Chapter XLVII: Laboratory Notes
L O R A
"Greetings, uncle," nakangiting bati ko sa aking tiyuhin nang siya'y makasalubong ko habang ako'y naglalakad sa pasilyo. Kasalukuyan akong nasa mansion ng mga Alvarez upang bisitahin ang laboratoryo ni Yzra.
"You don't have to fake a smile, Lora. I knew very well that you're not fond of me," tugon naman ni Uncle Izeno, dahilan upang mabilis na maglaho ang ngiti sa aking mga labi.
"Maigi naman po at alam niyo," sarkastiko kong saad sa kaniya. Alam kong ikalulungkot ni mom na ganito ang relasyon naming magtiyuhin, ngunit alam ko ring maiintindihan niya kung bakit malamig ang trato ko sa kaniyang kapatid.
"You're aware that Arima, Cyllan and I were responsible for what happened to the Mariana yesterday. But I wonder, why haven't I received any punishment?" Ang tono ng aking pananalita ay nanatiling mapang-asar, maging ang aking ekspresyon.
"I'm sure that your father never lacked, but I don't understand this behavior of yours," aniya habang nanatiling blangko ang kaniyang mukha. Mahigpit kong ikinuyom ang aking kamay upang pigilan ang inis na namumuo sa akin. You're far worse than me, Uncle Izeno.
"Indeed. The Emperor of Bourbon is responsible, strict and very proud. He always reminds me to never look up nor respect people that aren't worthy. Don't you agree, uncle?" Ningitian ko siya nang matamis. Mas lalo pang lumawak ang aking ngiti nang bumakas sa kaniyang mukha ang pagtitimpi.
"I wouldn't stay here for too long if I were you," saad niya't nagsimulang humakbang papalayo sa akin.
"Is that a threat, uncle?" pahabol kong tanong, ngunit nagpatuloy lang siya sa paglalakad at hindi na ako muli nilingon.
I laughed softly. Between the two of us, it's clear that he's the one who's at disadvantage. My father and I might not have a close relationship, but he still can be very protective. I'm the sole heiress of Bourbon, the head family of The Parliament. Anger my father once and all of his dark secrets will unveil.
Besides that, I'm the one who's managing the security of his organization (it was part of the agreement when my father approved the alliance). I basically have access to all the files, reports, and communications of Deathstalkers. I, alone, can cause his downfall.
I'm a privileged one, aren't I?
Nang makarating ako sa harap ng laboratoryo, itinipa ko ang passcode na binigay sa akin ni Yzra noon pa man. Sunod noon ay ini-scan ko ang aking mata upang kumpirmahin ang aking pagkakakilanlan. Bumukas ang pinto at bumungad as akin ang amoy ng mga kemikal. Dahil sanay na ako, hindi ako nag-abala pang magsuot ng mask.
Inilibot ko ang aking tingin sa malawak na silid. Kumpara sa huli kong bisita ko rito, mas dumami ang mga cryochamber na naglalaman ng iba't ibang specimen. I thought she's not interested anymore, but I can see that she never stopped looking for a way to control her blood.
Maingat kong tinungo ang mesa ni Yzra na punong-puno ng mga papeles na nasisiguro kong tungkol sa kaniyang mga pag-aaral at mga natuklasan. Hindi nakaligtas sa aking tingin ang ilang mga dokumentong nakakalat sa sahig. Suot-suot ang aking guwantes, pumulot ako ng isang papel at sinimulan itong basahin.
┏
Discovery | June 02, xxxx
There is no certainty that sample
ADR is a new element or a mutated
DNA. My study can only confirm
that sample ADR is a fluid that
circulates in their system that
provides them energy.
Furthermore, after performing
an autopsy on the subject's head,
I found a microchip implanted
near its brainstem. I will leave it
be for now and will thoroughly
contemplate the next step.
┛
Sinimulan kong pulutin ang iba at isa-isa itong sinuri; nagbabakasakaling may mahanap pa akong mahalagang impormasyon na lubos na makakatulong sa aming imbestigasyon sa mga android.
┏
Experiment | June 05, xxxx
Sample ADR didn't serve its
purpose. Once again, there's no
progression made for Project
IZERA.
┛
Nanlaki ang aking mata dahil sa aking nabasa. Izera. That's the same name I have read from the Information Network of Alvarez. Does Yzra have something to do with her disappearance?
- X -
"What are you doing here?" Hindi ko maiwasang itaas ang aking kilay nang maabutan ko si Saiz na nakaupo sa aming sala. Kasalukuyan siyang umiinom ng tsaang itinimpla ng aming esquire.
"Oh, you're back from Deathstalkers HQ?" tanong niya sa akin pabalik, dahilan upang mapakunot ang aking noo. Hindi niya sinasagot ang aking tanong. "Have you found anything we can work on?" pagtatanong niya ulit.
"I don't want you here, leave," utos ko sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. Aakyat na sana ako ng hagdan upang magtungo sa aking kuwarto nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Are you sure? I may have the missing information you're looking for." His lips formed a grin; he's mocking me.
"You're not gonna fool me, Saiz. I know didn't approach my cousin for nothing." Muli kong narinig ang nakakaloko niyang tawa. Unti-unting nalukot ang mga papeles na aking hawak-hawak dahil sa mahigpit na pagkuyom ng aking kamay.
"I can tell you about my plans, if you want to hear that too."
"Huwag mo kong sinusubukan, Saiz!" At sa isang iglap lang, siya'y napapaligiran na ng aming mga tauhan. "Baka nakakalimutan mong ikaw ay nasa puder ko."
"What's this commotion all about?" Mula sa kaniyang opisina ay lumabas ang aking ama. Sinenyasan niya ang aming mga tauhan na lumayo kay Saiz, na agad naman nilang sinunod. "That's not how I taught you to treat a guest, Lora."
"He's not a guest, father."
"You're being impatient, Lora. Your judgement is clouded."
"He's not someone you can trust, father."
Ako'y napapitlag nang may bumatok sa akin. "Kahit kailan ay ang tigas-tigas ng ulo mo," ani ni mom at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. "Huwag mo nang sagot-sagutin ang tatay mo at kausapin mo na lang si Loris."
"Pero, mom—"
"Walang pero-pero! Pakinggan mo lang siya at siya na rin ang kusang aalis. Hindi ba, hijo?" sabi niya't binaling ang tingin kay Saiz. Isang tango naman ang sinagot niya sa aking ina. Napairap na lang ako. Sermon lang ang aabutin ko kay mom kung hindi ko pa siya pakikinggan.
Walang imik na bumalik si dad mula sa kaniyang opisina habang humuhuni siyang sinundan ni mom. Mabigat ang mga paa, lumapit ako kay Saiz at umupo sa katapat niyang sofa.
"You don't have all the time, Saiz. If I were you, I'll start talking now."
-
Thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.
May 9, 2022 UPDATE
Not edited
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top