me," panimula ko. Nakita ko naman ang kaniyang pagtango bilang sagot. "We need to find Ashanti."

[ How? Even Shantrini, a deity herself, can't even find her. ]

"Sa totoo lang, Kath, hindi rin alam nina Niana at Libby ang gagawin. Naisip ni Libby na kuhanin lahat ng tulong na makukuha kaya gustong kausapin ni Libby ang mga Alvarez," ani Niana.

[ Don't. We're not gonna ask for their help. ]

"Pero, Kath, sila ang pinakaepektibong lapitan. Mataas ang ranggo nila sa Pantheon. Malakas ang kanilang sandatahan. They're allied with the Bourbons. Mabilis silang makakalap ng impormasyon," pangungumbinsi ko sa kaniya.

[ They're dangerous. We can't trust them. ]

"How come? Pare-pareho lang naman tayong Mafia. Pareho lang naman tayong may organisasyon na kinabibilangan."

[ You don't know a thing about them, do you? ]

"May dapat bang malaman sina Niana at Libby tungkol kina Arima, Yzra, Lora at Cyllan?" naguguluhang tanong ni Niana. Napabuntong-hininga na lang si Kathnyce.

[ Marami. And since we only got ten minutes left, I'll only make it short. Have you heard about the prince that annihilate his own organization decades ago? ]

"Are you telling me that the Alvarezes have something to do with that?" hula ko na sinagot niya naman ng isang tanong.

[ How about the Black Parade four years ago? Can you remember the executioner's face? ]

Agad kong inalala kung anong nangyari noong panahon na 'yon. However, the memories are all hazy. All I can picture out is a girl, probably same age as me, with a silky blonde hair and blank grey eyes. Ang kaniyang makinis at maputing balat ay nadungisan ng mapulang dugo.

Muling umugong sa aking tainga ang tunog na nalilikha sa tuwing tumatama ang hawak-hawak niyang kutsilyo sa walang buhay na katawan ng isang preso.

"Oh, is Kathnyce talking about the executioner that looks a lot like Yzra?" Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi ni Niana. Si Yzra ang batang babaeng iyon?

[ You seem surprised. You're too naive to not notice the big resemblance. ]

"I don't know what to say."

[ There's nothing to be afraid of of Yzra. She just simply can't control the Keres' Blood in her. ]

[ You don't know what you're saying, Loris. Paano kung bigla na lang siyang mawalan ng kontrol? She can kill us all. ]

[ Is that a discrimination for the likes of us? ]

"Loris is also a carrier of Keres' Blood, Kathnyce. Kung kaya ni Loris na kontrolin ang Keres, nasisigurado ni Niana na kaya rin ni Yzra 'yon," saad ni Niana, dahilan upang mas lalo akong maguluhan. Hindi na 'to nakakabuti sa maganda kong mukha. Ano na lang sasabihin ng mga tao kapag pumangit ako?

[ My dad and the Alvarez emperor are already talking about some business. Just give me the go signal and I'll take over about this Alvarez case. ]

Bumuntong-hininga si Kathnyce. Maging siya ay nahihirapang magdesisyon. Pero kung binigay na sa amin ni Loris ang kaniyang salita, wala na kaming dapat ipag-alala. Bukod do'n, siya ang may mas higit na kaalaman patungkol sa mga nagtataglay ng Kerses.

[ We ran out of time. Panghahawakan ko ang mga sinabi mo, Loris. I'll see you later. ]

[ Sa wakas at natapos na rin. Matutulog na ako ulit. ]

Dahan-dahan kong sinara ang laptop na aming ginamit. Napalingon ako kay Niana nang mapansin kong malalim ang kaniyang iniisip.

"What's wrong?"

"Nothing. Loris just smells fishy."

-

Hello, my shards! Ang tagal-tagal ko nang hindi nakaka-update rito. Sana nandiyan pa rin kayo at pagpasensyahan niyo na ako. Naging abala lang talaga ako sa school at nakailang revise rin ako nitong chapter (dahil lagi akong hindi satisfied sa outcome). Babawi ako sa bakasyon, I promise.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top