Chapter XXIX: The Crest (Part I)
Y Z R A
"I knew it. Kaya mo hinayaang umalis ang kapatid mo ay para malaya tayong makapag-imbestiga," bungad ni Lora nang siya'y makabalik sa penthouse matapos ihatid si Arima.
"I've got two reasons."
"Then what's the other reason?"
"Hindi pa ba halata sa'yo, Lora? Gusto talaga ni Arima pumunta kina Thery at Vignon," pagsagot sa kaniya ni Cyllan na kasalukuyang naghahanda sa gagawin namin. Pinorma niya ang kaniyang sarili tulad ng mga lalaki naming kaklase na madalas mapagawi sa bar.
He's wearing a plain white shirt with a black leather jacket paired with black jeans. For his footwear, he chose to wear a black sneakers. Just exactly how Lora wanted.
"Whatever. Magpapalit na ako ng damit," paalam ni Lora at nagtungo sa kaniyang kuwarto. Napansin ko naman ang pagtingin sa akin ni Cyllan kaya binalingan ko siya ng tingin.
"Spill it out."
"Can you fight comfortably with your outfit, Your Highness?" tanong niya na may pag-aalala.
A black turtleneck, an emerald velvet miniskirt, and a fishnet stocking are all that I have. (I only have those anyways because they're gifts from Arima.) I've got nothing else to wear, so I have to make it work.
"We're not going there to pick a fight. But I'm prepared in case of emergency."
"Of course."
"Let's go!" masayang wika ni Lora nang siya'y makalabas ng kaniyang kuwarto. "Here's a pair of special heels for you, by the way," aniya at inihagis sa aking direksyon ang sapatos na kaniyang dala-dala. Nang ito'y aking nasalo at napagmasdan, doon ko lamang napagtanto na isa pala ito sa kaniyang mga imbensyon.
"You're gonna wear that?" tanong ni Cyllan sa kaniyang nakababata.
Lora's wearing a plain white crop top paired with black jeans. She also got a black trench coat draped over her shoulders.
Nagkibit-balikat naman si Lora. "Unless you want me to wear a dress."
"Wala ka na bang ibang puwedeng suotin?" tanong ulit ni Cyllan. Pasimple naman akong napailing habang sinusuot ko ang heels na binigay sa akin ni Lora.
"Sa tingin mo ba magsusuot ako ng crop top kung p'wede naman ang shirt?"
- X -
"Now that I think about it, paano mo pala napatumba ang tatlong sumusunod sa inyo ni Arima noong isang araw sa pamamagitan lang pagbali sa leeg nila?" tanong ni Lora sa akin at nilingon ako mula sa shotgun seat.
"They had a short circuit, then malfunction," maikli kong sagot.
"So, you're telling me that their developer focused on their appearance than their system?" That's a rhetorical question. "That is so stupid!"
"Don't forget that they're the ones who hacked SEDRIMO," kumento naman ni Cyllan habang nananatili pa rin ang kaniyang atensyon sa daan.
"Alam mo, kung hindi ka lang nagmamaneho, baka kanina pa kita pinatulog," inis naman na sagot ni Lora bago binalik sa akin ang kaniyang atensyon.
"What's the real score between you and Loris?" tanong niya na hindi ko naman ikinabigla dahil inaasahan kong tatanungin at tatanungin niya ako tungkol sa amin ni Loris hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot.
"We're business partners."
"Uh-huh. Kaya pala pumayag kang maging date niya sa ball," she said, still unconvinced.
"He knows I'm a mafia. He knows I'm not interested in him, so he wants me to be his date. Are you satisfied?" Nanatiling walang emosyon ang aking mukha ngunit binigyan ko nang diin ang bawat salita na aking binitawan.
"And based on what you've said last night, you conditioned him to investigate for you. You're indeed business partners. But there's a problem..."
"What now, Lora Francé?"
"You're not interested in him, but what if he's interested in you?" tanong niya na may halong panunukso. Imbis na sagutin siya't pagsayangan ng laway, pumikit na lang ako at hindi siya pinansin. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.
"Okay, I just pissed off the Yzra Alvarez!" Lora exclaimed like she achieved something big.
"Ngayon ko lang narinig na makipag-usap ang mahal na prinsesa," rinig kong pagkausap ni Cyllan kay Lora. Bumalot naman sa kotse ang halakhak ng aking pinsan.
"You all thought she's quiet, but you've been fooled!" wika niya sa pagitan ng kaniyang pagtawa. "She can be the loudest person you've ever known," dagdag pa niya.
"And now we're here," pamamalita ni Cyllan. Naramdaman ko naman ang pagliko ng sasakyan, mukhang pinaparada niya na ito.
Iminulat ko ang aking mata't sumilip sa bintana. Bumungad sa akin ang isang maliit na gusali na may dalawang bantay sa pinto.
Pinangunahan na ni Lora ang pagbaba sa kotse kaya't sumunod na rin kami ni Cyllan sa kaniya.
"I don't think I can do this," bulong ni Cyllan. Napairap naman si Lora at inilapit ang kaniyang labi sa tainga ng binata.
"We don't have any other options," bulong ni Lora sa kaniyang tainga, dahilan upang bahagya siyang mapaatras.
"This is a mission, Marquess Riel. Gawin mo ang kailangan mong gawin," maawtoridad na sambit ko. Napabuntong-hininga na lang siya.
"Sure, babe! Let's do that," pag-akto ni Cyllan sabay inakbayan ang kaniyang nakababata. Nauna na silang maglakad habang ako'y nanatili sa kanilang likuran.
Hindi naging mahirap ang pagpasok namin sa bar dahil sa ginawang fake ID's ni Lora. Sa aming pagpasok, napansin ko kaagad ang kaibahan ng bar na 'to sa club na napuntahan namin ni Lora noong nakaraan.
No blinding and twinkling lights. No awful smells. No wasted people. I like this place way better.
"Doon lang kami ni Cyllan. Kaya mo na naman ang sarili mo, 'di ba?" tanong ni Lora. She's acting by the way.
"Huwag niyo na akong alalahanin. Enjoy yourselves," sagot ko naman at ngumiti nang pilit. Naupo ako sa isang bakanteng upuan na nakita ko sa gilid samantalang nagpatuloy naman silang maglakad dalawa.
"New here?" tanong sa akin ng isang lalaki nang ako'y kaniyang lapitan. I supposed he's the bartender here. Tumango naman ako.
"Mukhang napilitan ka lang sumama para may nagbabantay sa kanila," saad niya't bahagyang tumawa. Nagkibit-balikat naman ako.
"Ganoon na nga," tipid na sagot ko sa kaniya. Napatingin na lang ako sa inuming kaniyang nilapag sa mesa. "You must have the wrong table. I didn't order anything."
"We got free special drinks to every newcomer."
"I see. Thank you then." Kukuhanin ko na sana ang beer para inumin nang biglang may tumakbo nang mabilis at nabangga ang mesa, dahilan para matapon ang inumin.
"Oops, clumsy mistake. I'll just order you another drink." Ilang beses akong napakurap nang makita ko ang mukha ng taong pinaka hindi ko inaasahang makita ngayong gabi.
Anong ginagawa mo rito, Loris?
-
March 19, 2020 UPDATE
Not edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top