Chapter XVI: Cannibalism

A R I M A

Huwebes pa lang ngayon pero madami nang nangyari sa amin. Wala pa nga kaming isang linggo na pumapasok sa unibersidad na 'to ay kaagad akong nagkaroon ng isang liban sa klase (dalawa para kina Lora). Akala ko nga noong una'y kaming dalawa lang ni Cyllan ang papasok para sa araw na ito pero laking gulat ko nang makita sina Lora at Yzra na magkasama noong makarating kami sa silid-aralan.

Hindi ko pa nakakausap si Lora kaya hindi ko pa rin alam kung anong nangyari sa kaniya kaninang madaling araw at kung paano niya nahanap ang kapatid ko. Pero makakapaghintay naman ang usapin na iyon hanggang sa makauwi kami sa penthouse.

Napabuntong-hininga na lang ako sa pagod. Kanina pa nananakit ang kamay ko kakasulat pero hindi naman ako pwedeng tumigil dahil kailangan ko lahat ng notes para sa susunod na plano ni Lora. Kung bakit ba kasi iniwan ko sa hideout ang text transferring gadget?

"Hey." Napakagat na lang ako sa aking ibabang labi nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking batok nang ako'y tumingala. "Kakabalik mo lang pero masyado ka namang masipag, Arima. Hindi na ako magtataka kung makakasama ka sa honor roll. Masisipag din siguro ang pinsan at kapatid mo," kumento ni Libby sa aking ginagawa.

"Hindi naman sa gano'n. Gusto ko lang kaagad maisauli sa'yo ang notebook," sagot ko sa kaniya at nahihiyang ngumiti.

"No need to rush. Baka mabinat ka na naman ulit. May back-up naman ako kung sakaling magkakaroon ng quiz. Take your time." Sinundan ko ng tiningin ang kaniyang kamay na kasalukuyan niyang pinangtatapik-tapik sa aking balikat.

"You really save my sorry butt, Libby. Thank you!" nakangiting wika ko na kaniya namang sinuklian.

"You, your sister and your cousin are always welcome. Oh! And that Gabriel, too! Sabihin niyo lang sa akin kung anong kailangan niyo at tutulungan ko kayo, okay?" Sasagot pa lang sana ako nang biglang pumasok si Mrs. Legazpi, our homeroom teacher.

"Okay, class. Go back to your respective seats," saad niya nang mailapag niya ang mga gamit na dala-dala sa teacher's table.

"Sabay ulit tayong kumain?" tanong sa akin ni Libby. Binalewala niya ang sinabi ng gurong magtuturo sa amin ngayon at prenteng tumayo sa aking harapan.

Agad akong napaisip kung sasang-ayon ba sina Yzra kung papayag ako sa paanyaya ni Libby. This is our opportunity to know our enemies and my chance to completely finish my task. I guess, it's okay?

"Sure," sagot ko sa kaniya. "May aasikasuhin din naman sina Yzra kaya mas makakaigi sigurong sa inyo na lang muna ako sumama pansamantala."

"That's great to hear! Marami akong ikukuwento sa--"

"Miss Thery, I said please take your seat," sita sa kaniya ni Mrs. Legazpi kaya hindi niya na natuloy ang kaniyang sasabihin at bumalik sa kaniyang sariling upuan.

"Good morning, class. Today, our lesson will be all about awareness. But before that, may I ask who's absent?" tanong nito bago kusang tumingin kay Niana, ang tumatayong sekretarya ng aming klase.

"Wala naman po, Ma'am Legazpi. Pero hawak po ngayon ni Niana ang excuse letters ng mga lumiban noong nakaraang araw," wika ni Niana at tumayo upang iabot ang excuse letters na kaniyang tinutukoy. And if you're wondering whose those, those are ours.

I know, I know there's really no point giving those kind of stuffs but we have to. According to Aunt Iris, that's what normal students usually do, especially when they're absent in their first week.

"Thank you, Miss Vignon." Kinuha niya ang mga sulat at inipit sa pagitan ng kaniyang class records at mga libro na dala-dala. "Let's start, shall we?"

"Alam naman siguro nating lahat na hindi lang mga tao ang namumuhay sa mundong ginagalawan natin, tama? Simula pagkabata ay pinaalam na sa atin ito ng mga guro natin noong elementarya dahil sa kapahamakan nitong dala. Pero anong kapahamakan naman iyon? May ideya ba kayo kung tungkol saan ito?" tanong niya sa amin kaya nagsimulang magsitaasan ng kamay ang aking mga kaklase.

"Yes, Miss Montenegro?"

"If I'm not mistaken, you're talking about the two races we have in this world. The humans and the cannibals." Mabilis akong napalingon sa aking likuran ng aking mabosesan ang nagsasalita. Francilla? Anong ginagawa niya rito?

And correction, there are three races in this world. Oo, alam ko. Tao pa rin kaming maituturing pero dahil nga sa kakaibang dugong dumadaloy sa amin, masasabi ring hindi kami tao.

"So, basically the danger you're talking about is getting eaten by those monsters," pagpapatuloy niya sa kaniyang sagot.

"Very good, Miss Montenegro. You can now take your seat," puri sa kaniya ng aming guro kaya bahagya akong napatawa. I can imagine Lora rolling her eyes right now.

"With that being said, I assumed you already know the Frontier Horizon, am I right? May makakapagsabi ba sa akin kung ano iyon?" Muling nagsitaasan ng kamay ang aking mga kaklase.

"Yes... um..." Bahagyang napatingin si Mrs. Legazpi sa nakabuklat na class record sa mesang nasa harapan niya. "You're Miss Bourbon, no?" Nanlaki ang mga mata ko nang mabanggit ni ma'am ang apelyido ng aking pinsan. I can't believe she'll participate to this kind of nonsense. She's being competitive because of the clown that recited earlier.

"Frontier Horizon is a glowing green barrier that surrounds the big city of Medallion and protects the avaries from cannibals roaming outside the said city," Lora answered confidently. Napailing na lang ako.

"Very well said, Miss Bourbon." Wala pa mang sinasabi ay naupo na si Lora. "Paniguradong alam niyo na naman ang tungkol sa alamat kung saan nanggaling ang mga cannibal kaya hindi ko na kayo tatanungin tungkol doon." Nagsimula siyang magpalakad-lakad sa aming harapan.

"Pero nais kong malaman ang inyong opinyon. Miss Alvarez?" Napapitlag ako sa biglaan niyang pagtawag sa aking apelyido.

"Yes, ma'am?"

"Oh, dalawa nga pala ang Alvarez natin sa klaseng ito," natatawa niyang saad at muling kinuha ang kaniyang class record. "Miss Yzra?" tawag niya sa aking kapatid ngunit mukhang hindi siya narinig nito.

"Miss Yzra?" pag-uulit niya. Sa pagkakataong ito ay nakuha niya na ang atensyon ng aking kapatid. "You seem lost with your thoughts. I hope you're still listening to what I am saying. Would you mind sharing what you think regarding to the known monsters?" Dahan-dahang tumayo si Yzra mula sa kaniyang pagkakaupo.

"I don't think cannibals are monsters. They're just humans who tend to eat other humans' fleshs. Villains to our stories. While we're protons and mafias as neutrons, cannibals were made to balance the world and act as the electrons." Bahagyang tumaas ang aking kilay nang makita kong magtaas ng kamay si Lora.

"Yes, Miss Bourbon? Do have something to say?"

"I beg to disagree, Mrs. Legazpi. I mean, can you still call them human when they're eating the flesh of their same kind?" pagsasalungat niya sa naging sagot ni Yzra.

"Then, can you call someone a monster when he's just trying to survive?"

-

Hi! I've made a new book cover for Frontier Horizon but I can't decide if I'm going to change it or not. May I get your opinion? Here's the new book cover.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top