Chapter XXIX: The Crest (Part II)

NAPAPIKIT NA lang nang mariin si Yzra at napahawak sa kaniyang sentido. Hindi maganda ang kutob niya sa biglaang pagdating ng binata dahil sa kanilang unang pagkikita, pansin niya na kaagad ang gulong nakakabit dito.

At hindi nga siya nagkamali.

Mabilis na minulat ni Yzra ang kaniyang mga mata nang makarinig siya ng kasa ng baril. Ang kaniyang walang ekspresyong mukha ay nabalot ng gulat nang walang pasabing binaril ni Loris sa ulo ang bartender na kanina lamang ay kausap pa ng dalaga.

Agad na naging alerto sina Lora at Cyllan nang makita nila ang pangyayari sa 'di kalayuan. Napahawak ang dalawa nang mahigpit sa kanilang mga baril nang isa-isang nagsidatingan ang mga kalaban.

"What have you done?" Nanatiling kalmado ang kaniyang boses, ngunit kitang-kita sa mukha ni Yzra ang galit. Hindi niya inaasahang mabubulilyaso ang kanilang misyon dahil lang sa padalos-dalos na galaw ng lalaking itinuturing niyang kasosyo.

Wala nang inaksayang oras si Yzra at pinindot ang pindutang nakatago sa sakong ng suot-suot niyang sapatos. Nagsimulang magbagong-anyo ang mga ito at naging mga baril.

"This is not how I fight, but you left me no choice." Pinulot niya ang dalawang baril na nasa sahig at walang pagdadalawang-isip na pinaulanan ng mga bala ang mga lalaking pumapaligid sa kanila.

Ang ilan sa mga natamaan ay agarang bumagsak, ngunit ang karamihan ay nanatiling nakatayo at nakipagsagutan ng mga putok ng mga baril.

"Cover!" sigaw ni Loris at itinumba ang isang malaking mesa gamit lamang ang isa niyang kamay. Sa kabila ng kaniyang paalala, mas pinili pa rin ng dalaga na huwag makinig at nagpatuloy sa pagpapaputok ng kaniyang dalawang baril.

"I said cover!" Puwersahan niyang sinabay sa pagyuko si Yzra at nagtago sa likod ng mesa.

Walang tigil sa pagpapaulan ng bala ang mga kalaban. Maigi na lamang at sapat ang kapal ng kahoy ng mesa upang maprotektahan sila sa kinakaharap na kapahamakan.

"Matalino ka ba talaga? Do you think that pistols of yours will manage to put up a fight against their submachine guns?!" panenermon ni Loris habang pinapalitan ang magazine ng ginagamit niyang baril na Scorpion VZ61.

"You should've thought about that before bring us to this war," malamig naman na sagot sa kaniya ni Yzra at akmang lalabas na sana sa kanilang pinagtataguan ngunit hinila siya ni Loris pabalik.

"Listen to me, Alvarez." Diretso niyang tiningnan ang dalaga sa galit nitong mga mata. "Even if you don't plan to engage, they will still attack you."

Habang nakatuon ang atensyon ng mga android kina Yzra at Loris, agad namang kinuha nila Lora at Cyllan ang oportunidad at nilikuran ang mga ito. Gamit ang kanilang matatalas na mga mata at ang kanilang galing sa paggamit ng baril, napatumba nila ang ilang kalaban sa pamamagitan ng pagpaplanta ng tig-iisang bala sa mga ulo nito, kung saan nakatago ang microchip na kumukontrol sa buong sistema ng isang android.

"Bull spit," inis na sabi ni Lora nang mapagtanto niyang balewala ang ginagawa nilang dalawa ng kababata. Sa tuwing may babagsak ay may panibago darating na kalaban. Masyado itong marami kumpara sa kanila.

"Target locked." Agad na napalingon sina Lora at Cyllan sa kanilang likuran nang makaranig sila ng isang boses. Handa na sana nilang barilin ang android na kasalukuyang naglalakad papalapit sa kanilang nang mapansin ni Lora ang isang kakaibang bagay.

Hindi sa kanila nakatuon ang atensyon nito. Maging ang baril na hawak-hawak nito ay hindi sa kanilang gawi nakatutok. Nakatutok ito sa direksyon nila Yzra.

"Don't waste a bullet on him. He's not a threat... at least for us."

"Then I might as well get this." Mabilis na binalian ng leeg ni Cyllan ang android, dahilan upang mawalan ito ng malay at mabitawan ang baril. Pupulutin na sana ni Cyllan ang baril nang pigilan siWellya ng dalaga.

"Don't touch it. That kind of gun is protected by the android's system. Try to use it and you'll be electricuted to death," babala ni Lora. Inilayo naman ng binatilyo ang kaniyang mga kamay sa baril.

"Ano nang gagawin natin? Wala na akong bala."

"The wood is badly damaged. The table can no longer hold the bullets." Nagmamadaling inilibot ni Loris ang kaniyang tingin sa bar upang maghanap ng panibagong matataguan, ngunit katulad ng mesang ginagawa nilang panangga ngayon ay puro tama na rin ng bala ang iba pang mga gamit na kaniyang nakikita.

"Checkmate," walang emosyong sabi naman ni Yzra at itinapon ang kaniyang dalawang baril na ngayon ay wala nang mga bala. Naiinis namang napasabunot ang binata sa kaniyang buhok.

"We need to get out of here!" sigaw ni Lora nang bahagya silang makalapit ni Cyllan sa kinaroroonan ng dalawang kasama.

"Damn. We're too late, Lora." Napakagat na lang sa ibaba niyang labi si Lora dahil sa sinabi ni Cyllan. Tama ang binata, huli na ang lahat. Napapalibutan na silang apat ng hindi mabilang na mga kalaban. Sinubukan niya pang ikasa ang kaniyang baril, ngunit tulad ng baril ni Yzra, ang magazine nito'y wala na ring bala.

Hindi na nakatiis si Yzra at lumabas na mula sa mesang kanilang pinagtataguan. Buong tapang niyang hinarap ang mga android na nagtatangka sa kaniyang buhay.

"I'll buy you some time. Get out of here, Lora."

"No! I'm not going anywhere without you!"

"Marquess Riel, take her away." Kinuyom ni Cyllan ang kaniyang dalawang kamao at huminga nang malalim. Nagsisimulang magtalo ang kaniyang puso at isipan patungkol sa marapat niyang gawin.

"Target locked. Shooting in fifteen..."

"No, he's not going to take orders from you. He's my man."

"Fourteen..."

"Get out of here, Lora!" Umalingawngaw ang malakas na pagsigaw ni Yzra. Bakas naman ang gulat sa mukha ni Lora sa ginawa ng kaniyang pinsan. Ito ang unang beses na narinig niya itong sumigaw.

"Twelve..."

"No, no one's gonna die tonight." Ang atensyon nilang tatlo ay napunta lahat kay Loris nang ito'y magsalita. Tumayo ang binata at naglakad patungo sa direksyon ni Yzra. Itinago niya ang dalaga sa kaniyang likuran.

"Nine..."

"Trever, now!" Isang nakangiting lalaki ang lumitaw sa pintuan ng bar. Iwinagayway nito ang hawak-hawak na detonator, dahilan upang agad na maalarma ang mga kalaban.

"Bomb detected. Proceeding to escape protocol."

"We have ten seconds to escape. Run as fast as you can," bulong ni Loris na malinaw naman narinig ng tatlo.

"If get out of here alive, remind me to kill."

"Bomb detected. Proceeding to escape protocol."

"Run!"

-

April 8, 2020 UPDATE
Not edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top