Chapter XXIII: Invitation

A R I M A

"Hindi ba talaga kayo makuha sa isang sabihan? Kasimple-simple lang ng bilin namin sa inyo. Huwag kayong gagalaw nang hindi namin alam. Alin doon ang hindi niyo maintindihan?" Napayuko na lang ako. Kasalanan ko ang lahat ng nangyari ngayong gabi. Ako ang nakakatanda pero imbis na pigilan ko sila, hinayaan ko lang silang gawin ang gusto nila.

"We just like to have some fun, mom."

"Have some fun? Hindi ko alam na kinatutuwa niyo na pala ngayon ang pagkakaroon ng bangas sa mukha. Nagsabi na lang sana kayo't ako na ang gumawa," sarkastikong sagot ng tiya sa kaniyang anak. Magsasalita sana muli si Lora ngunit siya'y natigilan nang mahigpit na hawakan ni Yzra ang kaniyang braso.

"We're very sorry, but you have to understand that we can't just sit still. We need to do something."

"Naiintindihan ko kayo, Yzra, ngunit kayo ang nakalilimot sa tunay na dahilan kung bakit namin kayo pinapasok sa siyudad ng Medallion. Nandito kayo para manatiling buhay," malumanay na sagot ni Aunt Iris at nilapitan si Yzra. Kinuha niya ang malinis na bimpo at plangganang naglalaman ng maligamgam na tubig na hawak-hawak ng aking kapatid. Pagkatapos ilublob ang bimpo sa tubig, buong ingat niyang nilinisan ang sugat sa noo ni Yzra.

"Bukod do'n, isang araw pa lang ang nakalilipas simula nang muli kang matagpuan. Ang gamot na iyong ininom ay para lang pawalain ang marka ng mga sugat sa iyong balat. Hindi pa tuluyang nakakabawi ang iyong katawan matapos ang engkuwentro mo sa mga cannibal," paalala ni auntie ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha ng aking kapatid.

"Kung ganoon ay tutunganga na lang kami habang nagpapakahirap kayo? Parang sinabi niyo na ring isuko namin ang puwesto sa pagiging lider ng organisasyon balang-araw at maging inutil na lamang," pangangatwiran ni Lora. Hinarap siya ng kaniyang ina.

"My Lora, that's not what I'm trying to imply. I'm asking the three of you to lie-low 'til we have a concreate plan, for all the things you'll do may affect everything." Napabuntong-hininga na lang si Lora.

"Fine. We'll cooperate this time."

"That's my girl." Isang ngiti ang gumuhit sa labi ng tiya.

"B-Bakit nga po pala kayo napadayo rito, auntie?" nauutal na tanong ko. Hanggang ngayon ramdam ko ang kaba sa takot na kami ay maparusahan matapos naming lumabag sa bilin nila.

"Oh, buti pinaalala mo, hija!" Inilipag ni Aunt Iris ang bimpo't planggana sa coffee table. Muling sumeryoso ang kaniyang mukha. Napalunok ako. Lalong lumalala ang kabang aking nararamdaman.

"Another attack has been reported. This time, the victims are from the household of mitsurugi-vignon. Wala pang balita kung anong kalagayan nila pero kasalukuyang nagpupulong ang pantheon ngayon." Vignon... Sina Niana at Libby? Imposible namang sila ang biktima dahil tulad namin, kasalukuyan silang nasa loob ng siyudad. Alam na kaya nila ang balita?

Y Z R A

"Nasaan si Arima?" tanong ni Cyllan kay Lora habang inaayos nito ang kaniyang locker.

"Kasama niya ang Minari. Balita ko, may importanteng sasabihin si Libby sa kaniya," sagot naman ni Lora bago isinara ang locker at isinilid sa kaniyang bulsa ang susi.

"Saan kayo pupunta ngayon?" tanong muli ng binata sa aking pinsan. Napahawak si Lora sa kaniyang baba, walang ideya kung saang lugar nga ba kami maaaring manatili habang hindi pa tumutunog ang bell.

"Ikaw ba, Yzra? Saan mo gustong pumunta?" pagbaling niya ng tanong sa akin. Napakibit-balikat na lang ako.

"Sa clinic," tipid na sagot ko. Hindi maipinta ang mukha ni Lora dahil sa pagkalito. Hindi niya inaasahan ang aking naging sagot.

"Sa clinic? Ano namang gagawin mo roon?" takang tanong niya pero imbis na siya'y sagutin, nanatiling tikom ang aking bibig. Hindi ko naman kailangang ipaliwanag sa kaniya ang lahat.

"Matulog, iyon lang naman ang nakikita kong ginagawa ng mga estudyante roon. Saktong-sakto at inaantok din ako," tugon ni Cyllan, dahilan para malakas siyang batukan ni Lora.

"Iyan, diyan ka magaling! Kapag kalokohan ang usapan, tumatalino ka. Huwag mong itulad sa'yo si Yzra," ani Lora.

"Pare-pareho tayong puyat at kulang sa tulog. Tao rin naman iyang pinsan mo at nakakaramdam ng pagod," depensa ni Cyllan.

"Oo, tao si Yzra pero sa'yo ako hindi sigurado. Anong klaseng unggoy ka ba?"

"Aba! Inaano ba kita?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa aking likuran nang makarinig kami ng isang lalaking tumikhim. Napataas na lang ang aking isang kilay nang makita ko ang isang Loris Saiz sa aking harapan. Hindi tulad ko, halatang-halata na nakipaglaban siya kagabi dahil sa gasang nasa kaniyang noo.

"May kailangan ka?" tanong ni Lora sa kaniya. Napatingin na lang ako sa kaniyang kamay ng ilahad niya ito sa aking harapan.

"I'm Loris Saiz," pagpapakilala niya. Nag-aalangan akong tanggapin ang kaniyang kamay ngunit sa huli'y nakipagkamay ako.

"Yzra Alvarez."

"Great. Now that we know each other, I need to talk to you in private," saad niya. Malamig ko siyang tiningnan diretso sa mga mata.

"No! If you wanna speak with my cousin, you're gonna talk here," matigas na sagot naman sa kaniya ni Lora, dahilan upang mabaling ang atensyon sa kaniya ni Loris.

"Wala akong balak na masama sa kaniya. May gusto lang akong itanong," malumanay na wika ni Loris. Pasimple akong napangisi. Mukhang alam niya na ang tungkol sa pagkakakilanlan naming apat.

"Fine, lead the way."

"Pero, Yzra!"

"She got it, don't worry."

Nagsimulang maglakad papalayo si Loris habang ako'y nakasunod naman sa kaniya. Dinala niya ako sa isang pasilyo ng unibersidad kung saan walang masyadong tao.

"I'll give you a minute to talk. Your time starts now." Inabot niya sa akin ang isang paper bag na kanina niya pa pala dala-dala. Nang ito'y aking kuhanin at buksan, bumungad sa akin ang kulay puting bestida.

"What's this?"

"A gift."

"It's not my birthday."

"I'd like you to go to the 4th of July Ball with me." I was taken aback. Ilang beses akong napakurap dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan ang ganitong tanong.

"Pardon?"

"Will you go to the ball with me?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top