Chapter XVII: Phone Call

L I B B Y

"Sino bang hinihintay nina Niana't Libby?" tanong sa akin ni Niana, ang pinsan kong weirdo, habang hinahangaan ko ang aking kagandahan mula sa repleksyon ng salamin na aking hawak-hawak.

"Hindi na magiging kapanabik-panabik kung sasabihin ko sa'yo," wika ko't mabilis na kinuha ang Satin Lipstick in Fleshpot mula sa aking bag na kandong-kandong ko. "So, much better if you just sit still and wait patiently," I added then pursed my lips to spread out the lipstick I just applied.

"Okay," she simply replied and started to tap her fingers on the table to pass time. Agad ko naman kinuha ang oportunidad upang ayusan ang aking sarili. Matapos kong isilid sa bag ang lipstick ay inilabas ko ang suklay upang ayusin ang aking buhok sa isang pusod.

Nang matapos ako sa pagtatali ng buhok ay tinawag ko si Niana upang kuhanin ang kaniyang opinyon. "How do I look?" tanong ko sa kaniya at inilagay ang aking kamay sa ilalim ng aking baba.

"Libby looks fine," tipid na sagot niya, dahilan upang mapaawang ang aking labi sa gulat. Tumayo ako mula sa pagkakaupo't hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"What do you mean by 'fine'? Don't I look gorgeous? Hindi ba bagay sa akin yung tali? May lagpas ba na lipstick? Tell me!" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya at nagsisimula nang magpanik. Hindi puwede 'to! Kailangan maging maganda ako kahit saang anggulo!

"Stop it, Libby! Maganda na si Libby kahit hindi mag-ayos. Kaya imbis na panlabas na kaanyuan ang iniisip ni Libby, pag-isipan na dapat nila ni Niana kung anong kakainin para sa tanghalian." Napahawak na lang ako sa aking dibdib at napahinga nang malalim. Akala ko, may nangyari na sa mukha ko't nawala na ang kagandahan.

"I'm on my diet, so basically, I'll have Greek Salad."

"Greek Salad? Wala namang ganoon dito sa cafeteria, Libby."

"I know, Niana. Besides, I don't trust the cook here. Who knows? Baka bulok na ang mga sangkap na ginagamit niya. Mas maigi nang nagdala ako ng sarili kong baon," saad ko bago kinuha ang food grade clamshell packaging na naglalaman ng salad mula sa aking bag.

"Of course. Niana should've known," kibit-balikat niyang sabi at ngumiwi. "By the way, did Kathynce ring Libby? May balita na ba sa imbestigasyon? Nahanap na ba ni Kathnyce ang kaniyang kapatid?" sunod-sunod na tanong niya kaya napairap na lang ako.

"P'wede isa-isa lang? Wala naman tayong oras na hinahabol," reklamo ko ngunit imbis na humingi ng pasensya ay ningitian pa ako ng loka. Mabuti na lang, maganda ako't natitiyaga ko ang ka-weird-uhan niya.

"No, hindi niya pa ako tinatawagan at sinisugurado ko sa'yo na hindi niya tayo tatawagan ngayong araw dahil wala naman iyon sa plano niya't hindi siya mag-aaksaya ng oras para lang kuwentuhan tayo," sagot ko sa kaniya, dahilan upang tumaas ang isa niyang kilay.

"Bakit?" takang tanong ko habang paulit-ulit na inaalala ang aking mga sinabi sa aking utak, iniisip kung may nasabi ba akong masama.

"Ang labo lang kasi ng sinabi ni Libby. Nagkukuwento naman paminsan-minsan si Kathnyce kina Niana, 'di ba?"

"Hey!" Sabay kaming napalingon ni Niana sa babaeng bumati't lumapit sa aming table. Agad namang nagningning ang aking mata nang makita ang kaniyang mukha.

"Arima! Just in time, we're about to eat. Come, take a seat," aya ko sa kaniya't tinapik ang bakenteng upuan sa aking tabi.

"Pasensya na kayo. Medyo magulo kasi yung locker ko kaya nahirapan ako sa pag-aayos," pagpapaliwanag niya't nahihiyang ngumiti sa aming magpinsan.

"No worries, girl. I feel you! Minsan, sa sobrang kamamadali kong makapunta sa susunod kong klase, hindi ko na nalalagay nang maayos ang mga gamit ko sa locker. Nakapag-ayos lang ako nitong nakaraang araw kaya maayos-maayos pa," natatawang wika ko. Napangiti na lang siya.

"Anyways, are you going to buy a meal? Bibili rin kasi si Niana, sabay na lang kayo."

"Oh, yes. Pero paano ka? Hindi ka ba kakain?" takang tanong niya sa akin. I pat the packed lunch I prepared.

"You girls, go ahead. I'll be waiting here."

"Wala bang gustong ipabili si Libby? Panghimagas man lang o inumin," tanong ni Niana habang kinukuha niya ang kaniyang pitaka mula sa kaniyang bag. Umiling naman ako.

"I've got everything that I needed, but thank you for asking, my dear cousin."

"Okay. Tara na, Arima," aya niya kay Arima na tila hindi ito ang unang beses na sila'y nagkausap. Pero hindi ko naman siya masisisi, nasa dugo na namin ang pagiging maganda. At kung maladiyosa naman ang iyong hitsura, bakit ka mahihiya?

"Bibilisan lang nina Arima't Niana kaya hintayin na lang sila ni Libby at sabay-sabay na kumain," bilin niya't tumayo mula sa pagkakaupo. Napairap na lang ako. Ang dami-dami pa niyang sinasabi, p'wede naman niyang diretsuhin na lang. Napadaing na lang ako sa sakit nang isang kurot ang maramdaman ko sa aking kaliwang braso. "Naiintindihan ba ni Libby?" tanong niya sa akin at pinanlakihan ako ng mga mata.

"Oo na! Oo na! Nakakaasar naman 'to. Kailangan pang manakit." Hinimas-himas ko ang parte kung saan niya ako kinurot. Maigi sana kung hindi kahabaan ang kuko niya.

"Pasensya na sa paghihintay, Arima. Tara na." Pinanood ko silang maglakad papalayo sa akin habang iniinda ko pa rin ang pagkakakurot sa akin ni Niana. Malilintikan talaga sa akin mamaya ang babaeng 'yon kapag nag-iwan ng sugat o gasgas ang mga kuko niya sa malambot at makinis kong balat.

Bahagya akong napatalon sa gulat nang tumunog ang aking telepono. Agad ko naman itong kinuha mula sa aking bulsa't tiningnan kung sino ang tumatawag sa screen. Kathnyce. Napangisi na lang ako.

"Kumusta? Buti maman at naisipan mo pang tumawag. Akala ko, wala ka na namang oras na nakalaan para balitaan kami tungkol sa iyong imbestigasyon," bungad ko sa kaniya nang sagutin ko ang tawag.

[ It's a family matter, Libby. Labas kayo ro'n ni Niana kaya hindi ko kayo kailangang balitaan ukol do'n. ]

Napakibit-balikat na lang ako. Kahit hindi naman niya sabihin ay mukhang 'di pa rin niya nahahanap ang nakakatandang kapatid dahil sa tono ng boses niya.

[ Anyways, I'm kinda obligue to inform you about Mafia matters. Narinig mo na ba ang tungkol sa mga cannibal? ]

Napataas ang isa kong kilay dahil sa pagtataka. "What about them?"

[ Ayon sa aking intel, nakahanap na ang mga ito ng paraan upang sirain ang Frontier Horizon. ]

"So what? That's not our concern anymore, unless there's money involved." Napahilot na lang ako sa aking sentido. Hindi ko na alam kung saan papatungo ang usapang ito.

[ Have you heard about the series of deaths of mafias? ]

I gasped. Huwag mong sabihin...

[ Mukhang nakuha mo na ang pinupunto ko. I'm on my way to check the situation. I'll keep you updated. ]

Tinanggal ko ang pagkakatapat ng telepono sa aking tainga. Hindi ko na napigilan ang pag-igting ng aking panga sa galit na namumuo sa akin. Dapat talaga'y matagal nang tinapos ng aming mga ninuno ang lahi ng cannibal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top